top of page
Search

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 12, 2024





Bongga! Isa na namang Pinoy ang gumawa ng marka sa mundo ng musika. 

Si Sofronio Vasquez, ang dating Tawag Ng Tanghalan (TNT) semi-finalist sa It’s Showtime (IS) ay ang kauna-unahang Pilipino at Asian na nanalo sa prestihiyosong The Voice USA matapos ang 26 seasons nito.


Ito ang journey ni Sofronio, mga Ka-BULGARians, from local stage to global spotlight. Bago siya naging ultimate bet ng Amerika, si Sofronio ay nakilala bilang ‘King of Versatility’ ng TNT


Sa kabila ng kanyang paglalakbay sa mga lokal na singing contests gaya ng The Voice Philippines (TVP), hindi naging madali ang kanyang daan patungo sa tagumpay. Kung tutuusin, hindi pa nga siya umabot sa grand finals ng TNT noong 2019, semi-finals lang, mga Mars! (Kumusta naman kaya ang judging ng TNT kumpara sa The Voice USA judges, aber?). 


Ganunpaman, pinatunayan niya na hindi hadlang ang pagkatalo para makamit ang pangarap.


Pinabilib ni Sofronio ang mga hurado ng TNT sa kanyang mala-butter na boses at pagiging game sa iba’t ibang genre — pop, R&B, jazz, rock, at standards. Dahil sa talento niyang ito, nagkaroon din siya ng sariling kanta, ang Bakit Hindi Ko Sinabi sa ilalim ng ABS-CBN Music.


Pero hindi ru'n natapos ang kuwento niya. Kumbaga, parang Phoenix na muling bumangon si Sofronio, at ngayon, hindi lang Pilipinas ang kanyang pinahanga kundi pati buong mundo. 


Bigating mentor, bigating tagumpay ang drama ng ating kababayan.

Sa The Voice USA, naging mentor ni Sofronio ang international superstar na si Michael Bublé. Ani Bublé, “America, please lend your ears and vote to this man! He is the real deal. HE IS THE VOICE!” 


At hindi nga binigo ni Sofronio ang kanyang coach at fans. Sa grand finals, binirit niya ang A Million Dreams mula sa The Greatest Showman (TGS) — isang performance na talagang humugot ng emosyon mula sa mga manonood.


Ang pagkapanalo ni Sofronio sa The Voice USA ay isang malaking tagumpay ng lahing Pilipino. Ngayong siya na ang Grand Winner ng The Voice USA, hindi lang si Sofronio ang panalo kundi ang buong sambayanang Pilipino. Isa siyang patunay na kahit saang bahagi ng mundo, ang talentong Pinoy ay walang kapantay.


Ang kanyang kuwento ay paalala sa atin na kahit ilang beses ka mang mabigo, hindi ito katapusan ng laban. Tulad ng kanyang boses na tila umaabot hanggang langit, ang kanyang pangarap ay lumipad din sa kabila ng mga pagsubok.


Isa lang ang masasabi natin — angat na angat ang Pilipinas dahil kay Sofronio Vasquez, ang boses ng bagong henerasyon at ng American dream. Pak! 


Huge congratulations, Sofronio Vasquez!

Mabuhay ka. ‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #MaritesInChief #Talbog


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 11, 2024




Si Rico Blanco, mga Ka-BULGARians ay isang patunay na meron pa talagang lalaki sa mundo na kayang magmahal nang totoo, mag-settle at makuntento sa iisang babae. 


Hindi siya nagpatalo sa mga chismaks kahit pa may malaking age gap sila ng jowa niyang si Maris Racal noon. Sa halip, nag-focus siya sa kaligayahan ng partner niya — kasi ‘yun ang mahalaga sa kanya. Bet mo ‘yun?


Pero ang pinakabongga rito, hindi siya nagpaka-toxic sa past relationship niya. Kahit pa siya ang nasaktan, iniwan at ginawang kontrabida sa kuwento, hindi niya kailanman sinira ang pangalan ng ex niya, ni hindi siya nag-broadcast ng hanash o reklamo, bagkus, inirespeto pa rin niya ang pinagsamahan nila, ginamit niya ang sakit bilang gasolina para mag-move on. 


Sino ba'ng kayang tumulad sa ganyang level ng maturity? Saludo!


Ateng, good guys always lose nga ba? Mga Mars, kahit gaano ka pa ka-faithful at ka-loyal, hindi ‘yan laging sapat. Kung ang partner mo ay hindi pa ready mag-settle, walang amount ng pagmamahal ang makakapilit sa kanya. 


Si Rico, aware na siya sa malamig na vibes ng ex niya — alam niya na may something, pero imbes na magwala o mag-waging war, tumahimik siya. Hindi niya sinayang ang energy niya sa drama na walang pupuntahan.


Kung tutuusin, ang breakup nila ay isang disguised blessing. The pain that Rico felt ay naging gateway niya sa mas marami pang blessings sa buhay niya. 


Ang sakit ay minsang tool ni Lord para alisin ang mga maling tao sa buhay natin. Alam ni Rico ‘yan. Imbes na magpaka-nega, nag-focus siya sa sarili. Nag-travel siya, nagpakaartista feels, at lalo pang ginalingan sa kanyang musika. Hindi niya hinayaang kainin siya ng lungkot, nag-level-up siya! 


Sino pa ba'ng effortless crush ng bayan kundi si Rico?


Sabi nga ni Rico, “Time will reveal everything.” 


Truly, oras talaga ang ultimate truth teller. Kaya hindi siya nagmadali sa pagkuha ng closure. Sapat na ang nararamdaman niya para mag-move forward. 


