top of page
Search

by Info @Brand Zone | July 24, 2023




Ngayong buwan ng Hulyo, ang mga manonood ay matutuwa dahil sa mga pelikula tulad ng 'Barbenheimer,' o ang kamakailan lang na nag-viral na trend na nagmula sa pinagsamang Barbie at Oppenheimer, na ngayon ay namamayagpag sa takilya.

Ipapalabas din ang fantasy na pelikula ng Disney na Haunted Mansion at ang horror na Talk to Me.


Mga pelikula sa SM Cinema


BARBIE


Ang pinakaunang live-action na Barbie na pelikula ay base sa sikat na manika na si Barbie (Margot Robbie) at ang kanyang kabiyak na si Ken (Ryan Gosling). Sila ay tatahak sa isang makulay na paglalakbay matapos paalisin mula sa malapantasyang Barbie Land. Kasama din sa cast ng pelikula sina America Ferrera, Will Ferrell, at Dua Lipa.



ree


OPPENHEIMER


Gamit ang mga special effects tulad ng IMAX cameras, ang biographical thriller na ito ay tungkol sa theoretical physicist na si J. Robert Oppenheimer, ang direktor ng Los Alamos Laboratory noong dine-develop ang mga atomic bomb. Ito ay sa pangunguna ni Cillian Murphy, kasama sina Emily Blunt, Matt Damon, at Robert Downey, Jr.


ree


TALK TO ME


Ang Australian na supernatural horror na pelikula na Talk to Me ay tungkol sa grupo ng magkakaibigan na nakadiskubre kung paano magpalabas ng mga espiritu gamit ang inembalsamong kamay na kayang magpakawala ng mga nakakatakot na elemento.


ree


Disney's HAUNTED MANSION


Ang supernatural horror comedy ay tungkol sa isang team na tumulong magtanggal ng mga masasamang espirito ng kanilang bagong bili na mansyon matapos nilang matuklasan na maraming mga multong nakatira rito. Bida sa pelikula sina Jamie Lee Curtis, Jared Leto, Owen Wilson, at Winona Ryder.



ree


Magkakaroon ng ekslusibong watch parties ng mga pelikulang ito kasama ang inyong mga pamilya at kaibigan sa DIrector's Club sa pamamagitan ng Cinema on Demand at SM Event Screen.


Director's Club: CINEMA ON DEMAND


Mula sa mga plush leather na upuan, in-house na butler service, ekslusibong menu ng pagkain, cutting-edge laser projector, at malaking screen with Dolby surround sound system. naghihintay na sa inyo ang pinakamagandang pribadong cinematic experience.


Ang Director's Club ay matatagpuan sa SM Cinema sa SM Mall of Asia, S Maison at Conrad Manila, SM Aura, SM Megamall, The Podium, SM Southmall. SM City BG Paranaque, SM City East Ortigas, SM City Grand Central, SM City Fairview, SM City Sta. Mesa, SM City MArikina, SM Seaside City Cebu, SM City Cebu, SM City Iloilo, SM Center Ormoc, SM City Cagayan de Oro Downtown Premier, at SM City Puerto Princesa.



ree


SM EVENT SCREEN


Movie time kasama ang iyong pamilya? Karaoke night kasama ng iyong mga kaibigan? O gusto niyong maglaro ng games gamit ang isang malaking screen, ang pinaka swak na spot para sa iyo at iyong pamilya at mga kaibigan!


Ang SM Event Screen ay matatagpuan sa SM City Bataan, SM Center Urdaneta, SM City Tuguegarao, at SM City Tanza.



ree


Para madagdagan ang kaginhawaan na ibinibigay ng SM Cinema, available rin ang fresh popcorn at masasarap na meryenda sa Snack Time.


ree

Mag-book ng cinema gamit ang link: https://bit.ly/BookACinema.


Bisitahin ang @SMCinema sa social media para matuklasan ang mga magagandang deals na puwedeng gamitin para sa inyong susunod na best movie experience.


 
 

ni Mabel G. Vieron @Life & Style | June 20, 2023



ree


Ang Pilipinas ay isa sa pinakamaraming magagandang lugar at tanawin na kung saan maaari mo itong puntahan kasama ang iyong mga pamilya, barkada, at mga minamahal.


Marami ring mga turista ang pumupunta sa iba’t ibang sulok nito upang bisitahin ang mga naggagandahang tanawin.

NAIS MO NA RIN BA ITONG MALAMAN, BESH? HALINA’T UMPISAHAN NA NATIN ITO.

1. HUNDRED ISLANDS. Ito ay matatagpuan sa Bgy. Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan. Ito ang kauna-unahang parke ng Pilipinas. Binubuo ito ng 124 pulo, pero 123 pulo lamang ang makikita. Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang na ang mga pulo.

2. LUNETA PARK. Ito ay dating tinatawag na Bagumbayan, noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, rito sa lugar na ito binaril si Dr. José Rizal noong 1896. Matatagpuan ito sa Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita.

3. BORACAY. Ito ay matatagpuan sa timog ng Maynila at sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Kanlurang Visayas. Siyempre, hindi mawawala ang isa sa pinakasikat na tourist destination sa bansa. Bagama’t masyado nang crowded ang Boracay ay puwedeng-puwede ka pa rin mag-enjoy dito dahil sa Instagrammable ambiance ng white sand beach, crystal clear water, giant rock formations, atbp.


