top of page
Search

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 1, 2024





Mga Ka-BULGARians, kapit lang at ihanda na ang inyong sarili kasi bonggang kuwentuhan ito! 


Ang nag-iisang Star for All Seasons, si Ate Vi, ang legendary Vilma Santos-Recto, ay bidang-bida sa Vilma Santos: Woman, Artist, Icon (The Vilma Santos Retrospective) sa University of Santo Tomas (UST) kamakailan. 


At gurl, hindi ito basta tsikahan lang, ha! Parang spill-the-tea na chikahan with a touch of hugot at wisdom!


Kung akala n'yo ay kilala n'yo na si Ate Vi, aba, pack-up muna dahil wrong ka d’yan, dai! Ang dami niyang pasabog mula sa career niya bilang aktres hanggang sa kanyang rollercoaster ride sa pulitika. Kaya umupo na’t magbasa kasi ito na ang mga highlights ng gabing ‘yun.


Eto na nga, mga ateng. Aminado si Ate Vi na hindi puwede ang charing sa pulitika. Ang pulitika ay ibang-iba sa glamour ng showbiz. Kung sa showbiz ay todo-VIP treatment at ka-level ng royalty ang peg, ibang-iba raw ang eksena sa public service. 


“Sa showbiz, malaki ang kinikita ko, pero bilang public servant, kami pa minsan ang naglalabas ng sariling pera sa pagtulong,” sey niya. 


Oh, ‘di ba, dedma na ang chika na ‘pera-pera lang ang pulitika'.


At eto pa, mga nini! Apat na beses nang inalok si Ate Vi na maging bise-presidente, mula pa noong panahon ni Pangulong Joseph  ‘Erap’ Estrada hanggang sa eksena ni Gloria Macapagal-Arroyo. 


Pero ang sagot niya, “Pass muna, mga dai! Bakit? Ang paglilingkod ay hindi para sa posisyon o titulo, kundi pagsasakripisyo para sa mga pinaglilingkuran."


Kaya kahit noong dapat ay magre-retire na siya bilang gobernador ng Batangas, tumakbo ulit siya bilang re-electionist dahil gusto niyang tapusin ang mga nasimulan niya. 


Taray, 'no? Walang unfinished business, besh!


Sinabi rin ni Ate Vi na magkaiba ng eksena ang showbiz at pulitika. 


“Masarap maging artista. Sikat ka na, ang taas pa ng bayad sa ‘yo. You get special treatment in everything. Kaya lang, ‘pag naging public servant ka, masasakripisyo ‘yun,” kuwento niya.


Dagdag pa niya, ibinilin niya kina Luis Manzano at Ryan Recto na kung wala sila sa tamang mindset para magsakripisyo, aba, huwag munang pumasok sa pulitika. 

“Politics is very different from show business. Sa showbiz, special ang treatment nila sa ‘yo, pero pagpasok mo sa pulitika, ibang usapan na ‘yun,” sey ni Ate Vi. 


Kaya kung kulang ang puso, eh, di mag-commercial na lang daw muna ng hotdog, mga dai!


Nakaka-wow talaga si Ate Vi, kasi pati ang mga Gen Z ay todo-bow at speechless sa kanya.


Ang iconic films niya tulad ng Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa? (BBPKG), Tagos sa Dugo (TSD), Dekada '70 at Ekstra ay hindi lang na-appreciate ng mga bagets, kundi naging life lessons pa! Imagine mo, habang ikinukuwento niya ang journey niya bilang aktres, ramdam ng lahat ang energy at passion ni Ate Vi.


At gurl, kahit daw maliit siya sa height, kahit ang mga brusko ng Batangas, tiklop kapag si Ate Vi na ang nagsalita.


“‘Pag si Ate Vi na ang nagsalita, iba talaga!” sey nga ng mga students.

Ang pinaka-wisdom bomb ni Ate Vi? Hindi raw mahalaga ang posisyon o titulo. Ang mahalaga ay ang buong puso sa ginagawa. Kaya naman kahit sa showbiz o pulitika, Ate Vi is a queen!


Aminado si Ate Vi na sobrang saya niya sa pag-arte. Sa dami ng iconic roles niya, isa sa pinaka-favorite niya ay ang pagiging Darna. 


