top of page
Search

Pagdyo-journal, nakatutulong para magkaroon ng magandang ugali at memorya, nakababawas din ng anxiety at depresyon

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| January 25, 2021





Taun-taon, marami sa atin ang nagbabalak gumawa ng journal dahil sa iba’t ibang dahilan at intensiyon.


May ilang gumagawa nito dahil gusto nilang i-track ang kanilang daily activities, habang ang iba naman ay para magkaroon ng outlet o paglalagyan ng kanilang mga thoughts sa bagay o buhay at kung anu-ano pa.


Gayunman, knows n’yo ba na ang pagdyo-journal ay may benepisyo sa emosyonal, espiritwal at pisikal na aspeto ng ating buhay? Yes, beshy!


Kaya kung excited na kayong malaman kung anu-anong mga ito, narito ang ilang benepisyo ng journaling:


  1. NAKABABAWAS NG STRESS. Knows n’yo ba na ang journaling ay isang magandang stress management tool? Base sa research noong 2018 na ang emotion-focused journaling ay may kaugnayan sa bumabang mental distress at tumaas na well-being.

  2. NAKABABAWAS NG ANXIETY. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga adult na nakararanas ng elevated anxiety symptoms ay nag-journal ng kanilang traumatic experiences — na may 15 hanggang 20 minutong interval— ay nakaranas ng mas mababang anxiety, mas kaunting depressive symptoms at overall mental distress, gayundin, tumaas ang kanialng well-being sa loob ng isang buwan.

  3. NAKABABAWAS NG DEPRESYON. Lumabas sa isang pag-aaral noong 2013 na kapag nagsulat ng “deepest thoughts at feelings” habang may emotional event sa loob ng 20 minuto kada araw sa loob ng tatlong araw ang mga tao na mayroong major depressive disorder, mayroong nakitang pagbaba ng kanilang “depression scores.”

  4. IMPROVED MEMORY. Sey ng experts, kung nais na epektibong tugunan ang stress, nakatutulong ang pagdyo-jourmal sa cognitive resources para sa iba pang mahahalagang mental processes. Halimbawa nito ang isang pag-aaral noong 2001 sa mga mag-aaral kung saan napag-alaman na ang pagsusulat ng kanilang deepest thoughts at feelings tungkol sa pagpasok sa kolehiyo ay nakatulong sa kanilang short-term memory.

  5. MAS MALAKAS NA IMMUNE SYSTEM. Ang journaling ay maaaring maging relaxing exercise na nakababawas ng pag-release ng stress hormones tulad ng cortisol at adrenaline dahil ang overproduction ng nabanggit na hormone ay maaaring magpahina ng immune system.

  6. MAS MAGANDANG ATTITUDE. Ayon sa mga eksperto, ang pagme-maintain ng weekly journal, partikular sa “gratitude” ay may kaugnayan sa magandang improvement sa overall optimism. Paglilinaw ng experts, ang pagkakaroon ng journal na nakapokus sa pag-appreciate ng positibong elemento ng buhay, nawawala ang pokus ng indibidwal sa mga bagay na ‘di pabor sa kanya.

  7. COPING WITH TRAUMA. Base sa ilang pag-aaral, ang pagjo-journal ay posibleng epektibong therapeutic tool sa mga survivor ng trauma. Sa nasabing pag-aaral, ang mga tao na may post-traumatic stress disorder (PTSD) na lumahok sa expressive writing activities at nakaranas ng malaking improvement sa kanilang mood, gayundin nabawasan ang kanilang stress hormone responses kapag hinaharap ang kanialng traumatic memories.


‘Ika nga, kani-kanyang trip lang ‘yan at wala namang masama kung gusto n’yong subukan.


Kung hindi natuloy ang journaling na balak mo noong nakaraang taon, it’s time para subukan ito at alamin kung talaga bang makatutulong ito sa ating overall well-being. Copy?

 
 

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| January 17, 2021





Naranasan n’yo na ba ‘yung atat na atat kayong mag-book ng lakad dahil may seat sale? Pero gustuhin mo man, kailangan mo munang ikonsulta ang iyong pamilya o mga kaibigan para makahanap ng kasama, tapos ang ending, super-hassle dahil ang hirap humanap ng sked na tugma sa lahat. Agree?


Kaya ang solusyon, mag-travel mag-isa. He-he-he! Tulad ngayong unti-unti nang lumuluwag ang community quarantine, puwede na ring mag-travel, ito na rin ang chance para matupad ang pangarap mong solo travel.


Gayunman, anu-ano nga ba ang dahilan kaya dapat nating subukan na mag-travel nang mag-isa?


  1. EXCITING. Oras na mag-fill up ka ng booking details at nagplano, for sure, napakalaki na ng iyong ngiti. Inexplainable ang feeling dahil magkakahalong excitement, saya at takot ang mararamdaman mo.

  2. FEELING MATURED. Kapag may kasama ka sa isang trip tulad ng iyong parents, mayroong mga libre tulad ng pocket money, transportation at kahit ang air fare, pero ‘pag ikaw lang mag-isa, solo mo lahat. Sa ganitong paraan, matututo kang mag-budget ng pera, maunawaan mo rin ang kahalagahan ng exchange rates, at siyempre, matututo kang alagaan ang iyong sarili. Gaanuman kahaba o kaiksi ang trip, ang importante ay uuwi kang feeling matured. Naks!

