top of page
Search

Tips para maprotektahan ang personal na impormasyon

ni Jersy Sanchez - @No Problem| January 10, 2021





Pagkatanggap n’yo ba ng parcel o package ng pinamili n’yo online, basta n’yo na lang itinatapon ang mga plastic bag na pinaglagyan nito?


Kung oo, para sa inyo artikulong ito dahil knows n’yo ba na mayroong tamang paraan para i-dispose ito? Hmmm…


Ngayong usong-uso ang online shopping, for sure, marami sa inyo ang nakatatanggap ng higit sa isang parcel kada araw, kaya naman, kasabay ng ating pagsa-shopping, dapat nating matiyak na ligtas ang mga impormasyon natin.


Dahil dito, hinihikayat ng National Privacy Commission (NPC) ang publiko na i-dispose nang tama ang shipping labels o ‘yung sticker na nakadikit sa ating mga parcels o pinamili online.


Paliwanag ng NPC, ito ay dahil maaaring mapunta o magamit ng ibang tao ang mga impormasyong nakalagay dito tulad ng pangalan, address at contact number.


Well, paano nga ba dapat i-dispose ang shipping labels na ito?


Sey ng NPC, puwedeng takpan ng permanent marker ang mga label na ito at puwede ring i-shred. Kung hindi n’yo naman bet itapon, puwede rin itong gamiting scratch paper.


Akala natin, sa mga credit card info at online profile lang dapat i-secure ang ating mga impormasyon, pero sa mga ganitong bagay din pala tayo dapat mag-ingat.


Oh, ‘di ba madali lang? Gamit ang simpleng tips na ibinigay ng NPC, tiyak na mapoprotektahan natin ang ating personal na impormasyon, gayundin, hindi ito mapupunta sa masasamang loob.


Kaya sa susunod na pagdating ng ating package, make sure na na-dispose natin nang tama ang mga sticker at shipping labels nito. Okie?

 
 

ni Jersy Sanchez - @No Problem| January 6, 2021




Tunay ngang naging parte na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang paggamit ng facemask dahil sa COVID-19 pandemic. Kaya naman kahit medyo hirap huminga ang ilan sa atin ‘pag nakasuot nito, no choice kundi mag-facemask pa rin para manatiling ligtas laban sa virus.


Gayunman, hindi lang hirap sa paghinga ang kinakaharap ng iba dahil may ilan ding nagsa-suffer sa “maskne” o mask acne, ‘yung taghiyawat na nakukuha mula sa pagsusuot ng facemask.


Kaya worry no more dahil narito na ang ilang tips para clear skin pa rin kahit araw-araw tayong nagsusuot ng facemask:


  1. LABHAN ANG CLOTH MASK. Kung choice mo ang cloth mask dahil tipid at environment-friendly, dapat naman nating masiguro na hindi nito nada-damage ang ating skin. Pagkatapos gamitin, labhan ito gamit ang fragrance-free at hypoallergenic detergent para matiyak na hindi magkakaroon ng skin irritation. Gayunman, hindi puwedeng i-skip o ipagpaliban ang paglalaba nito dahil dapat matanggal ang mga oil, dead skin at dumi na dumikit sa tela.

  2. GUMAMIT NG LIGHTWEIGHT MAKEUP. For sure, marami pa rin sa atin ang patuloy na gumagamit ng makeup kahit matatakpan ng facemask, kaya naman ang payo natin ay umiwas muna sa full-coverage makeup at subukan ang “no makeup” makeup look na nauso noon. Subukang bawasan ang makeup products na gagamitin para hindi ito magbara sa pores at magdulot ng maskne. Isa pang tip, gumamit ng mga produktong may label na “non-comendogenic”.

  3. GUMAMIT NG ANTIBACTERIAL CLEANSER. Siyempre, bago magsuot ng facemask, make sure na malinis ang ating skin. Sa ganitong paraan kasi, matatanggal ang anumang dumi na nakabara sa pores, gayundin ang dead skin cells at mga bakterya na maaaring magdulot ng acne.

