top of page
Search

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| July 18, 2021




Pero bago kayo magpakalasing, narito ang ilang alcoholic drinks na may healthy benefits sa ating pangangatawan:


1. RED WINE. Pagdating sa ‘healthier alcohol’, ito ang numero-uno. Ayon sa mga eksperto, ang red wine ay may antioxidants, na may kakayahang protektahan ang cells, at mayroon din itong polyphenols na nagpo-promote naman ng heart health. Gayunman, ang white wine at rose ay mayroon din nito, ngunit mas kaunti lamang ang bilang. Samantala, ayon sa pag-aaral, ang red wine ay nakapagpapaganda ng cardiovascular health, bone density at brain health.


2. CHAMPAGNE. Ang mga ubas na ginagamit upang makagawa ng champagne ay may mataas na phenolic compounds, isang uri ng antioxidant na nagpapalakas ng brain health at nakapagpapababa ng panganib ng dementia.


3. TEQUILA. Base sa isang pag-aaral na ginawa sa mga daga, ang pagkonsumo ng agave tequila plant ay puwedeng magpataas ng calcium absorption at nagpaganda ng bone health. Gayunman, para sa mga tao, hindi umano gaanong kapani-paniwala na ang pag-inom ng tequila ay nakatutulong upang magamot ang calcium deficiency o bone conditions tulad ng osteoporosis. Samantala, sey ng experts, ang clear liquors tulad ng tequila ay low-calorie drink.


4. WHISKEY. Tulad ng nabanggit, ang red wine ay may antioxidant benefits at base sa pag-aaral, ang whiskey ay may parehong epekto. Gayundin, ang moderate alcohol usage at mas maraming antioxidant intake ay nakapagpapababa ng heart disease risk.


Bagama’t hindi maikokonsiderang “health food”, mayroon namang healthier options.

Gayunman, ang technique pa rin sa pag-inom nang alak ay ang ‘moderation’ at pagtimbang ng health benefits laban sa negatibong epekto ng pag-inom nito.


Anyways, kung nagbabalak ka nang huminto sa unhealthy drinks, subukan lamang ang mga nabanggit na inumin. Pero tandaan, always drink responsibly. Okie?


 
 

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| July 11, 2021




Sawa ka na bang magkaroon ng masakit na ulo dahil sa hangover? ‘Yung tipong, gusto mo nang isumpa ang alak at mangakong hindi ka na iinom ulit? Well, worry no more dahil we got you, beshy!


Say no more sa nakaka-stress na hangover dahil narito ang ilang pagkain na dapat mong kainin bago sumabak sa ‘toma’ o drinking session:


1. BANANA. Kung nghahanap ka ng mabilisang merienda bago sumabak sa inuman, oks na oks itong option. Ayon sa mga eksperto, ang saging ay mayaman sa potassium, gayundin, ito ay gawa sa 75% water. At dahil ang pag-inom ng alak ay nagiging sanhi ng madalas na pag-ihi na puwedeng magresulta sa dehydration at electrolyte loss, ang pag-hydrate at pag-intake ng potassium ay makatutulong upang maiwasan ang electrolyte imbalance.


Bukod pa rito, ang saging ay nagtataglay din ng fiber, na nakapagpapabagal naman ng alcohol absorption upang hindi agad malasing. Habang kung ikaw naman ay may sensitibong tiyan, ang saging ay may natural antacid effect, na nakatutulong upang maiwasan ang acid reflux at iba pang gastrointestinal discomfort.

2. GREEK YOGURT. Alam naman natin na ang yogurt ay nakatutulong sa digestion, kaya naman oks din itong kainin bago ang iyong drinking session. Karamihan sa mga yogurt ay nagtataglay ng friendly bacteria na tinatawag na probiotics, na nakatutulong upang mapigilan ang diarrhea at iba pang problema na may kinalaman sa irritable bowel syndrome. Gayundin, ang greek yogurt at mayaman sa protein, fats at carbohydrates. At dahil mabagal ma-digest o matunaw ang protein, bumabagal din ang alcohol absorption.

3. SALMON. Ang salmon ay mayaman sa Vitamin B12, na essential para sa red blood cell production at nervous system upang mag-function. Gayunman, ang ‘fishy superfood’ na ito ay mayaman din sa protein at healthy fats, na parehong nakapagpapabagal sa alcohol absorption. Samantala, suhestiyon ng mga eksperto, oks gawing pre-drinking meal ang salmon at asparagus. Ito ay dahil ang asparagus ay mayroong minerals at amino acids na nakatutulong sa liver health at nakakapigil ng hangover.


