top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | May 30, 2025



Photo: Lei Alcasid - IG


Ikinasal ang eldest daughter ni It’s Showtime (IS) host Ogie Alcasid at ex-wife niyang si Michelle Van Eimeren na si Leila Alcasid sa Australia kahapon, May 29.


Sunud-sunod ang mga posts ni Ogie sa kanyang Instagram (IG) ng mga larawan ng pamilya nila habang ginaganap ang garden wedding ni Leila at ng kanyang partner na si Mito Fabie na kilala rin bilang musikerong si Curtismith.


Leila and Mito got engaged noong September, 2024.


Sa X (dating Twitter) ay nag-post si Ogie telling his followers na aalis siya ng bansa noong May 27, Monday.


Say ni Ogie sa X, “Lipad muna kami (praying emoji).”

Sa IG nga ini-reveal kung ano ang ganap ni Ogie abroad. At doon ay ishinare niya ang mga larawan nila during the wedding.


Ipinost ni Ogie ang piktyur ng newlyweds na sina Leila at Mito sa reception.

Caption ni Ogie: “Pag-ibig. Pagmamahalang walang patid. Kami ay nagbubunyi. We love you @curtismito and @leilalcasid. The Lord bless you both.”


Sa comment section ay makikita ang comment post ng bagong manugang ni Ogie na: “We love you pops!!!!!”


Sumunod na post ni Ogie sa IG ay ang paghahatid niya kay Leila sa altar with Michelle’s hubby na si Mark Morrow.


Take note, dalawang ama ni Leila ang naghatid sa kanya sa altar, ha? Hindi insecure si Ogie kahit siya naman talaga ang ama ni Leila at hinayaan pa niyang isama ang husband ni Michelle sa paghahatid sa anak nila sa altar.


Instead of Ogie and Michelle na maghahatid sa bride sa altar, si Mark na lang ang hinayaan ng ina ni Leila na kasamang lumakad sa aisle at i-handover sa kanyang groom.


Caption ni Ogie sa piktyur nila nina Leila and Mark: “Fatherhood (heart & praying emoji).”

May picture rin ang misis ni Ogie na si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa wedding na ipinost din ng IS host. Pero kasama ni Regine sa piktyur si Michelle at iba nitong relatives.


Caption ni Ogie sa picture nina Regine at Michelle: “Pamilya na lumaki at mabiyayaan. Salamat!”


May picture rin na ipinost si Ogie sa IG kasama ang unico hijo nila ni Regine na si Nate Alcasid.



DAHIL sa isinampang VAWC case ng misis ni Albee Benitez na si Nikki Lopez Benitez, nadawit din ang ibang female celebrities na naugnay sa businessman-politician.


Bukod kay Ivana Alawi na nakasaad ang pangalan sa isinumiteng complaint affidavit ni Mrs. Benitez, nag-urirat naman ang mga netizens ng iba pang celebrities na naugnay kay Cong. Albee at inilabas ang ilang larawan sa social media na ang iba ay may kasama pang impormasyon kaya pinagpipiyestahan na ito ngayon sa social media.


Bagama’t si Ivana lang ang nabanggit na pangalan sa affidavit (hindi pa po namin nakikita ang kabuuang laman ng affidavit kaya ‘di namin masabi kung si Ivana nga lang ang nakalagay na pangalan dito), may ilang netizens ang nag-ispluk na diumano ay naanakan din ni Cong. Albee sina Daisy Reyes at Andrea del Rosario.


May mga naglabas pa nga ng picture ng mga sinasabing anak ng kongresista sa dalawang aktres.


Samantala, may mga netizens namang naglabas ng pictures ni Cong. Albee na kasama si Yen Santos at mukhang sweet sila sa isa’t isa.

Maging ang Vivamax star na si Angeli Khang ay may larawan ding kasama si Cong. Albee. 


Naglabas naman ng pahayag ang businessman-pulitiko bilang paglilinaw sa estado ng pagsasama nila ng misis na si Nikki, ngunit wala pa itong pahayag kaugnay sa mga naglabasang litrato niya kasama ang iba pang female celebrities na nabanggit.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May 29, 2025



Photo: Bianca Umali - PBB


Pinuri ng mga netizens ang Kapuso star na si Bianca Umali sa pagsunod sa task ni Big Brother sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house.