  4. MASK BREAK. Ayon sa mga eksperto, inirerekomendang tanggalin ang mask sa loob ng 15 minuto kada apat na oras para maiwasan ang pagkairita ng balat, lalo na kung isinusuot ang mask ng mahabang oras. Paalala lang mga besh, hindi inirerekomendang tanggalin ang mask kahit saan. Gawin lamang ito kung may sapat kang distansiya sa mga tao o kung nasa sasakyan ka.


Bagama’t nakaiinis ang pimples na dulot ng madalas nating paggamit at pagsusuot ng facemask, no choice tayo dahil kailangan din natin ng panangga sa virus.

Gayunman, make sure lang na susundin n’yo ang ilang tips na ito nang sa gayun ay maiwsan natin ang kinaiinisang acne. Gets mo?

 
 

ni Jersy Sanchez - @No Problem| January 3, 2021




Sa sobrang bored ng iba sa atin dahil sa community quarantine, lahat yata ng trip ay nagawa na natin. Mula sa pagbe-bake at pagluluto, pag-aalaga ng halaman at pagdiskubre ng iba pang hobbies, mayroon na ring nag-DIY (do-it-yourself) sa pagkukulay ng buhok.


‘Yung iba naman, takot magpa-salon dahil sa pandemic, pero ‘yung iba ay sadyang nagtitipid lang. Gayunman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay oks ang resulta nito dahil ‘yung iba ay first time mag-DIY, kaya para sa mga beshies natin d’yan na nagbabalak magkulay ng buhok sa bahay, narito ang ilang tips para sa inyo:


Bago ang lahat, kailangan mo ng:

  • Salamin

  • Gloves

  • Petroleum jelly

  • Clips

  • Plastic mixing bowl at brush applicator

  • Lumang t-shirt o tela


  1. PATCH TEST. Para matiyak na safe para sa iyo ang gagamiting hair dye, gawin ang patch test. Paano? Maglagay ng kaunting pangkulay sa leeg at ibabad ng ilang minuto, at ‘pag nag-react ang balat, pass muna.

  2. BRUSH OFF. Kung oks ka sa pangkulay na gagamitin, it’s time para magsuklay at matiyak na walang buhol na hair strands, gayundin upang matiyak na walang ibang hair product sa buhok para sure na kumapit ang pangkulay.

  3. BASAHIN ANG INSTRUCTIONS. Bawat hair dye ay may instructions, kaya basahing mabuti ang mga ito. Gayundin, tiyaking masusunod ang oras ng pagbabad ng pangkulay. Kapag sumobra sa sinabing oras ang pagbabad, partikular sa roots, mas magiging light ito kumpara sa ibang hair strands. Gayunman, ‘pag ibinabad ito sa mas maiksing oras, mag-iiba ang resulta nito kumpara sa inaasahang kulay.

  4. IHANDA ANG WORKING AREA. Dahil puwede ring malagyan ng pangkulay ang area kung saan mo balak mag-DIY, magsapin ng scratch papers o lumang diyaryo. Gayundin, tiyaking sapat ang laki ng salamin para makita ang iyong kukulayang buhok.

  5. SAFETY GEARS. May kemikal ang mga hair dye, kaya dapat gumamit ng latex gloves bago pa man timplahin ang pangkulay.Oks ding maglagay ng petroleum jelly sa hair line, paligid ng mga tenga at batok para mas madaling matanggal ang sobrang pankulay. Gumamit din ng lumang t-shirt o tela dahil puwede ma-mantsahan ang suot mong damit.

  6. IHULI ANG ROOTS. Inirerekomenda na huling kulayan ang roots dahil ang heat mula sa scalp o anit ay nagpapabilis ng coloring process. Kung kabaligtaran ang iyong gagawin, mas magiging light ang roots kumpara sa ibang hair strands.


Ayan, mga besh, for sure, makatutulong ang tips na ito sa mga nagbabalak mag-DIY d’yan.


Make sure na susundin n’yo ang mga ito para sa mas maganda at mala-salon na resulta ng inyong DIY hair coloring. Copy?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page