top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | September 2, 2024



Sports News

Inanunsiyo ng HORI7ON, isang global group na binubuo ng mga Filipino na nakabase sa South Korea, ang pagdaraos ng kanilang pangalawang concert sa Manila sa darating na Nobyembre.


Gaganapin nila ang 2024 HORI7ON Concert sa Manila na pinamagatang "Daytour: Anchor High" sa Nobyembre 3, 6 p.m., sa SM Mall of Asia Arena.


“Attendance check! HORI7ON is inviting you to enroll with them at HORI7ON HIGH for their second concert to be held at SM Mall of Asia Arena this coming November 3rd! More details about the concert will be revealed soon so get ready to take notes,” ayon sa kanilang anunsiyo sa X. Ito ang magiging pangalawang concert nila sa Manila sa loob ng mahigit isang taon.


Ang HORI7ON, na binubuo nina Vinci, Kim, Kyler, Reyster, Winston, Jeromy, at Marcus, ay nag-debut sa South Korea sa ilalim ng MLD Entertainment noong Hulyo 2023.


Noong Setyembre 9 ng nakaraang taon, ginanap nila ang kanilang "HORI7ON 1st Concert: Friend-SHIP [Voyage To Manila]" sa Araneta Coliseum. Matatandaang inilabas nila noong nakaraang buwan ang kanilang version ng kantang “Sumayaw Sumunod" mula sa Filipino band na Boyfriends noong 1978.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | September 1, 2024


Sports News

Nakamit ng K-Pop girl group na BLACKPINK ang isa na namang tagumpay nang umabot sa dalawang bilyong views sa YouTube ang kanilang music video na “Kill This Love.”


Naabot ng “Kill This Love” music video ang dalawang bilyong views noong Agosto 31, limang taon at limang buwan mula nang ito ay ilabas noong Abril 5, 2019.


Bago ito, umabot na rin sa isang bilyong views ang “Kill This Love” noong Setyembre 2, 2020, halos 17 buwan mula nang ito ay inilabas.


Dahil dito, naging unang K-Pop artist ang BLACKPINK na may dalawang music video na may tig-dalawang bilyong views.


Nauna nang umabot ang kanilang music video na "DDU-DU DDU-DU" sa dalawang bilyong views sa YouTube noong Enero 4 ng nakaraang taon, na naging unang K-Pop music video na nakamit ang ganitong tagumpay.


Sa kasalukuyan, hawak pa rin ng BLACKPINK ang record bilang may pinakamaraming subscribers sa official artist channel sa YouTube sa buong mundo, na may 94.7 milyong subscribers.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | August 31, 2024


Sports News

Nagbabala ang management agency ng K-Pop girl group na TWICE tungkol sa mga deepfake video ng mga miyembro nito.


Nahaharap ang South Korea sa lumalaking problema sa deepfake porn videos, at kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang mga kaso sa mga paaralan sa buong bansa, kabilang na ang mga elementarya.


Sa isang pahayag, sinabi ng JYP Entertainment, ang agency ng TWICE na, “We are gravely concerned about the recent spread of deepfake (AI-generated) videos involving our artists.”


“This is a blatant violation of the law, and we are in the process of collecting all relevant evidence to pursue the strongest legal action with a leading law firm, without leniency,” pagpapatuloy nito.


Nagbabala pa ang ahensiya, “We want to make it clear that we will not stand by while our artists’ rights are violated and will take decisive action to address this matter to the fullest extent possible.”


Ibinahagi ng media outlet na Korea JoongAng Daily, na mga Koreans ang pangunahing target ng mga gumagawa ng deepfake porn, ayon sa ulat ng cybersecurity firm na Security Hero noong 2023.


“Based on data collected from ten pornographic websites and other video platforms such as YouTube and Dailymotion, the report concludes that Korea is the most targeted country for deepfake pornography,” saad ng media outlet.


Ang terminong 'deepfake' ay unang ginamit noong huling bahagi ng 2017. Ito'y mula sa isang Reddit user na lumikha ng isang espasyo sa site para magbahagi ng mga porn videos gamit ang face-swapping technology.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page