top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | June 3, 2025



Photo: SB19 at Gary V - IG


Until now ay top trending pa rin sa social media ang matagumpay na 2-night concert ng SB19, ang Simula at Wakas (SAW) World Tour Kickoff na ginanap sa Philippine Arena last weekend.


Ang daming may hangover pa sa ganda ng concert at hindi maka-move on. Parang ninanamnam pa ng mga A’TIN loyal fans ng SB19 ang very successful at bonggacious na pagtatanghal ng grupo.


Maging ang direktor ng concert na si Paolo Valenciano ay hindi pa nakakabawi ng energy after ng 2-night concert.


Ipinost ni Direk Paolo sa X (dating Twitter) ang ginamit niyang production ID during the show.


Caption ni Direk Paolo: “Time to sleep… Goodnight, A’TIN! I won’t be moving on from this anytime soon. Blue heart.”


Sobrang na-appreciate naman ng A’TIN ang ginawang effort ni Direk Paolo sa

SAW concert.


Sey ng mga netizens: “Direeek, congrats! Grabe, ang ganda ng concert, I just want to thank you also for making an effort na maganda ang LED screen and camerawork like kung sino kumakanta and nagsasalita, sila ‘yung focus. Good job po! Ang gagaling ng team behind with

your leadership! (Crying face, pleading face & folded hands emoji).”


“Congrats, Direk and to the entire team!! The 2-day con is one for the books! Thank you for a memorable time! Definitely worth the time, effort and travel for this A’TIN who traveled all the way from the US for this! Much love to you guys! (fire emoji) Now on to some much deserved rest!”


O, bongga ang A’TIN, ‘di ba? Umuwi pa sila ng Pilipinas para manood ng SAW.

Actually, may nakatabi rin kami sa concert na nanggaling naman daw sila sa Dubai at umuwi ng bansa para manood ng concert ng SB19.

Tarush!



OVERWHELMED naman ang SB19 members sa ipinakitang suporta sa kanila ng A’TIN. Nagpasalamat ang dalawang SB19 members na sina Stell Alejo at Josh Cullen sa kanilang fans sa X (dating Twitter) right after ng second night ng Simula at Wakas (SAW).


Ipinost ni Josh ang poster ng SAW sa X at heto ang kanyang caption: “Salamat sa bawat isa. Hindi ko ‘to makakalimutan.”

Pagkatapos ay sinundan pa ito ni Josh ng another post, “‘Yung mga asawa ko, alam n’yo na.”


Todo-patol agad siyempre ang A’TIN sa post ni Josh.


“Waaaah! Nahuli akong sumigaw ng ‘I love you, Josh!’ ng hubby ko. Hahaha! Tapos, tinawag mo pa kami na mga asawa mo! (grinning face with smiling eyes, laughing face, smiling face with hearts, star-struck face emoji). Congratulations! World-class performance at sobrang guwapo n’yong lima! My A’TIN heart is full. Blue heart.”


“Hunnybunch, nakauwi na me. Galing mo so much. Uwi ka na, nagluto ako noodles.”

Pinasalamatan din ni Stell ang A’TIN sa socmed (social media).


Post ni Stell, “MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT. PINUNO N’YO ANG PUSO KO. HANGGANG SA UULITIN, A’TIN. WE LOVE YOU.”


Hindi lang ang A’TIN ang pinasalamatan ni Stell kundi pati ang direktor ng concert nila na si Paolo Valenciano.


Comment ni Stell sa post ni Direk Paolo sa X, “LABYU DIREK! (face blowing a kiss).”

Samantala, spotted sa second night ng SAW concert ang ilang celebrities gaya nina Apl.de.Ap, Gary Valenciano, Vice Ganda, TJ Monterde, KZ Tandingan, Ice Seguerra, Liza Diño, Maki, AC Bonifacio at jowa niya na si Harvey Bautista, John Prats, Maymay Entrata, Diwata at marami pang iba.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | June 2, 2025



Photo: SB19 / IG


Grabe, pero ang SB19 na marahil ang mayroong record na sa loob ng 2 gabi ay solid na solid ang concert performance.


Sa mga nag-trending at nag-viral na mga video snippets na kuha sa kanilang kick-off show para sa kanilang Simula at Wakas (SAW) world tour, hindi maitatangging ang SB19 na nga ang pinakamatagumpay at pinakasikat na boy group sa bansa and yes, still making huge name sa global scene.


