top of page
Search

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 9, 2024




Mga ka-BULGARians, heto na nga ang latest chika ng inyong Chairman ng Chikahan. 

Sa isang nakakagulat na ganap, ang kilalang aktres at businesswoman na si Neri Naig-Miranda ay napaulat na ibinebenta ang kanyang mga ari-arian upang ma-settle ang kanyang mga utang. 


Pero ang balitang ito ay mabilis na nag-spark ng chismisan at espekulasyon sa hanay ng kanyang fans at publiko. 


Kilala si Neri bilang pribadong tao pagdating sa kanyang personal at financial na buhay, kaya ang pangyayaring ito ay talaga namang ikinagulat ng marami.


Ayon sa mga sources na malapit kay Neri, ang desisyon niyang magbenta ng properties, kabilang na ang ilang real estate ay resulta ng matinding pressure mula sa lumalaking financial obligations. Keri lang daw, pero ramdam ang bigat ng sitwasyon kaya’t napilitang mag-take ng drastic measures ang aktres para maresolba ang kanyang mga utang.


Si Neri, na kasal kay Chito Miranda ng Parokya ni Edgar, ay kilala bilang isang madiskarteng negosyante, wais na wais. Sa katunayan, matagumpay niyang napalago ang ilang negosyo tulad ng sa beauty, fashion, at real estate. 


Pero ayon sa mga haka-haka, tila hindi naging pabor ang tadhana sa ilan niyang investments. May tsismis na ang ilan sa kanyang ventures ay nalugi o hindi nag-deliver ng inaasahang returns.


Bagama’t walang official na pahayag mula kay Neri, may nagsasabing ang financial na problema ay dulot ng ilang maling desisyon o hindi inaasahang setbacks sa negosyo.


Sabi ng ilang Marites, “Baka naman na-overwhelm sa dami ng sabay-sabay na negosyo?” 


Pero knowing Neri, tiyak na pinag-iisipan niyang mabuti ang bawat hakbang para makabangon.


Sa gitna ng kontrobersiya, always on point ang support ng kanyang family and closest friends. 


Ang lahat sa paligid ni Neri ay nananatiling supportive. Ang mister niyang si Chito ay present na present daw bilang strong support system. 

Ayon pa sa source, “Neri is doing everything she can to handle this with grace and professionalism.” 


Kaya sa kabila ng intriga, kitang-kita ang pagiging fighter ni Neri. As usual, hindi mawawala ang sari-saring reaksiyon mula sa mga tao. Ang ilan, todo-suporta at simpatya. Ang iba naman, medyo “hmmm...” at ang tanong, kung ang pagbebenta ng properties ay dahil ba sa sapilitang pangangailangan o under duress ba ito? 


Ang tanong ng ilan, “Gaano kalaki ang utang na kailangan pa ng bentahan ng properties?”

Sa kabila nito, marami pa rin ang humahanga sa pagiging transparent at responsible ni

Neri. 


Ang sabi pa ng isang fan, “Hindi madaling magdesisyon nang ganito, pero saludo ako na inuuna n’ya ang pagkakabawas sa utang.”


Ang ganitong ganap ay isang hamon sa mga celebrities at reminder na kahit mga sikat na personalidad ay hindi ligtas sa financial struggles. Kahit successful sa maraming aspeto, ang maling diskarte sa investments o biglaang setbacks ay puwedeng magdala ng malaking problema.


Habang wala pang detalyeng inilalabas si Neri tungkol sa pagbebenta ng kanyang properties, malinaw na ginagawa niya ang lahat para makaahon. 


Kaya abangers na lang tayong lahat sa mga susunod na ganap sa teleserye ng totoong buhay ni Neri Naig-Miranda.


‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #Talbog



Isang bonggang paalala ang iniwan ni Maricar Reyes-Poon sa kanyang post kamakailan. Minsan nang napasabak si Maricar sa kontrobersiya at iskandalo noon ngunit ngayon ay kinikilala na siya bilang inspirasyon sa mga taong gustong bumangon mula sa kanilang mga pagkakamali.


Sa kanyang post, binigyang-diin ni Maricar ang kahalagahan ng pag-ako sa mga pagkakamali at paggamit nito bilang hakbang tungo sa pagbabago. 