4. BANAUE RICE TERRACES. Ito ay matatagpuan sa probinsya ng Ifugao. Ginawa ito ng mga katutubong Pilipino upang sa kanilang pagsasaka. Sa ngayon patuloy pa rin ang pag-tatanim ng mga naninirahan dito.


5. BULKANG MAYON. Ito ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, Kilala bilang “perfect cone” dahil sa halos “symmetrical cone shape” nito. Ang bundok ay isang pambansang parke at isang protektadong landscape sa bansa na naiproklama bilang Mayon Volcano Natural Park noong taong 2000.


6. DADAK BEACH. Ito ay isa sa magandang beach and Resort sa Pilipinas, matatagpuan ito sa Dipolog Zamboanga.


7. SOHOTON CAVE. Ito ay isang kuweba na makikita sa Samar.


8. NAKED ISLAND. Ito ay matatagpuan sa Surigao, Del Norte, Mindanao, isa itong isla kung saan wala kang makikitang mga puno kundi malinaw na tubig at puting buhangin lamang. Ito ang pinakamagandang lugar upang lumangoy, ngunit inaasahan namang napakainit ng lugar dahil wala kang masisilungan. Kaya, besh huwag kalimutan magdala ng sunblock.


Panatilihing malinis ang ating mga tanawin at pook-pasyalan upang hindi masira ang magagandang tanawin ng ating bansa. So, beshie, ano pang hinihintay mo? Bulabugin na ang iyong mga kaibigan at love ones upang makulayan na ang idinrowing na summer getaway this 2023!


 
 

ni Jersy L. Sanchez @Life & Style | May 14, 2023



ree

Bakasyon season ngayon dahil perfect ang summer season para sulitin ang pagta-travel, kasama man natin ang ating friends o family, o solo travel.


Usung-uso ngayon ang solo travelling dahil bukod sa tipid ay malaya mong magagawa ang mga gusto mo. Pero for sure, may ilang hesitant na gawin ito dahil takot makisalamuha sa ibang tao o mag-explore, habang may mga game na game naman dahil magandang paraan ito para mas makilala ang sarili habang nasa isang bagong environment.


Pero ang tanong, hindi ba lonely ang solo traveling? Don’t worry dahil we got you, beshie!


Narito ang ilang tips para hindi ka feeling lonely at masulit ang iyong solo travel:


1. HOSTEL PARA SA ACCOMMODATION. Isa sa mga mahirap desisyunan ay ang accommodation, lalo na kung ikaw ay solo traveler. Bagama’t ang iba ay mas gustong mag-stay sa luxury hotel room, may iba namang oks na sa hostel kung kailangan lamang nila ng matutuluyan sa gabi at kung nagtitipid. Pero sa true lang, ang hostel stay ay magandang paraan para makakilala rin ng iba pang travelers na posibleng solo ring nagta-travel.


2. MAG-EXPLORE. Anumang klase ng accommodation ang in-avail mo – hotel o hostel – iwasang mag-stay lang dito buong araw. Lumabas at mag-explore kahit hindi ka pamilyar sa environment dahil sa ganitong paraan, hindi mo mararamdaman na mag-isa ka dahil sa mga lokal o sa mga kapwa mo traveler.

3. GUMAWA NG ITINERARY. Paano? Sa tulong ng social media, madali kang makakagawa ng itinerary sa pamamagitan ng mga local Facebook groups na may mga meet-up para sa mga tao na posibleng kapareho mo ng interes. Gayundin, puwedeng mag-search ng hashtag tungkol sa mga aktibidad na patok sa iyong destinasyon. Kung plano mong makipag-meet sa mga kapwa turista o lokal, paalala lang na mag-ingat sa pagbabahagi ng iyong mga impormasyon dahil in the end, hindi mo pa personal na kilala ang iyong mga mami-meet na tao.

4. ALONE TIME. Para sa iba, ang solo travel ay isang form of self-care dahil nagagawa nila ang mga gusto nila nang malaya. Bilang halimbawa, puwede mong i-treat ang iyong sarili sa isang mamahaling dinner para mas ma-feel mo ang iyong bakasyon at alam mong relaxed ka.

5. MAKIPAG-BONDING SA MGA LOKAL. Para sa iba, hindi madaling makisalamuha sa mga kapwa turista, pero ayon sa mga travel experts, ang pinakamagandang paraan para ma-experience ang isang lugar ay ang makipag-usap o makisama sa mga lokal. Paano? Simulan sa pamimili sa local stores at makipagtsikahan sa mga kapwa mamimili o sa may-ari ng tindahan.

6. MAG-INGAT. Sa lahat ng pagkakataon, solo travel man o may kasama ka, tiyaking alam ng iyong mga mahal sa buhay kung nasaan ka. Bago bumiyahe, puwede mong i-share sa loved ones mo ang iyong itinerary at panatilihing nakabukas ang live location ng iyong mobile phone. Gayundin, make sure na may dala kang battery pack o charger sa lahat ng pagkakataon. Puwede ring mag-download ng offline map na puwede mong ma-access anytime.


So, ano pa ang hinihintay mo, besh? Habang summer, make sure na lalabas ka sa iyong comfort zone at subukang mag-solo travel.


Maraming paraan para ma-enjoy ang iyong biyahe, pero bago ang lahat, planuhing mabuti ang iyong trip at tiyaking mako-contact ka ng iyong mga mahal sa buhay anytime.


Sana’y nakatulong ang mga tips na ito para sa iyong travel. Enjoy, ka-BULGAR!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page