top of page
Search

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| October 27, 2020




Dahil sa pandemic, marami ang na-lockdown sa kani-kanilang tahanan, kaya dahil sawa na sa pagi-internet, panonood ng pelikula at series, maraming nagsikap na magdiskubre ng iba pang hobbies.


Halimbawa na lang ng baking at pagluluto—ilan sa atin ang halos walang alam dito, pero dahil maraming time, may mga sumubok at successful naman. ‘Yung iba nga, ginawa pa itong business. Gayundin, kapansin-pansing marami ang nahilig sa paghahalaman. Siguro, dahil refreshing sa pakiramdam dahil bagong hobby, pero mga besh, there’s more! Knows n’yo ba na marami pang ibang benepisyo ang gardening?

  1. AEROBIC EXERCISE. Ang simpleng pag-abot ng mga halaman at gardening tools, pagbubuhat o pag-bend habang nagtatanim ay nakatutulong sa muscles at katawan na magkaroon ng lakas, stamina at flexibility.

  2. NAKATUTULONG SA MENTAL HEALTH. Ayon sa mga pag-aaral, ang gardening at pag-aalaga ng mga halaman ay mood boosters at nakatutulong para mabawasan ang sintomas ng depresyon at anxiety.

  3. PRODUCTIVE. Napag-alaman ng mga researchers na ang paglalagay ng halaman sa isang silid ay nakatutulong sa productivity.

  4. HEALTHY EATING. Sabi nga, you eat what you grow. Kung mayroon kang gulay o herb at mga prutas sa iyong garden, nakakukuha ka ng fresh produce, na alam mong hindi ginamitan ng pesticides. Gayundin, nakatitipid ka dahil dehins mo na kailangang bilhin ito sa palengke o grocery.

  5. VITAMIN D BOOST. Sey ng experts, ang healthy dose ng Vitamin D habang nasa labas o garden ay nagpapataas ng calcium levels kung saan malaking pakinabang ito sa mga buto at immune system.

Wow! Akala natin, simpleng hobby lang ito, pero marami pa pala itong benepisyo. Kaya kung nagbabalak kang mag-gardening habang nasa bahay, make sure to give it a try. Hindi lang healthy para environment kundi pati sa ating mga sarili. Copy?

 
 

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| October 27, 2020




Ngayong may pandemic, natutunan natin ang kahalagahan ng mga bagay sa ating paligid. ‘Yung tipong, dedma tayo sa mga random text messages o late night talks noon, pero ngayon, tine-treasure na natin ang mga ito.


Kaya para sa mga beshies nating stuck sa bahay, anu-ano nga ba ang mga bagay na nagpapanatiling masaya sa atin?

1. KUWENTUHAN WITH FRIENDS. Ang simpleng kamustahan at pakikipag-kuwentuhan ay may malaking impact sa bawat tao. Ngayong nahaharap tayo sa pandemya, napakahalaga na may nakakausap tayo. Hindi man natin sila makausap nang personal dahil madalas ay text o chat lang, ramdam natin ang sincerity ng isa’t isa.

2. RANDOM MESSAGES & NOTIFICATIONS. “Good morning, bes!” “Your friend mentioned you in a comment.” Aminin, ito ‘yung mga bagay na nakapagpapasaya sa ‘tin. ‘Yung tipong, hindi maganda ang araw mo, tapos may matatanggap kang ganitong message o notification. Ang saya, ‘di ba? Ibig sabihin kasi nito ay may nakakaalala sa ‘tin.

3. LATE NIGHT REAL TALKS. Iba talaga ‘yung feeling na may nasasabihan ka ng lahat ng thoughts mo nang hindi nahuhusgahan. Agree? Kaya let’s appreciate everyone na nand’yan para sa ‘tin. ‘Yung handang makinig sa mga problema o “random thoughts” natin sa buhay.

4. CARE PACKAGES. Ngayon, “ayuda” ang tawag natin dito. Kumbaga, lahat ng natatanggap nang libre ay instant ayuda. At saka, who doesn’t love care packages, ‘di ba?

5. SONG RECOMMENDATIONS. Yup, besh! Super simple lang nito, pero totoong nakatutulong ito para sa atin. Maganda itong opportunity para makakilala ng bagong artists, gayundin para makapakinig ng ibang music style o genre na gusto ng ating mga kaibigan

6. SUPPORTIVE FRIENDS OR STRANGERS. Ngayong quarantine period, marami sa atin ang naka-discover ng bagong hobby at nakahanap ng side hustle o raket tulad ng pag-o-online selling at paggawa ng commission artwork. Nakatutuwa na may mga taong sumusuporta bukod sa ating pamilya, tulad ng ating mga kaibigan at maging ang mga hindi naman natin nakilala.

‘Ika nga, little things are infinitely the most important, kaya mga bes, i-appreciate natin ang mga ito hanggang may mga taong nangangamusta, sumusuporta at nakakaalala sa atin. Okie?

 
 

ni Jersy Sanchez - @No Problem| October 26, 2020




Noon pa man, marami na sa atin ang hirap sa pagtulog, kaya ang ending, eyebags pa more! Tipong ‘pag hindi makatulog sa gabi, nakatutok sa cellphone para manood ng movies o series, gayundin para maglaro ng mobile games para kahit paano ay antukin. Well, epektib ito para sa iba, pero ano nga ba ang iba pang paraan para makatulog agad?


Mga beshies, knows n’yo ba na puwede itong idaan sa pagkain? Yes, lodi! Kaya naman, narito ang ilang pagkain at inumin na nakatutulong para tayo’y makatulog:

1. GATAS. Ang mga dairy food ay mayroong tryptophan na isang sleep-promoting substance. Bukod sa gatas, maganda ring source ng tryptophan ang mani, saging, honey at itlog.

2. TSAA. Ang pag-inom ng isang tasa ng non-caffeinated tea bago matulog sa gabi ay mayroong calming effects sa utak at katawan.

3. SAGING. Tulad ng nabanggit, maganda rin itong tryptophan source, gayundin, mayroon itong magnesium. Ang magnesium at tryptophan ay nakatutulong para magkaroon ng magandang kalidad ng tulog.

4. OATMEAL. Mayroon itong mataas na bilang ng carbohydrates at ayon sa mga eksperto, nakababawas ito ng pagkahilo kapag nakonsumo bago matulog. Ang oats ay maganda ring source ng melatonin, ang hormone na nagre-regulate ng sleep-wake cycle.

For sure, mayroon kayo ng mga ito sa inyong tahanan, kaya ano pang hinihintay n’yo? Say goodbye sa unhealthy ways ng pagpapaantok at subukan ang mga pagkain o inumin na ito. Okie? Have a good sleep, beshies!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page