4. AVOCADO TOAST W/ EGG. Ang proteins at healthy fats ay oks sa pagpapabagal ng alcohol absorption dahil mas mabagal itong ma-digest kesa sa carbs. Ang itlog ay mayaman sa protein, habang ang avocado naman ay may mataas na heart-healthy fats at potassium para mabalanse ang iyong electrolytes.


For sure, kayang-kaya mong ihanda ang kahit isa sa mga ito bago ka magpakalasing. Kaya naman make sure na hindi mo kalilimutang maghanda at kumain ng ‘pre-drinking meal’ kung may plano kang mag-walwal o mag-inom nang sa gayun ay walang hangover kinabukasan.


Paalala, drink responsibly, ka-BULGAR! Keri?


 
 

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| July 04, 2021




Balat ang pinakamalaking organ sa ating katawan, at ang mabuti at tamang nutrisyon ay mahalaga para mapanatili itong malusog.


Well, alam naman nating ang pagkain ng masusustansiyang pagkain at madalas na pag-inom ng tubig ay nakatutulong upang magkaroon tayo ng clearer skin, pero knows n’yo ba na may iba pang paraan para ma-achieve ang healthy-looking skin, partikular sa ilang pagbabago sa inyong diet? Yes, besh!


1. IBA’T IBANG KULAY NG PRUTAS AT GULAY. Kung ikaw ‘yung tipo ng tao na hindi kumokonsumo ng prutas at gulay araw-araw, kumain ng isang serving ng produce kada meal. Sey ng experts, kumain ng mga prutas at gulay na may iba’t ibang kulay tulad ng red peppers, leafy greens at carrots o yellow squash — ang iba’t ibang kulay ng produce ay indikasyon ng iba’t ibang micronutrients. Gayundin, ang broccoli ay magandang option para sa healthy skin dahil ito ay mayayaman sa golate at Vitamin K na sumusuporta sa healthy cells.

2. BAWASAN ANG SUGAR INTAKE. Para maiwasan ang skin irritation, inirerekomenda ng mga eksperto na limitahan ang pagkain ng processed food, partikular ang added sugar. Para maiwasan ito, alaming mabuti kung gaano karaming packaged food ang iyong nakakain dahil madalas, mayroong added sugar ang mga ito.

3. NO TO TRENDY SUPPLEMENTS. For sure, bet mo ring i-boost ang iyong vitamin at mineral intake sa pamamagitan ng pills, pero mga besh, ayon sa health experts, hindi ito worth it pagkagastusan. Bakit? Ito ay dahil puwede naman nating makuha ang mga vitamins at minerals na ito sa pamamagitan ng pag-intake ng tunay na pagkain. Halimbawa, ang whole foods na mayroong iba’t ibang nutrients, kabilang ang fiber na importante upang magkaroon ng healthy digestion. Dagdag pa rito, ang ‘fad diets o detox’ ay hindi talaga nakatutulong dahil natural na mailalabas ng katawan ang toxins kung mayroon itong sapat at tamang nutrients.

4. WATER PA MORE. Ang pag-inom ng tubig ay nakatutulong upang ma-flush ng katawan ang toxins. Gayundin, puwede itong dagdagan ng herbal o green tea para sa mas ‘fun’ na paraan upang mag-hydrate.

5. CAFFEINE & ALCOHOL CONSUMPTION. Bagama’t ang mga inuming may caffeine tulad ng kape at tsaa ay healthy dahil mayaman ang mga ito sa antioxidants, ang sobrang caffeine —tulad ng energy drinks — ay posibleng makapagpataas ng stress hormone level, na may negatibong epekto sa balat paglipas ng panahon. Bukod pa rito, dapat ‘in moderation’ ang pag-inom ng alak dahil nakasasagabal ito sa pag-process ng iba pang toxins sa katawan.


Oh, ha! Akala n’yo para lang sa pagpapapayat ang diet, ‘noh? Well, hindi lang pala dahil nakatutulong din ito para magkaroon tayo ng mas glowing at healthy-looking skin. Pero siyempre, kailangan muna nating gawin ang mga nabanggit sa itaas para sure na ma-achieve ang healthy body at skin. Keri?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page