Aniya, “The pain & shame of a mistake can be the first step towards the best & wisest version of yourself. Life is a marathon, not a sprint. Take full accountability, learn well & finish strong.”


Ang mga netizens, of course, hindi nagpahuli sa pagsuporta. Isa na rito ang nagkomento ng, “Well said, Maricar Reyes-Poon. Continue to be a guiding voice and inspiration for women, especially those who need second chances. Our mistake in life does not define us nor is the final chapter. Being accountable of our action is a courageous thing to do. Learning and moving forward is the only way to go!”


Tila may koneksiyon ang mensahe ni Maricar sa current situation nina Maris Racal at Anthony Jennings. Usap-usapan din kasi ngayon ang naging isyu ng cheating. Ang dalawa ay nadawit sa mga tsismis at kontrobersiya na umikot sa kanilang pagkaka-link at nagdulot ng mga chika sa social media. 


Kung titingnan, swak na swak ang mensahe ni Maricar para sa ganitong sitwasyon. Ang kanyang paalala ay nagbibigay-liwanag na ang mga pagkakamali—kung mananatiling responsable at matututong humakbang palayo rito—ay hindi dapat magtakda ng kung sino tayo bilang tao.


Ito ay real-talk para sa mga ‘beshie’ na nalalagay sa kahiya-hiyang sitwasyon.

Para sa mga atengs at ninis nating dumadaan sa mabibigat na pagsubok, gustong iparating ni Maricar na hindi overnight ang pagbabago. Kung ma-feel mo na ang ‘Katrina’ vibes o kahihiyan, tandaan na ang buhay ay isang mahabang karera. Walang perfect sa unang takbo, ngunit sa tamang diskarte at pag-ako ng responsibilidad, you can still finish strong!


Maraming fans ngayon ang kinikilala si Maricar bilang isang ehemplo ng pagbabalik-loob at pagbabago. 


‘Ika nga nila, “Keri lang ang pagkakamali, basta may kasunod na growth at accountability!” 


Sa huli, tama ang sabi ni Maricar—ang bawat hakbang ay oportunidad para maging mas mabuting bersiyon ng iyong sarili. 


‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #Talbog



 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 8, 2024





Kapit na mga Ka-BULGARians, dahil ito ang tsikang inaabangan nating lahat! 

Ang Chinita Princess na si Kim Chiu ay magbibida sa isang pelikula na tiyak na magpapakilig, magpapaiyak, at magpapasabog ng intriga. 


Pero ang mas nakakabaliw dito? Kasama niya sa proyekto ang rumored boyfriend niyang si Paulo Avelino at ang kanyang dalawang ex-boyfriends na sina Gerald Anderson at Xian Lim! Ano na lang ang eksena sa set, ‘di ba?


Unang nagliyab ang balita tungkol sa tambalan nina Kim at Paulo nang gumawa sila ng kanilang unang serye. 


Ang fresh ng pairing, agad na kinilig ang mga fans. Ang chemistry nila, besh, hindi lang

pang-screen, sabi nga ng ilan, parang may something real sa likod ng kamera. 


Dahil sa tagumpay ng kanilang tambalan, dalawang major networks ang nagkaisa para buoin ang proyekto—isang pelikulang pagsasama-samahin sina Kim, Paulo, Xian at Gerald!


“Ang lakas maka-makjang drama!” ang sabi ng mga netizens na unang nakarinig ng tsismis. Kuwento ng pelikula? Si Kim ay gaganap bilang isang babaeng nahaharap sa matinding desisyon: pipiliin ba niya ang kanyang kasalukuyang pagmamahal na ginagampanan ni Paulo, o ang dalawa niyang ex na biglang bumalik sa kanyang buhay? 


Beshie, ‘di ba ang hirap mamili kung ganyan kaguguwapo ang options mo?


Si Gerald Anderson, na unang nakilala bilang ka-love team ni Kim noong kanilang Pinoy Big Brother (PBB) days, ay may malaking papel sa pag-usbong ng karera ni Kim. Young love, first heartbreak, at lahat ng feels na ‘yan, sigurado kaming dadalhin ulit sa screen. 


Meanwhile, si Xian naman, na matagal ding naging ka-partner ni Kim onscreen at offscreen, ay magpapakita ng chemistry na alam ng lahat na hindi matitinag.

