top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | April 5, 2022


ree

Umabot sa 150,597 o nasa average na 4,858 kada araw ang tourist arrivals sa Boracay Island noong nakaraang buwan, ang pinakamataas makalipas ang dalawang taon mula nang ideklara ang COVID-19 pandemic noong March 2020.


Ngunit sa kabila nito, nanatiling mababa ang bilang ng foreign visutory, mahigit isang buwan matapos payagang makapasok sa bansa ang fully vaccinated tourists mula sa visa-free countries.


Karamihan sa mga bumibisita sa isla ng Boracay — na nasa 146,440 — ay mga domestic tourists habang ang mga Pinoy na nakabase sa ibang bansa ay nasa 1,624 ang bumisita.


Ang mga foreign tourists naman ay nasa 2,533 o 1.68 percent.


Bahagyang mababa ang bilang ng tourist arrivals noong nakaraang buwan kumpara sa pre-pandemic figures — 160,070 noong January 2020 at 103, 834 noong sumunod na buwan, base sa datos mula sa tourism office ng Malay, Aklan.

 
 

ni Mharose Almirañez | March 20, 2022



ree


Nakakainit ng ulo ang mainit na panahon, kaya deserve nating magpakalayu-layo’t magpalamig sa maaliwalas na lugar. Perfect escape ang naggagandahang beaches sa ‘Pinas, kaya hindi mo na kakailanganing mag-Jeju Island o mangibang-bansa.


Isipin mo na lamang ang sariwang simoy ng hangin, nakakikiliting hampas ng alon, maaligasgas na buhangin at naglalakihang bato na nakapaligid sa isla, ay tiyak na malilinis talaga nito ang mental health mo’t mabubura lahat ng ka-toxic-an sa ‘yong mindset.


But wait! Bago ka mag-imagine r’yan, siguraduhin mo munang may budget ka’t hindi puro drawing ang mga makakasama mo’t hanggang group chat na lamang ‘yang itinerary n’yo.


Upang mas ma-trigger kang ituloy ang na-postpone na summer getaway noong 2020 hanggang 2021 dahil sa pandemya, tiyak na wala kang kawala ngayong Alert Level 1 na, dahil narito ang mga naggagandahang lugar na puwedeng isama sa inyong listahan:


1. ZAMBALES. Sabi nga nila, ‘adventure didn’t start with an A, but with the Z.’ Matatagpuan lamang ito sa bahaging Luzon kaya hindi mo na kakailanganing bumiyahe sa Visayas at Mindanao para lamang sa 2D1N. Sulit na sulit ang naggagandahang isla sa Zambales kaya masasabing worth it balikan, hindi katulad ng ex-dyowa mong malabong mag-comeback pa kayo.


2. BATANGAS. Maliban sa view ng Taal Volcano ay nagkalat din sa Batangas ang napakaraming virgin islands. Good luck na lamang sa island hopping dahil tiyak na mahahanap mo talaga rito ang nawawala mong sarili, yet, baka rito mo rin makita si The One. Ayieee!


3. BORACAY. Siyempre, hindi mawawala ang isa sa pinakasikat na tourist destination sa bansa. Bagama’t masyado nang crowded ang Boracay ay puwedeng-puwede ka pa ring mag-enjoy dito dahil sa Instagramable ambience ng white sand beach, crystal clear water, giant rock formations, atbp.


4. QUEZON. Akala mo ba, alphabetical order ‘to? Mali ka, beshie! Tulad ng Batangas ay nagkalat din sa probinsiya ng Quezon ang virgin islands. Kaya kung ayaw mo sa crowded beaches, puwede kang mag-explore sa mga undiscovered islands dito habang kinakanta ang Cruel Summer ni Taylor Swift with an entry sa TikTok nang ‘why would I lower my standards, if may travel buddy akong bff’, kineme.


5. SIARGAO. Ito ang bagong pasyalan ng mga artista nowadays. Bilang Surfing Capital of the Philippines, marapat lamang na mapasama rin ito sa ‘yong bucket list. Hindi ka man marunong mag-surfing, oks lang dahil marami kang puwede maging surfing buddy dito.


Kung ayaw mo naman sa tubig, puwedeng puwede ka ring magpalamig sa Baguio at Tagaytay, para feel na feel ang coldness ng iyong love life.


So, beshie, ano pang hinihintay mo? Bulabugin na si BFF upang makulayan na n’yo ang idinrowing na summer getaway this 2022!


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 26, 2022


ree

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga turista sa Boracay matapos ang pagluwag ng restrictions at pagpasok ng foreign tourists sa bansa.


Nasa 53,787 tourists ang bumisita sa sikat na island-resort simula nitong Pebrero hanggang nitong Miyerkules, ayon sa datos mula sa municipal tourism office ng Malay sa Aklan kung saan matatagpuan ang Boracay.


Kabilang dito ang 242 foreign tourists na karamihan ay mula sa United States (85), Germany (25) at United Kingdom (21), ayon sa municipal tourism office.


Noong nakaraang linggo, umabot sa 3,000 kada araw ang tourist arrival dito. Ang mga fully COVID-19 vaccinated foreign tourists mula sa visa-free countries ay pinayagan nang makapasok sa bansa mula noong Feb. 10 habang ang mga domestic tourists na fully vaccinated ay puwede ring bumisita sa Boracay at kailangan lang ipakita ang vaccination certificates o cards maliban sa confirmed hotel booking.


Samantala, patuloy ang pagbibigay ng free COVID-19 booster shots ng LGU para sa lahat ng turista sa isla.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page