Nilinis kasi ni Bianca ang mga kama sa kuwarto ng mga housemates. At maayos naman ang pagkakalinis ni Bianca sa higaan ng mga housemates.


Dahil d’yan, nag-post sa X (dating Twitter) ang mga nakapanood kay Bianca inside the PBB house at sa galing niya sa paglilinis ng higaan ng mga housemates.


“Tf (the fuc*) super linis, Huhuhu! Nawala ang mga anek-anek sa boys bedroom. SUWERTE MO NAMAN, RURU MADRID?!?!???!!!! (crying face emoji).”


Ini-repost ng boyfriend ni Bianca na si Ruru Madrid ang post ng netizen sa X kahapon at sinabing pasado na maging asawa ang Kapuso actress.


Post ni Ruru, “Asawa material, eh (heart eyes emoji).”


Kinilig siyempre pa ang mga fans nina Ruru at Bianca:

“Kinilig ako, Hahahaha!”


“OMG SIR?!?? DO IT!!!! GO AND MARRY HER. NOW! I’M TELLING U SIR (crying face emoji).”


"Anyway, I super duper love your speech po when you won BEST SUPPORTING ACTOR last year, especially the part na you mentioned MS. BIANCA (puppy eyes face emoji) it was so heartfelt and genuine. Like, it truly touched me, sir.


"Wishing you both a lifetime of happiness and fulfillment together, Sir. (grinning face with smiling eyes emoji followed by heart hands emoji).


“Alagaan mo ‘yan, Ruru! Very wifey material, at iba ang wisdom ni Bianca.”


“Isa ito sa matagal nang magdyowa. Please, ‘wag na kayo makiuso sa mga nagbe-break na from long relationship. Stay strong po!”


“Suwerte mo na lang sa babaeng ‘to, Ruru (smiling face with hearts emoji repeated twice).”


May nag-comment pa na dapat pakasalan na ni Ruru si Bianca.

“If you like it then you should have put a ring on it.. oh, oh, oh.”

“Soon to be Bianca Madrid.”

“Ang pretty ni Bianca!!”


“Hay naku! Ruru... sasampalin kita ‘pag pinabayaan mo pa ‘yan.. She’s a one-of-a-kind girl in this world.”


“Super! Maganda na. Practical pa. Luging-lugi si Bianca. Charot! (laughing with sweat emoji).”

‘Yun, oh!



TAWANG-TAWA si Anne Curtis sa naka-post sa It’s Showtime (IS) sa X (dating Twitter) kahapon.


Heto ang naka-post sa X account ng IS:


“BBS ANNE Balik-balik din sa Showtime. (face with stuck-out tongue and tightly closed eyes emoji). Wemishuuute (we miss you) @annecurtissmith.”


Siyempre, nabasa ‘yan ni Anne. At hindi lang basta binasa ni Anne, huh? Ini-repost niya at nag-explain sa caption.


Sey ni Anne, “Hahahahaha! Nasabi ko na po kay Meme (Vice Ganda) and Sisterette ko kung kailan ako papasok po!”


“Kailan ka po babalik? Miss ka na namin (grinning face with smiling eyes emoji followed by face throwing a kiss emoji).”


“Mas malapit daw po Korea kesa sa Showtime studio kaya ‘di makadaan ang ball of sunshine (smiling face with sweat emoji).”


Siguro naman ay makakabalik na si Anne sa IS bago pa gibain ang ABS-CBN compound.

We heard uumpisahan na raw ang paggiba sa old building ng ABS-CBN. Ang balita namin, unang gigibain ang malaking tower ng ABS-CBN.


Next month na raw tatanggalin ang tower.


Kaya pala, maraming Kapamilya stars ang nagpa-picture sa tower weeks ago. Ang tower pala ang unang mawawala.


Hopefully, pumayag ang nakabili sa lupa ng ABS-CBN na hindi na tibagin ang Dolphy Theater at chapel malapit dito sa loob ng compound ng ABS-CBN.