At ang chika? Kahit masakit, siya na mismo ang nag-decide na bitawan ang taong hindi na para sa kanya. Ang maturity ni kuya, pang-international levels!


Rico Blanco is an epitome of a modern gentleman. Napakapalad ng susunod na makakarelasyon niya. #AlamNaThis


Ang mundo ng showbiz ay puno ng ingay at intriga, pero si Rico, steady lang. Ang sakit ng betrayal, ang trauma ng heartbreak — hinarap niya lahat nang may dignity. Wala siyang ginawang eksena, kundi ginamit ang panahon para maghilom.


Kaya mga nini, si Rico Blanco ay hindi lang isang magaling na musikero, kundi isang perfect gentleman. Pogi na, talented pa, mature pa! 


If this isn’t a main character energy, ewan ko na lang. Truly, Rico Blanco deserves all the accolades. Saludo kami sa ‘yo, Rico! Mabuhay ka! 



 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 10, 2024





Sa isang intimate event na dinaluhan ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada kamakailan, ibinahagi ni Alex ang kanyang bagong journey. At hindi lang basta journey, kundi ang pagiging full-time support system ni Alex sa kanyang asawa na kasalukuyang tumatakbong vice-mayor ng Lipa City, Batangas.


Ipinakilala ni Alex ang mister sa lahat ng people na present sa gathering na kanilang dinaluhan. 


“This is my first time introducing my husband to you, guys. We got married during the pandemic,” ani Alex.


Sa mga kasalukuyang kaganapan, tila ‘chill na’ si Alex sa kanyang showbiz career, ‘laying low’ daw siya ngayon, at mas pina-prioritize ang asawa. Kaya naman tumatanggi siya sa mga offers. 


“Of course, I’m thankful,” pagpapasalamat ni Mikee sa desisyon ng misis.

Nagbigay ng isang nakakatuwang detalye si Mikee tungkol sa kanilang plano bilang mag-asawa. 


“My wife and I are trying to have a baby. I don't want to lose focus either... Family is our priority.” 


Nakooo, mukhang seryoso na ang mag-asawa sa pagbuo ng kanilang pamilya!

‘Starting a family, building a family is tough,” sey pa ni Alex. 


Pero dagdag pa ni Mikee, “Alex will always be Alex... But she’s more careful now.” 


Dati raw kasi, medyo ‘wild’ si Alex, pero ngayon, ‘mas may puso na’ sa lahat ng desisyon.


Ngayon, hindi na lang basta vlogger si Alex, masaya siya sa pagiging supportive wife kay Mikee sa kampanya nito. Hindi raw niya balak mag-showbiz comeback, kundi mas gusto niyang mag-focus sa pamilya. 


“I’m not saying it with finality... As of the moment, I enjoy supporting Mikee in his bid,” ani Alex.


Pati ang mga isyu at kontrobersiya na patuloy na ibinabato sa kanya, hindi na raw siya apektado. 


“It’s part of the consequence of my being childish and immature,” sey ni Alex.  


Dagdag niya, “What’s important, my husband and family remind me, ‘You know your mistakes, and you’re trying to improve, trying your best not to repeat them. And we see that you've changed for the better…’”


Diin niya, “I feel I've matured… I can’t forever be a teenager, forever a jerk.” 

Well, hindi mawawala ang walang-humpay na pasasalamat ni Alex sa kanyang ina at manager na si Mommy Pinty. 


“I will forever be grateful and thankful to Mommy Pinty for all her wisdom and the things she taught me. Hindi lang siya mom and manager ko, but she's also my bestie,” madamdaming paglalahad ni Alex. 


Mukhang nag-level-up na nga si Alex Gonzaga! 

‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #MaritesInChie #Talbog



Mga Ka-BULGARians, handa na ba kayong ma-shookt? Dahil si Nico Locco, a.k.a. Nicholas Timothy Fowler ay nagbigay ng pasabog sa katatapos lang na Ima Wa Ima Asian International Film Festival sa Japan. 


Nanalo ang ating heartthrob ng prestihiyosong ‘Breakthrough Performance Award’ para sa kanyang role bilang Jessie sa paparating na pelikulang Kolektor ng VMX.  

Ito ang unang international win ng Kolektor ngayong taon, at besh, ano'ng bonggang panimula naman ‘to! 


Ang pelikulang ito ay mula sa direksiyon ng fabulous na si Direk Nijel De Mesa at produced ng visionary team sa NDM Studios. 


Sa Ima Wa Ima Film Festival pa lang, lahat ng critics ay napa-gasp. Ang feedback? 

“Emotional depth, nuanced portrayal, and magnetic screen presence.” 

True naman!


Sa acceptance speech niya, nagpasalamat si Nico sa buong Kolektor team at siyempre, kay Lord. 


“To God be the glory!” sigaw niya.


Well, ang Kolektor sa direksiyon ni Direk Nijel De Mesa ay isang gripping psychological thriller na magpapaiyak, magpapakaba at magpapa-wow sa inyo mula umpisa hanggang dulo. 


Si Nico Locco ang standout talaga. Lahat ng mata, nasa kanya, at base sa mga reviews, ang karakter niya bilang si Jessie ay unforgettable. 


Hindi lang ito panalo ni Nico, ito’y isang bonggang panalo ng buong Filipino cinema.


Imagine, besh, homegrown talent na kumakabog sa international stage. 

Congrats, Nico Locco at #TeamKolektor! Keep slaying, dahil, gurl, the world is your runway. Charaught!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page