“Walang tapon, lahat sila magagaling. Sing and dance, hosting, nagpapatawa, nagpapaiyak, lahat nakaka-relate sa mga kuwentong buhay nila, mataas ang fashion sense, bongga ang production, lahat ng kinanta at sinayaw nila ay hindi ninyo panghihinayangang bayaran nang mahal. Grabe, as in grabe,” ang nagkakaisang sigaw ng mga Ka-A’TIN at mga Ka-MahaLima sa socmed (social media).


Lahat nga raw ay nagkaroon ng moment sa stage. Walang sapawan kahit pa nga nakalalamang sa kasikatan sina Pablo at Stell. Iba ang hatak ni Ken, iba ang aura ni Josh, at may something kay Justin na mamahalin mo. 


Bawat isa ay nag-complement sa success ng concert na first time ngang nangyari sa Philippine Arena na halos umabot ng lampas 55K (thousand) ang mga tao bawat gabi.

No wonder, nataranta ang NLEX management pati ang MMDA dahil sa traffic ng mga sasakyan at mga tao na papunta at palabas ng Phil. Arena sa naturang area sa Bulacan.


At ‘yan ang totoo, walang padding sa ticket sales, walang exaggeration sa husay ng performances at walang nagreklamong palpak ang production dahil tunay namang pang-world-class at kering-keri na ihilera sa mga pinakamagagaling sa buong mundo.

No one can really argue with success. HUGE success!



MAY naiintriga sa Facebook (FB) post ni Javi Benitez hinggil sa recent development ng iskandalo sa pamilya nila.


Although wala namang binanggit na kung ano ang dating aktor sa demanda ng ina laban sa kanyang tatay na si Cong. Albee Benitez, nagpahayag ng pagkalungkot ang binata.


Sabi raw ng kapatid niyang si Bettina, umaasa pa rin sila na may mabuting kahahantungan ang mga pangyayari.


Nagpapasalamat nga sila sa mga simpleng pahayag ng suporta ng mga ‘tunay na nakakaalam ng istorya’ dahil hindi na raw kailangan pang i-post o makisawsaw pa.


Hinimok din niyang mag-move on na ang lahat at pagtuunan ng pansin ang mga mas malalalang problema ng bayan.


Sa huli ay sinabi pa sa post ni Javi na sana raw ay makahanap sila ng kapatid niya ng ‘tamang pag-ibig, ‘yung hindi nasusukat sa status, sa pera, o panlabas na imahe.... kundi sa respeto, lambing at tunay na partnership sa buhay.’


Hirit pa nito sa post na sa huli ay hindi raw views, likes o pera ang sukatan ng tao kundi ang puso.


Samantala, tahimik pa rin ang kampo ni Ivana Alawi na hindi kinumpirma ng aming source kung nasa USA pa rin ba o nakabalik na?


Wala ring nagsasalita sa mga nadawit na sina Daisy Reyes at Andrea del Rosario na diumano’y parehong may anak courtesy of Cong. Albee.



CONGRATULATIONS kay Krishnah Gravidez dahil sa katatapos na Miss World 2025 contest ay nabigyan siya ng titulo bilang Miss World Asia and Oceania.


Bunsod nga ito ng kanyang pagpasok sa Top 8 (mula sa Top 40, naging Top 20 at Top 8 nga), kung saan nakatapat niya ang eventual Miss World winner from Thailand bilang sila ang taga-Asia.


Sa format kasi ng kontes, mula Top 40 ay kumuha ng Top 10 candidates from each continent namely: Americas and Caribbean, Africa, Europe and Asia & Oceania. Then sa Top 20 ay na-reduce ang bawat continental delegates sa Top 5, hanggang sa piliin na lang ang Top 2 pagdating sa Final 8.


Bongga ang pinagdaanan ni Krishnah dahil magaganda, magagaling at mahuhusay ang mga kinabog nila ni Miss Thailand sa grupo nila gaya nina Misses India, Australia at Lebanon. 


Nu’ng sila na nga ni Thailand ang nagkudaan sa Q&A sa Top 2 ng kanilang kontinente, mapapa-wow ka na lang talaga sa tikas ni Krishnah. In fact, mas bet namin ‘yung sagot niya na napangiti pa nga si Julia Morley, ang owner at president ng Miss World organization.


Base sa aming pagkakaalam, ‘yung runner-up ni Miss Thailand na si Opal Suchata Chuangsri, ay 'matic continental winner na.


First runner-up si Miss Ethiopia Hasset Dereje Admassu (for Africa); 2nd runner-up si Miss Poland Maja Kladja (for Europe) at 3rd runner-up Miss si Martinique Aurelie Joachim (for Americas and Caribbean).