“I think I enjoyed doing Darna because I had a lot of fun. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon maging Darna. I really had fun doing it. Also, Dyesebel,” kuwento niya. 


Aba, hindi lang pang-Filipina superhero, kundi pang-Grand Slam Best Actress din si Ate Vi! Apat na beses niyang nakuha ang titulo ng pagka-Grand Slam Best Actress. 


Sa huli, ipinakita niya kung bakit mahal na mahal siya ng masa. Hindi kayamanan o kapangyarihan ang habol niya, kundi genuine na pagmamahal mula sa mga tao. 


Kaya naman wala nang makakatalo kay Ate Vi — tunay siyang Star for All Seasons at Queen for All Generations!! ‘Yun na! Ambooolancia! #CertifiedVilmanian #Talbog


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 30, 2024





Eyyy, mga Ka-BULGARians! Knowsline n’yo pa ba ang sosyalera at talented na si Awra Briguela? 


Lately kasi ay muli siyang naging usap-usapan online, at this time, hindi lang tungkol sa kanyang bonggang career kundi pati na rin sa kanyang love life. 


Matapos ang balita ng hiwalayan nila ng kanyang ex-boyfriend, isang witty comment mula sa isang netizen ang biglang nag-trend. Ang sabi nito, kahit daw ‘hindi pa tuli’ si

Awra, super-atat na raw itong magka-boyfriend. 


Pak, ganern! Natural, ang comment na ito ay nagdulot ng halong tawanan at intriga sa mga Marites sa socmed (social media).


Pero wait, mga nini, hindi lang tungkol sa chismis ng love life ang latest kay Awra. Sa kabila ng drama sa relasyon, super shining and shimmering si Awra pagdating sa kanyang personal growth. 


Kamakailan, sa celebration ng Magpasikat 2024 para sa 15th anniversary ng It’s Showtime (IS), nagbigay siya ng isang touching na mensahe ng pasasalamat kay Meme Vice Ganda.


“Thank you so much, Meme. You are also one of the big parts of why I went back to school. Because I only heard the words, ‘I believe in you,’ from him,” ani Awra, na talaga namang kinilig ang studio audience.


Dagdag pa niya, “This time, I’m doing really, really better for myself. I really want to make up for the things I don’t deserve. And I don’t want to disappoint those who trust and love me.”

Bongga, ‘di ba? Kasalukuyang estudyante si Awra sa University of the East (UE) Manila, at proud siyang i-flex ang kanyang pagiging estudyante. 


Pero hindi ito smooth-sailing para sa ating millennial star. Nang mag-post siya ng mga litrato suot ang kanyang uniform skirt, na-trigger ang ilang keyboard warriors at nagkalat ng discrimination online. 


Pero siyempre, hindi papatalo si Awra. Back-up agad ang kanyang school at student council, na sinabing inclusive at supportive ang kanilang komunidad sa mga estudyanteng nagpapahayag ng kanilang gender identity.


Ayon pa kay Meme Vice, “The UE community is very supportive of wearing a uniform that students choose based on their gender identity. UE is very progressive, thank you very much.”

Kuda naman ng mga LGBTQIA+ supporters: “UE for the win!”

Pero hindi rin pinalampas ni Awra ang pagkakataon para aminin ang ilang lapses sa past. 


Sa isang vlog nila ni Vice, naging open siya sa pag-take ng accountability sa mga pagkakamali niya, kasama na ang kontrobersiyal na bar incident. 


Chika niya, nagbago na siya at super-focus ngayon sa pag-aayos ng sarili at sa pag-achieve ng kanyang mga pangarap.


Sey nga ni Awra, “Paganda, pagaling, at paangat lang ang peg!”


Ngayon, habang nagba-balance ng school life at showbiz career, halatang inspirado si Awra. At kahit pinag-uusapan ang kanyang next love story, ang highlight pa rin ng kuwento niya ay ang kanyang determination na bumangon at patunayan ang sarili.


Ang tanong ng mga Marites, ready na kaya ulit magka-love team ang ating gurl? 

