top of page
Search

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| September 26, 2021




Ang serotonin level ay may kaugnayan sa happiness at ang tamang level nito ay nakatutulong upang tayo ay maging kalmado, mas makapagpokus at hindi maging balisa.


Gayunman, ang ating ‘gut’ ay naglalabas ng 90% ng serotonin, kaya hindi nakagugulat na ang mga pagkaing kinokonsumo natin ay nakaaapekto sa ating nararamdaman. Habang ang mababang lebel ng serotonin ay may kaugnayan sa depresyon at may hindi magandang epekto sa pagtulog at appetite o ganang kumain.


Samantala, ang isang paraan para ma-boost o tumaas ang serotonin level sa ating katawan ay sa pamamagitan ng pagkonsumo ng amino acid tryptophan. Ang tryptophan ay nakatutulong sa serotonin production na kadalasang natatagpuan sa mga pagkaing mayaman sa protein.


Kaya ang tanong, anu-anong mga pagkain ang dapat ikonsumo para tumaas ang ating serotonin level at good vibes lang?


1. POULTRY. Ang karne ay mayaman sa protein at magandang source ng tryptophan. Gayunman, ang turkey ay kadalasang sinasabing nakakapagpapaantok, pero sey ng experts, hindi naman talaga ang karne ang nakakaantok kundi ang laki o portion ng pagkain. Sa mas maliit na portion, ang poultry ay oks na choice pagdating sa karne dahil kaunti lang din ang fat content nito.

2. ITLOG. Ito ay mayaman din sa tryptophan, gayundin, ito ay may ‘significant amount’ ng Vitamins A, B12 at selenium. Ayon sa pag-aaral na na-publish sa National Library of Medicine, ang egg yolks ay magandang source ng choline, ang mahalagang nutrient na posibleng mahalaga sa pagbubuntis.


3. SALMON. Bukod sa pagiging source ng tryptophan, ang salmon ay maganda ring source ng fatty acids, Omega-3 at Vitamin D.


4. SEEDS. Ayon sa mga eksperto, para sa mga vegetarians at vegan na hindi kumokonsumo ng ilang pagkaing nabanggit, ang seeds ang pinaka-angkop na source ng tryptophan para sa kanila. Kabilang dito ang kalabasa, flax at chia seeds, na puwedeng idagdag sa salad, yogurt at cereals. Ang mga ito rin ay nakapagbibigay ng antioxidants, fiber at vitamins.


5. NUTS. Yes, besh! Nakatutulong din ito upang tumaas ang ating serotonin levels dahil nagtataglay ito ng tryptophan. Bukod pa rito, maganda rin itong source ng monounsaturated fats, proteins at iba pang minerals at vitamins na mahalaga para sa tamang pag-function ng katawan.


6. SOY-BASED PRODUCTS. Isa pang mahalaga para sa mga vegetarians at vegans ang soy-based products tulad ng tofu, soy milk o soy sauce, na oks ding source ng tryptophan.


7. DAIRY PRODUCTS. Ang gatas at iba pang dairy products ay nakapagbibigay din ng tryptophan boost. Gayundin, ito ay magandang source ng calcium at Vitamins A, D at E.


Akalain n’yo ‘yun, bukod sa nakakabusog ay literal na pampa-good vibes pa ang pagkain dahil sa mga nutrients na taglay nito. Kaya ‘pag feeling mo ay badtrip ka, gora na sa kusina at subukang hanapin ang mga pagkaing nabanggit. Napakaraming options, kaya for sure, may magugustuhan kayo sa mga ito.


Iwasang sumimangot at magmaktol ‘pag wala sa mood. Sa halip, ikain mo na lang ‘yan para good vibes. Okie?