Pero ito na ang tanong, mga teh - sino nga ba ang pipiliin ni Kim sa huli? Ang bagong pag-ibig na si Paulo, ang OG love na si Gerald, o ang malalim na koneksiyon kay Xian? 


Ang pelikula, na tinaguriang isa sa pinakamalaking proyekto ng Philippine cinema sa susunod na taon, ay garantisadong magdadala ng kakaibang kilig at drama sa mga manonood. 


Ang mga fans ng #KimErald, #KimXi, at #KimPau ay sabik nang makita ang chemistry ng apat na bigating bituin. 


Pero hindi lang para sa kanila ito, para rin ito sa mga naniniwala sa second chances, sa pagmamahal na hindi nasusukat ng panahon, at sa mga bagong simula.


Ang production team ay tila may pasabog din sa likod ng kamera. Maraming nagtataka kung magkakaroon ba ng real-life sparks sa pagitan ng alinman sa apat, lalo na sa pagitan nina Kim at Paulo na sobrang close sa isa’t isa ngayon. 


Ang mga ganitong tanong ay dagdag-intriga na tiyak magpapainit ng usapan sa social media.


Kaya mga nini, abangan natin ang pelikulang ito dahil siguradong magiging emotional rollercoaster ito na hindi natin makakalimutan.

‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #Talbog



BONGGANG-BONGGA ang naging performance ng Magic Voyz sa kanilang latest show na ginanap kamakailan sa Viva Café. Talaga namang pasabog ang kanilang concert, puno ng energy, charisma, at sex appeal na kinagigiliwan ng kanilang mga tagahanga. 

Isa sa mga highlights ng kanilang show ay ang paggamit ng live band, na dagdag-chika raw sa kanilang overall performance. Ayon sa grupo, malaking tulong ang banda para mas maramdaman ang realness ng kanilang pagkanta. 


“‘Yung live na live, feel na feel mo talaga!” sey ni Johan Shane.

Hindi rin nagpahuli ang grupo sa kanilang tinitiliang opening number na literal na nagpataas ng kilay at nakapagbigay ng matinding excitement sa audience. Nagpasiklab sila sa kanilang burlesque-inspired na dance performance, na may halong machismo at sex appeal. Kaya naman, certified bet na bet sila ng kanilang mga fans.


Bukod sa kanilang pisikal na pang-akit, ipinagmamalaki rin nila ang kanilang malaking ‘talent’ sa musika at pagsayaw. 


“‘Di lang kami looks; talentado rin kami,” hirit ni Jhon Mark Marcia, sabay ngiti na nakakapagpatibok ng puso.


Ayon pa sa Magic Voyz, bawat segment ng kanilang show ay pinag-iisipan nang mabuti. Special mention nila ang kanilang manager na si Lito de Guzman, na siyang nag-conceptualize ng pagkakaroon ng live band sa kanilang mga performances.


Proud din ang grupo sa kanilang plano na mag-level-up pa lalo sa kanilang karera. Pangarap nilang makapag-perform sa mga malalaking venues tulad ng Araneta Coliseum. 


“Balita ko, next na ang Araneta. Nangangarap lang po. Libre naman po ang mangarap,” kuwento ni Jace Ramos na sinamahan pa ng pa-cute na ngiti.


Bukod sa Araneta, naghahanda na rin sila para sa mas malaking stage sa Music Museum sa susunod na taon. 


Sa kanilang Magic Voyz: The Repeat, hindi lang ang grupo ang nagpakitang-gilas, tampok din ang mga naggagandahang sex sirens tulad nina Marianne Saint, Krista Miller, Yda Manzano, Megan Marie, at Ram Castillo. Kasama rin ang Jo and D Holy Notes na nagbigay ng musical performances na lit na lit!


Ang grupo ay binubuo nina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Asher Diaz, at Johan Shane. Ang kanilang chemistry at dedication ang dahilan kung bakit sila patuloy na minamahal ng kanilang fans.


Abangan ang mas pasabog na Magic Voyz sa kanilang mga future shows.

‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #Talbog


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 6, 2024





Mga ka-BULGARians, beshy, at mga ateng — handa na ba kayo sa ultimate experience na may kasamang sci-fi twist ngayong Pasko? 


