top of page
Search

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| January 10, 2022





Napakahalagang magkaroon ng career goal dahil bukod sa ito ang dahilan para ibigay mo ang iyong best, nagiging gabay din ito sa iyong career decisions.


Bagama’t napakaraming career options sa ating harapan, ang pagkakaroon ng goal ay nakatutulong upang malaman kung nasa tamang “career path” ka. Kaya para sa mga beshy nating nagbabalak magpokus sa career, narito ang ilang dahilan kaya mahalaga ang career planning:


1. ALAM MO KUNG SAAN MAGSISIMULA. Bago ang lahat, kailangan mo ng plano kung saan hindi ka dapat basta magkatrabaho lang kundi ang magkaroon ng career mismo. Tandaan, magkaiba ang trabaho at career. Ang trabaho ay nakapokus sa pagkita ng pera, habang ang career ay nakatutok sa professional growth kung saan ang pinagtatrabahuhan mo ay isang bagay na ‘passionate’ ka. Ang career planning ay nakatutulong upang mapaghandaan ang mga oportunidad na darating sa future.


2. PAMPATAAS NG CONFIDENCE. Kapag alam mo kung ano ang gusto mong marating, nagkakaroon ka ng confidence at ang pagkakaroon ng plano ay nakatutulong upang paghandaan ito. Ang pagiging handa sa mga dapat gawin upang ma-achieve ang iyong goals ay nakatutulong upang hindi ka “maligaw” ng landas habang ini-establish ang iyong career.


3. ENHANCES STRENGTHS. Tulad ng nabanggit, nakatutulong ang career planning para sa future opportunities. Gayundin, nakatutulong ito upang malaman mo ang iyong skills at mapalakas ang mga ito. Maraming paraan upang hasain ang iyong skills tulad ng pag-attend ng training programs o pag-enroll sa graduate school. Hindi lamang ito nakatutulong sa iyong career dahil makikinabang din dito ang iyong coworkers at kumpanyang pinagtatrabahuhan. Tandaan, ang pagpopokus sa iyong mga strength ay mahalagang sangkap upang ma-achieve ang iyong goals.


4. NALALAMAN ANG MGA KAHINAAN. Kung mayroon tayong strength, siyempre, mayroon ding weakness. Parte ng career planning ang pagtukoy sa mga bagay na kailangan nating i-improve o pagbutihin upang ma-enhance ang ating strength. Gayunman, hindi natin dapat dedmahin ang ating mga kahinaan, bagkus, gawin itong oportunidad para sa career development. Kung keri, puwede kang mag-aral ng mga bagong skills dahil tiyak na makatutulong din ito sa iyong career.


5. SOURCE NG MOTIVATION. Ang pagkakaroon ng successful career ay hindi basta-bastang na-a-achieve dahil for sure, mahaharap tayo sa iba’t ibang pagsubok bago marating ito. Gayunman, normal lang para sa mga propesyunal na mawalan ng “drive” o motibasyon para tuparin ang kanilang goals. Kapag mayroon kang career plan, mananatili kang motivated.


Isang malaking hakbang para sa marami sa atin ang pagbuo ng career plans dahil sa panahon ngayon, mas nangingibabaw ang pangangailangan na magkaroon ng trabaho upang maitawid ang araw-araw na pamumuhay.


Gayunman, para sa mga beshy nating nagsisikap na magkaroon ng career growth, tiyak na makakatutulong ang mga ito sa inyo. Okie? Good luck, ka-BULGAR!


 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| December 21, 2021





Marami nang excited dahil ngayong taon, pinapayagan na ang pagdaros ng Christmas party sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.


Ang mga selebrasyon sa workplace o kasama ang pamilya, puwedeng-puwede na ‘yan, basta fully vaccinated ang mga dadalo at susunod sa mga health protocols.


At dahil kailangang sumabay sa “new normal”, ang tanong, anu-ano ang ligtas na paraan para makapagdiwang ng Christmas party?