  3. STRESS-FREE ITINERARY. Your trip, your rules. Ganern! Kumbaga, puwede kang matulog o magising nang late kung gusto mo. Gayundin, puwede kang maka-discover ng local boutiques at ma-enjoy ang shopping nang walang iniintindi. Ang pinakamaganda, walang mamimilit sa ‘yong gawin ang mga bagay na ‘di mo bet.

  4. BAGONG MGA KAIBIGAN. ‘Pag mag-isa ka, mas makakikilala ng mga bagong tao, halimbawa, ‘pag nagtanong ka ng direksiyon o kung nagpatulong ka sa pag-order dahil iba ang lengguwahe sa lugar na pinuntahan mo.

  5. BAGONG PERSPECTIVE SA MGA BAGAY. Kapag kumakain o nagsa-sight seeing ka mag-isa, marami kang mapapansin sa paligid kumpara ‘pag kasama mo ang iyong mga kaibigan. Kumbaga, may pagkakataon kang mag-obserba o matuto sa kultura ng mga tao sa isang foreign country.

  6. MAS MAKIKILALA ANG SARILI. Madidiskubre mo na kaya mong maging independent, na mahilig ka pala sa mga parke at kaya mong magtiyaga kung gusto mo. ‘Ika nga, parang nailalabas mo ang isang side mo na hindi mo mailabas dahil sa pagiging busy mo sa siyudad.


Sa totoo lang, medyo nakakatakot mag-travel mag-isa, pero worth it itong subukan dahil for sure, uuwi kang refreshed at maraming natutunan.


Kaya para sa mga beshies natin d’yan na feeling scared, pero gustung-gustong subukan ang adventure na ito, go na! Keri?

 
 

ni Jersy Sanchez - @No Problem| January 11, 2021





For sure, ang ilan sa atin ay umabot sa puntong walang-wala nang mabunot o mailabas na pera, lalo na noong nag-lockdown dahil kung hindi pansamantalang nawalan ng trabaho ay ubos na ang naipong pera.


Kaya naman natutunan ng iba na dapat palaging may ekstra na pera at hindi basta-bastang gastusin ang sahod na natatanggap tuwing kinsenas o katapusan. At ngayong Bagong Taon, marami sa atin ang may New Year’s resolution na mag-iipon na, pero ang tanong, paano?


Worry no more dahil narito na ang ilang money saving challenges na puwede n’yong subukan this year:


AUTOMATIC SAVINGS PLAN. Humanap ng wallet app kung saan ang pera na balak mong itabi ay awtomatikong ibabawas sa iyong suweldo. Maraming online banks ang mayroong ganitong system para hindi mahirapan ang sinumang may balak mag-ipon.


INVISIBLE P20 CHALLENGE. For sure, alam na alam n’yo na ‘to at malamang, may ilang sumubok ngunit nabigo last year. Pero oks lang ‘yan dahil puwedeng-puwede n’yo itong subukan ulit. Ilagay ang 20-peso bill sa isang alkansiya para maiwasan ang paggastos dito.


ILAGAY SA SAVINGS ACCOUNT ANG CASH GIFTS. Halimbawa, incentives o cash prize kung nanalo ka sa isang contest sa trabaho. Ang lahat ng ito ay hindi counted bilang suweldo, kaya dapat itong mapunta sa savings account. Tandaan, ang suweldo ay pinagkukunan ng budget para sa pangangailangan at ilang leisure, kaya ang anumang pera na hindi galing sa suweldo ay dapat itabi bilang savings.


INVESTMENT. Bukod pa sa savings, dapat tayong humanap ng maganda at karapat-dapat paglaanan ng ating pera. Simulan ito sa pagre-research tungkol sa life at illness insurance na puwede mong gastusan, na swak sa iyong lifestyle at budget. Siyempre, puwede ka ring magtayo ng maliit na online business, gayundin ang franchising o paglalagay ng pera sa stocks, pero dapat may sapat kang kaaalaman dito. Alamin muna ang monthly payout o initial capital, computation ng return of investment at kung kailan ka dapat mag-invest. Oks ding humingi ng payo sa mga eksperto para sure na nasa tamang landas ka.

NO *GUILTY PLEASURE* FOR A MONTH. Isipin kung ano ang unhealthy habit o pagkain na kinaaadikan mo at subukang bawasan ang paggastos para rito. Halimbawa, mahilig kang mag-online shopping o uminom ng milktea, subukan mong bawasan ito at gawing dalawa hanggang tatlong beses na lang kada buwan. Hindi lang pera ang natitipid mo dahil nailalayo mo rin ang sarili mo sa unnecessary sugar at calories. Bukod sa pagkain at online shopping, oks ding mag-unsubscribe sa entertainment app at humanap ng alternatibo na libre.


Oh, mga besh, siguradong may challenge rito na swak sa inyo. Kaya para hindi tayo “no ipon” sa future, make sure to try these challenges. ‘Wag kalimutang ibahagi ang ilang challenges na ito sa inyong mga beshies o kapamilya para lahat tayo ay makapag-ipon sa mga susunod na araw. Copy?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page