Finally, ang pinakaaabangang tambalang Francine Diaz at Seth Fedelin ay magpapakilig na sa kanilang kauna-unahang pelikula, ang My Future You, na pasok pa sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF)! Bongga, ‘di vaaah?


Sa direksiyon ni Crisanto B. Aquino at produksiyon ng Regal Entertainment, ang pelikulang ito ay hindi lang basta rom-com — may halong mind-blowing na sci-fi twist na pang-international ang peg! 


Ang tanong, paano nga ba ikukuwento ang isang pag-ibig na konektado ng dalawang panahon? Oh, ‘di ba, parang blockbuster vibes na agad?


Kilalanin sina Karen (Francine Diaz) at Lex (Seth Fedelin), na magkaibang panahon ang ginagalawan—15 years apart, mga sis! 


Ang kanilang kakaibang koneksiyon ay nag-ugat sa isang mahiwagang kometa at isang mysterious dating app na parang AI (artificial intelligence) meets destiny. 


Pero teka, mga Mars, hindi ito simpleng swipe-swipe lang, ha! Habang sinusubukan nilang baguhin ang nakaraan para sa mas magandang kinabukasan, natutuklasan nilang ang bawat desisyon ay may kabuntot na consequences.


“Hindi ko masabi na s’ya ang future ko. Siguro, ang gusto kong sabihin ay — sana, s’ya ang future ko. Ang nasa isip ko, sana s’ya ang future ko,” ani Seth na talagang ramdam na ramdam ang hugot.


“Hindi ko naman po kasi hinahanap ang magiging future ko. Siguro kaysa sa sabihin kung natagpuan, mas masasabi ko na mas nararamdaman ko na parang s’ya na,” dagdag pa ni Francine. 


Oh, ‘di ba? Parang destiny unlocked!


Ayon naman kay Francine, hindi lang daw tungkol sa pag-iibigan ang pelikula. 

“Hindi kami nag-focus sa kung ano lang ang kilig na mayroon kami. Marami s’yang mata-tackle na story about sa family, sa sarili po, and of course sa special someone. Para po sa ‘kin, siguro, isa sa mga aabangan n’yo kami, mas mature version na, hindi na talaga s’ya para maglaro ng characters.”


Hindi maikakaila, mga Mare, na ang tambalan nina Francine at Seth ay on fire! Sa kanilang interviews, ramdam ang totoo. 


Sey pa ni Seth, “Masaya ako. Kuntento ako. At peace ako sa sarili ko, so baka nga... s’ya!” 

Dagdag pa niya, “Hindi kami nagmamadali, ‘di kami nakikipagkarera. Pinagtitibay namin ang pundasyon namin kasi gusto ko, marami pang taon ang pagsamahan namin.

Mamahalin ko ang babaeng ito,” sabay turo at tingin kay Francine, “kasi deserved n’yang mahalin s’ya.”


Oh, juz mio, sino ba naman ang hindi kikiligin sa ganitong sincerity, mga nini? 

Sagot naman ni Francine, “Ang gusto ko naman sa future ko ay ‘yung hindi masyadong romantic. Mas gusto ko ‘yung parang best friends kayo. Pareho n’yong ine-enjoy kung ano ang meron kayo together.”


Parang perfect combo, ‘di ba? Sila na ba talaga ang bagong power couple ng Gen Z?

Kung akala n'yo, pa-sweet lang ang pelikula, aba, nagkakamali kayo! Kasama rin sa cast ang mga bigating artista tulad nina Almira Muhlach, Christian Vasquez, Peewee O’Hara, Bodjie Pascua, Marcus Madrigal, Vance Larena, at Mosang. Siguradong dudurog ng puso at magpapatawa ang kanilang mga performance.


Kaya ano pa ang hinihintay n'yo? I-set na ang barkada goals ngayong Pasko at samahan si Karen at Lex sa kanilang kakaibang kuwento ng pag-ibig na konektado ng panahon na showing sa mga sinehan nationwide simula December 25, 2024. 


Huwag magpahuli sa kilig at feels na ito. Sana all, may future, mga besh!

‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #Talbog 




 
 
RECOMMENDED
bottom of page