 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| September 21, 2021




Iba’t iba ang dahilan kaya marami sa atin ang wala pang ipon. Nand’yan ‘yung marami lang talagang bayarin at ‘di na kayang isabay pa ang pagtatabi ng pera. Meron namang kuntento nang walang ipon dahil may inaasahang pera buwan-buwan, at ‘yung iba naman, walang alam sa tamang paghawak ng pera, kaya ang ending, nga-nga. Gayunman, bukod sa mga ito, anu-ano pa ang dahilan kaya hirap makaipon ang isang tao?


  • LUHO. Wala nang isip-isip, ‘pag gusto ay binibili agad. Kung ganito ang habit mo tuwing may pera ka, malamang na wala ka ngang maipon, lalo na kung hindi mo alam kung paano ipaprayoridad ang ‘needs’ at wants’ mo. Tandaan, oks lang namang bilhin ang luho dahil minsan, deserve natin, pero kung aabot sa puntong maisasakripisyo ang mga bagay na kailangan mo, isip-isip muna.


  • WALANG SINUSUNOD NA BUDGET. Hangga’t may nakikita kang pera sa iyong wallet o bank account, sige lang nang sige dahil ang katwiran, may parating namang sahod. Beshie, mahalagang magkaroon ng budget dahil sa ganitong paraan, mamo-monitor mo ang lahat ng perang lumalabas.


  • KUNTENTO SA MALIIT NA SAHOD. Dahil kaya namang maka-survive sa araw-araw, sapat na sa ‘yo ‘yun kahit wala kang ipon. Pero besh, sa panahon ngayon, kailangan na nating ikonsidera ang pagkakaroon ng iba pang source of income para maging pandagdag sa mga panggastos o ipon.

  • YOLO. Katwiran ng iba, hindi naman madadala sa hukay ang pera kaya mas mabuti nang gastusin ito hangga’t nabubuhay para mag-enjoy. Agree?


  • MAS MALAKI ANG GASTOS KESA SA KITA. Ang ending, negative pa ang pera mo dahil sa dami ng gastos. Kumbaga, sobra pa sa kinikita mo ang inilalabas mong pera kaya sa halip na makaipon, nagkakautang pa. Dito na papasok ang pagtimbang kung kailangan ba talaga o luho lang ang bagay na iniisip mong bilhin.

  • MATAKAW KA. Kahit busog na, kain ka pa rin nang kain. Kumbaga, walang kontrol sa cravings at kung ano ang makita mo, gusto mo agad itong bilhin kahit hindi naman kayang kainin. Besh, wala namang problema kung food is life, pero tandaan, ‘wag sosobra dahil hindi rin ito maganda sa kalusugan.

  • FINANCIAL ILLETERATE. Kuntento ka na sa paraan kung paano mo hinahawakan ang iyong pera at hindi ka na naghangad na madagdagan pa ang kaalaman mo sa pangangalaga nito.


Alin sa mga nabanggit ang dahilan kaya wala ka pang ipon? At ngayong alam mo na kung bakit, make sure na babaguhin ang gawaing ito nang sa gayun ay hindi tayo tumandang walang ipon. Tandaan, mahalagang may maitabi tayo ngayon para hindi pahirapan pagdating ng panahon. Okie?


 
 

ni Jersy L. Sanchez - @No Problem| September 19, 2021




Napapansin mo ba na may mga pagbabago na sa iyong skin kung saan hindi na ito kasing-ganda noon? Well, well, well, welcome to thirties, besh!


For sure, nagsisimula nang magpakita ang mga wrinkles at dark circles sa ilalim ng mga mata. Gayunman, posibleng ang mga ito ay resulta ng ‘adulthood’ o ang stress na nararanasan mo ngayon ay umepekto sa iyong skin, pero posibleng ang mga ito naman ay resulta ng polusyon. Awww!


Well, anumang kailangan nating pangalagaan ang ating balat hangga’t maaga, pero ‘pag nasa edad 30 ka na, ibang usapan na ‘yan. Pero for sure, may mga paraan para mapangalagaan pa rin ang ating skin habang tayo’y tumatanda. Anu-ano naman ang mga ito?


