top of page
Search

ni Jersy Sanchez - @Life and Style| December 30, 2020




Malinaw na hindi pa rin pinapayagan ang mass gathering bilang pag-iingat sa COVID-19. Pero dahil papatapos na ang taon at sanay tayong may kani-kanyang ganap tulad ng party o family reunion, ngayong taon ay pass muna dahil bawal.


Kaya naman kailangan nating maging creative para kahit paano ay masalubong natin ang Bagong Taon nang masaya kasama ang ating pamilya.


Gayunman, narito ang ilang gimik na puwedeng gawain sa pagtatapos ng taon:


1. VIRTUAL GAME NIGHT. Dahil hindi puwedeng lumabas at boring naman kung wala tayong gagawin, oks subukan ang virtual game night. Magpadala ng “virtual invitation” o link para mayaya ang inyong mga kaibigan o kaanak, tapos mag-alok ng interactive game options na swak sa inyong barkada.


2. LOW-KEY DATE NIGHT. Kayo lang ba ng iyong labs ang magkasama sa New Year’s Eve? Oks lang ‘yan! Mag-set-up ng simpleng dinner o manood ng mga pelikula. Para mas maging ‘cozy’, magsindi ng scented candles ara mas nakarerelaks.


3. QUALITY-TIME W/ PARENTS. Ngayong taon, nalaman natin ang kahalagahan ng quality time kasama ang pamilya, kaya naman, perfect time para maglaan pa ng mas maraming oras sa ating mga magulang. Kung hindi mo naman kasama sa bahay sina mama at papa, oks ding makipag-video call sa kanila.


4. VIRTUAL WINE NIGHT. Kung wala pa ring plano ang iyong BFFs, puwede n’yo itong subukan. Dehins n’yo kailangang lumabas kaya iwas-gastos din. Ang kailangan n’yo lang ay internet connection at abot-kayang wine. Ayos, ‘di ba?


5. SPA NIGHT. Medyo mahal kung sa tunay na spa kayo pupunta, pero for sure, kaya nating gayahin ang set-up nito. Kailangan mo lang ng sheet masks, nail polish, skin care products at voila, ready na ang iyong DIY spa night. Puwede mong yayain sina nanay at ate o puwede rin ang “virtual spa night” kasama ang iyong mga kaibigan.


6. MINI PHOTOSHOOT. Say good bye sa 2020 with style sa pamamagitan ng mini photoshoot sa inyong tahanan. Mahilig ka bang mag-model at ‘yung kapatid mo ay magaling pumitik ng kamera? Oks na ‘yan!


Mga besh, ‘di n’yo kailangan ng malaking halaga ng pera upang magawa ang mga ito, kaya ano pang hinihintay n’yo? Gora na at paghandaan ang gimik na trip n’yo para maging masaya at creative ang inyong ganap sa New Year’s Eve. Keri?

 
 

ni Jersy Sanchez - @Life and Style| December 29, 2020




Noong mga bata tayo, nasanay tayong gastusin agad ang mga perang napamaskuhan natin. Agree? Tipong gora agad sa mga mall at pasyalan dahil maraming naiuwing aguinaldo. Pero ngayong nalaman natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ekstrang pera, it’s time para magkaroon ng pagbabago sa ating mga naksanayan.


Kaya sa halip na gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangan, dapat maging praktikal tayo para magamit ang perang ito sa mga mahahalagang bagay.


Ngayong holiday season, it’s time para turuan ang mga bagets ng personal finance lessons at narito ang mga bagay na puwede nilang matutunan:


  1. DELAY GRATIFICATION. Ugali ng mga bata na magpabili ng mga gusto nila tulad ng laruan, pagkain at kung anu-ano pa, pero mga momshie, mahalagang maunawaan nila na hindi porke gusto nila, dapat itong bilhin. Halimbawa, kung may bibilhin sa labas, ipaunawa na importanteng bagay lang ang dapat gastusan. Mahalagang i-encourage silang ipunin mula sa allowance o aguinaldo ang ipambibili nila ng laruan. ‘Ika nga, habang bata pa, turuan sila ng tamang buyng attitude.

  2. MAG-SET NG PRIORITIES. Ayon sa mga eksperto, ilan lang ang mga indibidwal na may insurance coverage sa bansa at karamihan ay walang financial buffer para sa mga hindi inaasahang pangyayari. Kaya naman, oks lang turuan ang mga bata na mag-set ng financial priorities. Halimbawa, ano ang mas kailangan, bagong mga laruan at damit o pag-iipon ng pera?

  3. MAGKAROON NG SAVINGS GOAL. ‘Ika nga, mas madaling mag-ipon kung may savings goal. Kung mayroon silang gustong bilhin tulad ng bagong sapatos, ang halaga nito ang magiging target amount nila. Paano naman ito gagawin? Itabi ang lahat ng napamaskuhan at kung kulang pa, i-encourage silang magtabi ng pera mula sa kanilang allowance. Ang mahalaga, matutunan nila na kailangan ang pasensiya at disiplina sa pag-iipon.