1. OUTDOOR. Inirerekomenda ng Department of Health (DOH) na gawing outdoor ang venue kung posible nang sa gayun ay hindi maging crowded ang lugar. Kung indoor naman, pinatitiyak na bukas ang pinto at mga bintana, gayundin, kailangang may exhaust fan upang maayos ang daloy ng hangin.


2. FACEMASK. Yes, mga beshy! Kinakailangan pa ring mag-facemask ng mga dadalo, lalo na kung may mga palaro at kung kakain naman, oks lang itong tanggalin. Ipinaalala rin ang palaging paghuhugas ng mga kamay o paggamit ng alcohol o hand sanitizers.


3. STREET PARTY. Kung balak magsagawa ng street party, ipinaalala ng mga awtoridad na kailangang may basbas o approval ito ng lokal na pamahalaan.

4. GAMES & ACTIVITIES. Bagama’t hindi ipinagbabawal, hindi hinihikayat ang mga aktibidad na may pakanta o pagsigaw.


5. CAROLING. Bukod sa kailangang bakunado ang mga mangangaroling, dapat naka-facemask kahit kumakanta, gayundin, kailangang may physical distancing.


Ibang-iba man sa nakasanayan nating paraan ng pagdaraos ng Christmas parties, good news pa rin dahil puwede nang mag-celebrate.


Pero siyempre, hindi natin puwedeng kalimutan ang mga paalala at umiiral na protocols dahil lahat ng ito ay para sa ating kaligtasan. Okie?


 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| December 14, 2021





Tuwing Kapaskuhan, nakasanayan na ng marami sa atin ang umuwi sa probinsiya upang doon ipagdiwang ang holiday season kasama ang buong pamilya.


Ngunit sa nakalipas na taon, hindi naging madali ang pagbiyahe dahil sa mga restriksiyon bilang pag-iingat dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.


Ngayong lumuluwag na ang mga restriksiyon sa pagbiyahe dahil na rin sa pagbaba ng COVID-19 cases, inaasahan ang maraming bilang ng biyahero na patungong probinsiya.


Pero hindi na ito tulad ng dati na halos magkapalitan na ng mukha ang mga nais

bumiyahe, kaya ang tanong, anu-ano ang mga dapat asahan at gawin kung babiyahe ngayong Kapaskuhan?


1. MAAGANG PAG-BOOK NG TICKET. Dalawang araw o 48 oras bago ang schedule ng biyahe, tiyaking naka-book na ang ticket. Sa ngayon, 50% lamang ang kapasidad ng provincial bus na may malayong biyahe. Kung galing naman sa Metro Manila at papunta sa mga karatig-probinsiya nito, 70% ang kapasidad, depende sa requirement ng local government unit (LGU).


2. COVID-19 TESTING. Bilang pag-iingat, may ilang lokal na pamahalaan na nagre-require ng COVID-19 antigen test bago bumiyahe. Gayunman, may mga LGU rin na tumatanggap ng COVID-19 vaccination certificate o S-pass.


3. PARA SA ‘DI BAKUNADO. Kung hindi pa bakunado laban sa COVID-19, may ilang LGU na humihingi ng RT-PCR test na kinuha 72 oras bago ang biyahe.


4. HEALTH PROTOCOLS. Kaya may limitadong kapasidad sa bawat bus ay upang masunod ang minimum health protocols tulad ng social distancing. Kaya ‘pag sinabing bawal magtabi, bawal talaga, besh. Gayundin, ‘wag kalimutan ang tamang pagsusuot ng facemask at palaging paglilinis ng mga kamay.


‘Ika nga, kailangan nating sumabay sa “new normal” o ang mamuhay nang nasa paligid ang virus, kaya naman kinakailangan ang mga pag-iingat upang maiwasan ang sakit.


Kaya kung isa ka sa mga ka-BULGAR nating babiyahe ngayong Kapaskuhan, make sure na hindi mo kalilimutan ang mga tips at pag-iingat na ito para sa ligtas na biyahe. Okie? Ingat!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page