  • ARAW-ARAW NA PAGGAMIT NG SUN SCREEN. Knows n’yo ba na ang isa sa mga pagkakamali ng marami pagdating sa skincare ay ang hindi araw-araw na paggamit ng sunscreen. Pero ayon sa mga eksperto, ang labis na exposure sa araw ay nagdudulot ng malaking damage sa balat. Ito ay dahil hindi lamang burns at mga kondisyon tulad ng melanoma ang dulot ng sunlight kundi napabibilis din nito ang aging at paglabas ng wrinkles. Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng SPF50 sa anumang edad at anumang panahon.


  • MAGHILAMOS SA UMAGA’T GABI. Isa pang hakbang na dapat idagdag sa ‘beauty routine’ ay ang paghihilamos sa umaga at gabi bago matulog. Bagama’t oks ding gumamit ng makeup remover o cleanser, mas epektibo pa rin ang paghihilamos gamit ang sabon at tubig. Kaya nitong tanggalin ang mga dumi sa mukha na pumipigil sa protective at renewing functions ng balat.


  • GLYCOLIC ACID. Ayon sa mga eksperto, ang ‘star’ ng anti-aging agents ay ang glycolic acid. Ito ay alpha hydroxy acid mula sa sugar cane. Gayunman, marami itong nagagawa sa balat tulad ng napabibilis nito ang epidermal renewal, kaya mas nagiging ‘bright’ ang balat. Gayundin, kayang mag-moisturize ng glycolic acid depende sa formulation ng cosmetic product (halimbawa, cream o gel). Bagama’t inirerekomenda naman ang 8% hanggang 20% concentration ng glycolic acid na dapat gamitin sa gabi, oks ding magsimula sa 5% hanggang 8% at kapag kaya nang i-tolerate ng balat, saka lamang itaas ang concentration.


  • VITAMINS C & E. Ang Vitamin C ay kilala bilang ascorbic acid, isa rin itong nakatutulong sa balat dahil ito ay cofactor ng maraming enzymes na mayroong ‘key role’ sa produksiyon ng collagen. Dahil madaling mag-oxidize ang Vitamin C, kailangang magkaroon ng ibang uri ng bitamina at concentration na nasa 5% hanggang 10% ang cosmetic formulation upang maging stable. Gayunman, ‘pag sun-aged skin ang pinag-uusapan, inirerekomenda ng mga eksperto ang 8% glycolic acid with Vitamins C & E dahil napatataas ng mga ito ang antioxidant power.

  • CHEMICAL PEEL. Ginagamit ng mga eksperto ang procedure na ito upang mapaganda ang appearance ng balat kung saan iba’t ibang uri ng solution ang puwedeng gamitin. Ayon sa mga eksperto, ang magandang edad para subukan ang procedure na ito ay 30.


  • HYDRATE. ‘Ika nga, mas mabagal nang mag-renew ang skin pagsapit ng 30-anyos at medyo hirap na ring i-maintain ang tamang level ng natural hydration. Dahil dito, matagal nang mag-peel off ang unang layer ng balat kaya mas dry at dull itong tingnan. Gayundin, bumabagal na ang produksiyon ng moisturizing factors sa balat tulad ng hyaluronic acid at tumataas ang degradation. Para tugunan ito, inirerekomenda ang paggamit ng exfoliating product. Samantala, para sa dryness na pinapalala ng exfoliating effect, inirerekomendang gumamit ng moisturizer.


Hindi talaga madali ang pagtanda dahil kasabay nito ang unti-unting pagbabago ng ating pisikal na anyo. Bagama’t ‘ika nga, hindi naman mahalaga ang panlabas na hitsura, oks din namang i-maintain ito, lalo na kung conscious ka.


Kaya para sa beshies natin d’yan na gustong mapantili ang pagiging young looking, make sure na gagawin ninyo ang mga hakbang na ito, gayundin ang rekomendasyon ng mga eksperto. Stay pretty, ka-BULGAR! Keri?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page