  4. INVEST NOW, SPEND LATER. Bukod sa pag-iipon, ang isa pang dapat ituro sa mga bata ay ang pagkakaroon ng investment. Sa ganitong paraan, masisigiuro mong sapat ang halaga ng pera na magagamit ng iyong anak para sa kanyang future.

  5. IPON PA MORE. Habang bata pa, dapat nilang matutunan na hindi palaging nadadaan sa hingi. Gayundin, oks din kung babayaran natin sila bilang kapalit ng kanilang “services”. Halimbawa, puwede silang paghugasin ng mga pinagkainan, pagtupiin ng mga damit at iba pang gawaing bagay. Sa ganitong paraan, matututunan nila na dapat pagtrabahuhan ang pera.


Ngayong “gastos season”, ‘wag nating kalimutan turuan ang mga bata na maging responsable. ‘Ika nga, start them young, kaya ngayon pa lang, turuan natin sila ng mga tipid tips, money saving hacks at finance lessons.


Ang mahalaga ay matutunan nila na dapat paghirapan ang mga bagay na gusto nila dahil hindi lahat ng bagay ay madali nating makukuha. Copy?

 
 

ni Jersy Sanchez - @Life and Style| December 16, 2020




Mag-upgrade ng gadget, bagong mga damit at sapatos, panregalo sa mga kapamilya, kaibigan at inaanak at kung anu-ano pa. Ilan lang ‘yan sa mga kadalasang pinagkakagastusan ng karamihan pagdating ng kanilang 13th month pay at Christmas bonus.


Pero ngayong taon, malamang na nag-iba na ang prayoridad ng karamihan, kaya siyempre, marami ring nagtatanong kung anu-ano nga ba ang mga bagay na dapat paglaanan ng perang ito?


  1. MAGBAYAD NG UTANG. Masayang mag-celebrate ng Pasko nang walang utang. Kaya kung nagkaroon ka man ng utang dahil sa pandemic, it’s time para bayaran ito. Kung hindi naman kayang bayaran lahat dahil may iba pang gastusin, oks din kung babawasan muna ito. Ang importante, nababayaran natin kahit paunti-unti.

  2. EMERGENCY FUND. Dahil sa pandemya, nakita natin ang halaga ng pagkakaroon ng emergency fund. Ito ay para maging kampante tayo na mayroon tayong madudukot sa oras ng agarang pangangailangan. Kung wala pang gaanong alam tungkol dito, ito ang pinaka-basic na kaalaman: Kailangang mayroon kang hiwalay na savings account kung saan dapat ang laman nito ay at least 3 months worth ng iyong buwanang sahod. Sapat na ito para ma-cover ang mga biglaang gastos, lalo na kung may nagkasakit sa pamilya o iba pang emergency.

  3. LIFE INSURANCE. Isa pa ito, mga besh. Kabilang ito sa mga pinaka-worth it na pagkagastusan ng pera dahil maaari mo itong magamit, gayundin ang iyong pamilya. Kung may existing insurance ka na, puwede mo rin itong i-upgrade.

  4. PLANUHIN ANG RETIREMENT. Aminin, karamihan sa mga Pinoy ay walang retirement plan, kaya ang ending, kailangang kumayod kahit matanda na. Marahil, hindi pa ito naiisip ng marami sa atin, pero mga besh, sa totoo lang, mas magandang planuhin ito hangga’t maaga.

  5. MAG-INVEST SA PERSONAL GROWTH. Kung matagal mo nang pangarap um-attend ng workshop, go! Puwede ka ring mag-enroll ng short courses na gustung-gusto mong aralin o bumili ng art materials kung ‘yun ang iyong hilig. Walang masama sa paggastos para sa personal growth dahil para ito sa ikaliligaya mo.

  6. DONATE. Kung walang gaanong pagkakagastusan at may sapat ka namang ipon para sa mga susunod na araw o panahon, why not share? Napakaraming nagsasagawa ng donation drive ngayon, kaya for sure, maraming makikinabang dito. Paalala lang, tiyaking legit ang mapipili mong organisasyon o grupong tutulungan para mapunta sa tamang tao ang tulong na ibibigay mo.


For sure, nagkaroon kayo ng ideya kung saan gagastusin ang inyong matatanggap na 13th month pay at bonus. Gayunman, hangga’t maaga, tiyaking naka-budget at planado ang gastusin para alam natin kung saan ito mapupunta.


Make sure rin na ibabahagi n’yo ng tips na ito sa inyong mga katrabaho, kapamilya at kaibigan. Oks ba, ka-BULGAR?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page