Abangan na lang natin ang susunod na kabanata sa Awra Cinematic Universe! ‘Yun na! Ambooolancia! #Talbog


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 28, 2024





Determinado ang aktor na si Baron Geisler na bumili ng bahay sa Maynila para mas mapalapit sa kanyang anak na si Sofia sa aktres na si Nadia Montenegro.


Gusto niyang mas makasama ito habang patuloy niyang binabalanse ang kanyang karera at personal na buhay. 


“Ang hirap kasi talaga,” ani Baron sa isang panayam. “Malayo ako sa anak ko. Kaya naman talagang goal ko na magka-bahay sa Manila para mas madalas ko siyang makasama,” ani ng aktor. 


Sa ngayon, sa Cebu siya naninirahan kasama ang kanyang asawang si Jamie at ang kanilang anak na kahawig na kahawig ni Sofia.


Humahataw ang career ni Baron sa taong 2024 at tila mas blooming pa ang karera niya sa susunod na taon. 


May tatlo siyang major films na naka-lineup, plus isang action-drama series na magdadala sa kanya sa iba't ibang bansa para mag-shooting. 


Sa ABS-CBN pa lang, todo-todo ang chika dahil makakasama siya sa isang bagong serye na aabot umano ng siyam na buwan ang taping. Puwedeng umabot pa ito hanggang bago matapos ang 2025!


Hindi rin nagpapahuli ang Netflix, na nagbigay sa kanya ng malaking break sa pelikulang Doll House


Malapit na ring ilabas ang bago niyang pelikula, ang The Delivery Rider na posibleng mag-premiere sa katapusan ng Nobyembre o sa unang bahagi ng Disyembre.


“Ang character ko dito, may high-functioning autism,” pagbabahagi ni Baron. 

Ayon sa kanya, ang director niya mismo ang nagsabi na magpahinga muna siya mula sa mabibigat na roles. 


“‘Your psyche might be affected, your mental health,' sabi niya sa akin, kaya I chose this role na mas grounded.”


Isa pang pasabog, isang historical film tungkol kay Juan Luna ang kasalukuyang nasa pre-production. Ito ay isang bagong hamon para sa kakayahan ni Baron. Si Sir Roy Iglesias na mismo ang gagawa ng script, at ang team na nasa likod ng award-winning film na Quezon’s Game ang magpo-produce.


Ayon kay Baron, “We won’t be showcasing the darker parts of his story. There are interesting quirks, but we’ll focus on his brilliance and how he became a pioneer.” 


Excited si Baron na gumanap bilang national hero, lalo’t madalas siyang mapili bilang Spanish character sa mga pelikula tulad ng El Presidente at Baler


“I’m praying this one pushes through.”


May isa pang major movie na dapat abangan, ang Danggo, isang obra na isinulat ni Ellis Catrina at idinirek ng magaling na si Catherine “CC” O. Camarillo sa ilalim ng Pocket Media Films. Bida rito sina Cedric Juan, Bianca Umali, Alice Dixson, Baron Geisler at ang legendary na si Tirso Cruz III.


“Eto na, mga Ka-BULGARians!” chika ni Baron. “Grabe ‘tong role ko, dual character, ha! Ibang level talaga ang Danggo. Maganda ang kuwento, at ang daming drama and action moments na swak sa puso at panlasa ng mga moviegoers. I’m so grateful na maging part ng project na ito.”


Kasalukuyang gumigiling ang mga cameras sa shooting ng Danggo at inaasahang ipapalabas nationwide sa unang bahagi ng 2025.


Habang abala sa trabaho, aminado si Baron na mahalaga pa rin ang pamilya niya. Gusto niyang tiyaking maayos ang lahat para mas madalas niyang makita si Sofia, pati na rin ang anak niya kay Jamie.


Sa gitna ng lahat ng chika at projects, malinaw ang focus ni Baron — maging responsableng ama habang nagpapakita ng galing sa larangan ng pelikula. 


Walang duda na bongga ang 2024 para kay Baron, at mukhang mas marami pa siyang pasabog na hatid sa mga susunod na taon.

‘Yun na! Ambooolancia! #Talbog

 
 
RECOMMENDED
bottom of page