Months ago, gaya ng naisulat na namin sa aming kolum, ang tungkol sa request ng Team Lopez na huwag nang gibain at hayaan na lamang ang Dolphy Theater at ‘yung simbahan na manatili sa compound.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May 28, 2025



Photo: Freddie Aguilar - Muntinlupa City Muslim Affairs Office-FB


Agad na inilibing ang pumanaw na music legend na si Freddie Aguilar kahapon.

Umaga pa lang ay kumalat na ang balita tungkol sa pagkamatay ni Ka Freddie sa Philippine Heart Center.


Kinahapunan ay may report na nailibing agad ang labi ng legendary OPM icon.


May nakapagsabi sa amin na Muslim daw kasi si Ka Freddie at may tradisyon sila sa pagpanaw ng kanilang mga mananampalataya. Inililibing daw agad ang namatay sa Muslim religion.


But let’s wait sa sasabihin ng pamilya, baka maglabas sila ng opisyal na pahayag kung ibuburol pa ang music legend. Siyempre, may mga gusto pa ring magbigay-respeto sa singer-icon na iba pang miyembro ng pamilya, mga kaibigan at tagahanga sa huling pagkakataon.



Idinaan ni Mark Herras sa social media ang madamdamin niyang pagbati sa kaarawan ng kanyang misis na si Nicole Donesa.


Pinasalamatan ni Mark si Nicole sa pagmamahal na ibinigay sa kanya ng dating actress-beauty queen.


Ang dami ring pinagdaanan nina Mark at Nicole. Nahirapan sila sa pagsisimula ng kanilang pamilya, especially sa pinansiyal na aspeto, hanggang sa nabalitang sumasayaw sa gay bar si Mark para masuportahan ang kanyang asawa at anak.


Ang bilis namang nakabawi ni Mark dahil sa mga tumulong at nagbalik ng tiwala sa kanya sa showbiz. At ngayon ay ine-enjoy na nila ni Nicole ang bago nilang bahay. 


Nagkaayos na rin daw si Mark at ang businessman-singer na si Jojo Mendrez.

Caption ni Mark sa kanyang latest Instagram (IG) post: “Happy, happy birthday, itchy!!!

Thank you for everything. Thank you for Corky & Mina. Salamat sa pagmamahal sa pag-intindi at sa mga away. Hahaha! Sana, maging masaya ka palagi. Thank you para sa pamilyang meron tayo.. love you & I will see you very soon. Happy birthday, Mommy. We love you!”


At sa kanyang Instagram (IG) story naman ay isang video ni Mark ang kanyang ipinost habang sumasayaw. Ibinida ni Mark sa video ang kanyang dance moves.


In fairness kay Mark, mahusay at napakaguwapo pa rin sa video. Kering-keri niyang gumanap bilang mala-“Magic Mike” na tema sa pelikula.



NAPAKAHUSAY na aktres talaga ni Chanda Romero. Sa ilang gabi ng panonood namin ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) ng mga eksena ni Chanda with Coco Martin, Tommy Abuel at Christopher de Leon, kulang na lang ay palakpakan namin siya.


Damang-dama ang emosyon ng pagsusumamo niya sa kampo ni Coco na tanggapin siya, and at the same time, ang pagkamuhi niya sa sariling pamilya kung bakit kailangan niyang lumapit sa mga kalaban nila.


Pero bukod sa kahanga-hangang pag-arte, ang talagang kahanga-hanga ay ang ipinakita ni Chanda na paggalang kay Coco Martin hindi lamang bilang kanyang co-actor kundi bilang direktor sa BQ.


Palagi siyang naroroon, nagtutulungan at propesyonal na patunay ng kanyang kababaang-loob sa kabila ng kanyang maalamat na katayuan sa industriya. 

Ang kanilang paggalang sa isa't isa ay isinasalin sa on-screen na chemistry na nagpapanatili sa mga manonood.


Kaya huwag palampasin ang BQ gabi-gabi, 8:00 PM on Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live, and iWantTFC.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page