top of page
Search

Paano makakatulong sa blended learning ng mga tsikiting?

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| October 4, 2020




Sobrang laki ng ipinagbago ng ating pamumuhay mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic. Mula sa porma ‘pag lalabas ng bahay, paraan ng pamimili dahil madalas, online na, pati ang pag-aaral ng mga bata ay iba na rin.


Ngayong taon, hindi sa iskul papasok ang mga tsikiting kundi sa bahay na rin, iba nga lang ang paraan ng pagtuturo. As usual, maraming adjustments, hindi lang sa mga guro at mag-aaral kundi pati sa mga magulang. Ang tanong ng marami, paano magiging epektibo ang ganitong paraan ng pag-aaral? Ano ang puwedeng gawin para makatulog sa mga bata? Worry no more dahil narito ang ilang bagay na puwedeng gawin:

1. Ipaghanda ng agahan. Hindi man natin maipaghanda ng baon para sa iskul, mabuti pa ring may laman ang tiyan bago pumasok sa klase. Nasa bahay man, kailangang busog habang nag-aaral para makapagpokus at may matutunan. Mga nanay, siguraduhing mabigat sa tiyan o eksakto lang ang ihahain para ‘di agad magutom si bagets.

2. Tahimik na kumilos. Kung nasanay tayong bukas ang TV o radyo habang gumagawa ng gawaing-bahay, mabuting ipatay o hinaan muna ang volume nito nang ilang oras para hindi ma-distract ang bata. Mas nakapagpopokus sila ‘pag tahimik ang paligid. Pass muna sa paboritong TV show habang may klase ang bata, kumbaga, sakripisyo muna.

3. Iwasang utusan ‘pag oras ng klase. Sa haba ng kanilang bakasyon, madalas silang nauutusan sa bahay, pero ngayong may pasok na sila, tiyaking iwasan ang pag-uutos sa oras ng klase. Hindi naman maganda kung maya’t maya siyang tumatayo para sa sumunod sa utos, hindi ba?

4. Paalalahanan na iwasang magpuyat. No more gadget ‘pag gabi na para iwas-puyat. Bantayan ang kanilang sleep routine para hindi mahirapang gumising ‘pag may klase kinabukasan. Tiyaking may sapat silang tulog para mas madaling makapagpokus sa klase at hindi makatulog.

Lahat tayo ay nasa punto na kailangang mag-adjust para tuloy ang buhay, lalo na ang pag-aaral. Kaya para sa mga magulang, ibigay ang ating best para kina bagets.

Sundin lamang ang ilang tips na ito para kahit paano ay makatulong sa kanilang pag-aaral habang nasa bahay. Okie?

 
 

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| September 30, 2020




Parte ng buhay ang pagkakamali. Minsan, dito tayo natututo at maituturing itong blessing in disguise. Gayunman, madalas ay feeling natin, ‘di na tayo makakabangon at wala nang pag-asa kaya sa halip na mag-move on, nagmumukmok na lang.


Mga bes, ‘di dapat ganito dahil kailangan nating tandaan na anuman ang pagkakamaling nagawa natin – maliit man o malaki—may second chance pa at puwede pang magbago.


Kaya naman, narito ang ilang hakbang para makabangon sa mga pagkakamali:

1. AMININ ANG NAGAWANG MALI. Marahil, may mga nagawa tayong mali sa past, at nasa punto na tayo na hindi natin gusto ang nangyari. This is the time para aminin ang ating pagkakamali, hindi para mapahiya tayo kundi para maging malinaw kung bakit natin kailangang magbago.

2. HUMINGI NG TAWAD SA NASAKTAN. Kahit gaano kaliit ang pagkakamali natin, kailangan nating humingi ng tawad sa sinumang nasaktan natin. Sabi nga, small mistake is still a mistake, at hindi tayo makamu-move on kung may kalilimutan tayong hakbang o may tao tayong lalampasan. Mas madaling magsimula ulit kapag wala tayong dinadala mula sa ating past.

3. PATAWARIN ANG SARILI. Kung nakahingi tayo ng tawad sa nasaktan natin, siyempre, dapat din nating patawarin ang ating sarili. Bagama’t nagkamali tayo sa past, hindi oks na parusahan natin ang ating sarili.

4. HUMINGI NG TULONG. Walang masama kung humingi ng tulong mula sa mga taong pinagkakatiwalaan natin. Sila ang tutulong upang mapabuti at makabalik tayo sa dati.

5. MAGPOKUS SA KALAKASAN. ‘Ika nga, lahat tayo ay may pagkakamali, pero tandaan, lahat tayo ay mayroon ding positibong karakter o “strength”. Mas mabuting magpokus sa mga bagay na alam nating makatutulong para mas maging better tayo.

Hindi naman talaga madaling bumangon, pero oras na masimulan natin ang unang hakbang, madali na itong ituluy-tuloy. Kaya sa mga beshies natin d’yan na feeling hopeless, ‘wag tayong matakot bumangon at magsimula ulit. Gets mo?

 
 

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| September 29, 2020




Parte na ng kultura nating mga Pinoy ang pagkakaroon ng extended household. Tipong nand’yan sina lolo at lola, pamilya ng mga kapatid, gayundin ang mga pinsan.


Well, totoo namang masaya ‘pag sama-sama, lalo na kung magkakasundo naman kayo, pero ano nga ba ang kahalagahan ng pagbukod kung may sarili ka nang pamilya?

1. MALAYA SI MISIS. ‘Ika nga, there can never be two queens in a castle, kaya kung may anak at asawa ka na, mas magandang may sarili kang bahay kung saan si misis ang reyna dahil nakapagpapataas ito ng kanyang self-esteem. Wala siyang limitasyon dahil walang kailangan pakisamahan.

2. MAY SARILING PRIVACY. Kung may sarili kayong bahay, puwede kayong mag-usap nang hindi nagbubulungan. Kumbaga, walang makikialam sa inyo at walang kampihan kapag may nag-away.

3. MADALING MATA-TRACK ANG GASTUSIN. Walang ambagan, walang hiraman o pag-aabonong nagaganap, na kadalasang nangyayari kapag kasama sa bahay ang extended family. Dahil kailangan mong makisama, dapat nag-aabot ka. Ngunit dahil solo niyo bahay, mas madaling maba-budget ang pera at nalalaman kung saan napunta ang nagasta.

4. YOUR CHILD, YOUR RULE. Kapag maraming nasa bahay, marami rin ang dumidisiplina sa mga tsikiting. Ang ending, hindi consistent ang parenting style gusto mo dahil nand’yan ang mga lolo o lola na puwedeng magalit sa ‘yo ‘pag nagsimula ka nang magdisiplina sa iyong anak.

5. PUWEDENG MAGING TAMAD. Dahil may maliliit na bata sa bahay, magulo, madumi at makalat, pero kung may sarili ang tahanan, oks lang kahit ipagpabukas ang labahin. Ngunit kung nakikitira ka, “pabaya” kang magulang ‘pag hinayaan mong tambak ang labahin o hugasin ‘pag nagtantrum si bagets.

Marahil, ang iba sa atin ay wala pang kakayahang bumukod, kaya nagtitiis makisama. Gayunman, sana’y maging paalala ang mga nabanggit para lalo tayong magsikap na mabigyan ng sariling tahanan ang ating pamilya. Gets mo?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page