Kaya naman bongga at tunay na nakaka-proud si Krishnah dahil may sarili siyang title. 

Tama ba, mga Ka-Bulgar?

Congratulations!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May 31, 2025



Photo: ABS CBN - Circulated


Nagbubunyi ang Kapamilya fandom sa pagbabalik sa ere ng DZMM, ang radio station ng ABS-CBN na ipinasara nu’ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 


Ang DZMM ay pagmamay-ari ng Lopez at Romualdez families. Marami pa ring mga netizens ang hindi makapaniwala na magsasanib-puwersa ang dalawang malalaking pamilya sa ganito kalaking pag-aari.


Sey ng mga netizens: “DZMM is back on air! Co-owned by the Lopez and Romualdez family, Romualdez owners likely agreed to rebrand it back to the old ABS-CBN Kapamilya theme.

“It’s wild to think that a Marcos administration helped get ABS-CBN back on the radio airwaves. Old ABS-CBN News shows are expected to return next week.”


Sa true lang, isa ang DZMM sa mga iconic radio stations sa bansa. Pati ang mga radio programs nila ay naging iconic din gaya ng Hoy, Gising (HG), Magandang Umaga, Bayan (MUB), atbp..


Marami itong natulungan na malalaking media personalities ngayon at mga ordinaryong Pinoy.


Kaya ang panawagan ng mga netizens sa socmed (social media) ngayon, especially kay President Bongbong Marcos, isunod naman daw na maibalik ang franchise ng ABS-CBN.

“Next na dapat ibalik: ABS-CBN… do your thing @bongbongmarcos para tumaas approval rating mo.”


“Nagbalik na ulit ang DZMM. Haller BBM, gulatin mo si Sara, ibalik mo ang Ignacia. Hahaha!”

Although, may nagsasabi rin na okey na rin kahit hindi na makuha ng ABS-CBN ang kanilang franchise.


“Part of me is thinking na ‘wag na. We thrived and changed the television landscape for the better.”


“Dami pa rin kasing umaasa sa free TV (sad emoji) and nawalan ng competition kaya hindi na nag-e-effort ang GMA.”


“Huwag na lang. Mahina na ang free TV.”


Anyway, bukod sa DZMM ay may magbabalik sa It’s Showtime (IS).

Nag-announce na si Anne Curtis sa X (dating Twitter) na balik-hosting na siya sa noontime show.


Post ni Anne sa X kahapon, “See you on Monday!!! (three hearts)”

Reply ng IS fans kay Anne, “Ay, mabuti naman. Welcome back, next week ‘yan. Hihintayin ko bardagulan. Na-miss kayo, eh, Hahaha! (four laughing faces).”


“OMG! (Oh, my God!). Nakaka-excite sa Monday (laughing and smiling face).”

“OMG! EXCITED SA MONDAY MISS ANNE LOVE YOU, MISS KA NA NAMIN.”

Iba rin talaga ‘pag may Anne Curtis sa IS.



‘KAALIW panoorin ang unang variety show ng BINI, ang BINIversus, sa kanilang YouTube (YT) channel. Unli-saya at bonding talaga ang hatid ng BINIversus na nagsimula sa BINI YT channel noong Miyerkules, 8 PM (Manila time).


Sumalang sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa iba’t ibang masasayang challenges kung saan ang BINI mismo ang nagsasalitan sa pagiging game masters at players kada episode.


Naaliw kami and for sure, maging ang Blooms, sa BINIversus dahil bumida rito ang kalog side ng bawat miyembro kung saan nagpapakitang-gilas ang mga ito sa iba't ibang challenges na swak sa kani-kanilang BINIverse tampok ang mga personal na interes at hilig ng girls.


Sa mga nabitin pa, puwedeng masaksihan ang extended kulitan moments ng BINI sa BINIverse Chaos: Unreleased Scenes.


Tampok dito ang eksklusibong episodes ng bloopers at never-before-seen scenes ng variety show, na mapapanood lamang ng Super Kapamilya members sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel simula Mayo 30 (Biyernes).


Patuloy ang pagbibigay-saya at inspirasyon ng BINI sa lumalawak nilang pamilya na Blooms. Sa ngayon, nagsimula na ang kanilang BINIverse World Tour.


Makisaya kasama ang BINI sa BINIversus na libreng napapanood worldwide sa official YT channel ng BINI. May bagong episode na ipapalabas kada Miyerkules.


Mag-subscribe naman bilang Super Kapamilya member sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel para mapanood ang extended scenes sa BINIversus Chaos: Unreleased Scenes.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page