top of page
Search

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 27, 2024





Sa umpisa ng pelikulang Uninvited, mga Ka-BULGARians, parang ang awkward lang. Alam mo ‘yung feeling na parang hindi ka invited sa eksena? 


Si bida, rumarampa lang nang walang kaabug-abog. At ikaw? Nasa gilid, nag-aabang. 

Pero wait lang, biglang binuksan niya ang pinto ng buhay niya at girl, ginulantang tayong lahat! From chill to thrill, besh! Ganern ang plot twist na deserve nating lahat.

Adrenaline rush, check!


Simula sa simpleng eksena, dahan-dahang tumindi ang tension. Ang bawat sandali, para kang hinihila sa rollercoaster ng emosyon. Grabe ang climax, ‘teh—worth it talaga! Lahat ng technical elements ng pelikula, parang pinasadya para sa sensory overload.


Ang editing, cinematography, at sound design? Chariz, all on point!

Bes, si Aga Muhlach, wala nang iba. Siya ang pinakaswak sa role niya. 


Ang mukha niya? Charismatic, pero ang mga kilos, untamed. Ang wildness niya, nakakatakot minsan, pero parang gusto mo pang panoorin. Siya ‘yung tipo ng aktor na kahit kulang ang depth ng karakter niya sa script, kayang punuan ng performance. 


Sana lang, binigyan siya ng mas layered na kuwento para mas patas ang laban.

Si Vilma Santos, she is the “queen” we deserve. Ito na, Mare, Vilma Santos, ang reyna ng pelikula. Seryoso, kung hindi siya mananalo ng Best Actress, isang malaking krimen ‘yan! 


Ang boses niya sa pelikula, parang gabay mo sa madilim na kuwento. ‘Yung mga iniisip niya, nakakatawa at nakakaawa minsan, kaya sasamahan mo siya hanggang dulo. 

Isa lang ang masasabi ko—Eva (Vilma's character) runs the world, at walang makakapigil sa reign niya.


Kung may bagong it-girl na dapat abangan, si Gabby Padilla na ‘yun. Ang galing ng facial expressions niya, ateng! Rich and emotional depth ang peg niya. Deserve niyang tawaging isang “hiyas” ng industriya.


Pero si Nadine Lustre? ‘Kaloka!


Okay, time for the tea. Si Nadine? Medyo kulang, bes. Hindi ganu’n ka-convincing ang atake niya sa role. Hindi siya nag-standout tulad ng inaasahan. Sayang, kasi malaki dapat ang impact niya sa pelikula. Baka next time, ‘teh, mas bongga na! Hays!


Sayang ang ibang characters! Ang daming underutilized na aktor, like Elijah Canlas at Tirso Cruz III. Paano nangyari ‘yun, mga ‘teh? Ang ganda sana ng papel nila kung nabigyan lang ng tamang screen time. 


Si Nonie Buencamino, kahit saglit lang ang eksena, may lasting impact, tumatak talaga siya. Pero ‘yung ibang characters? Parang fillers lang para may maipasok sa eksena.

Sana, mas solid ang script!


May mga pagkakataon na parang pilit lang ang kuwento, lalo na sa mga usapan. May eksenang mapapaisip ka, “Bakit ang hina ng security ng makapangyarihang taong ‘to?” Charaught, pero legit! Mas maganda sana kung mas binigyan ng lalim ang motivations ng mga tauhan, lalo na ang kalaban ni Eva.


Kahit invited ka o hindi, ateng, huwag kang paawat! Isa itong pelikula na dapat mapanood. Isa itong celebration ng female empowerment sa Philippine cinema. Si Eva ang reyna, at walang makakapigil sa kanya.


Kaya, mga nini, let’s crash the gates of wherever at samahan si Eva sa kanyang parade. Basta huwag kang magpapaulan ng nega vibes. All hail the queen, Vilma Santos!

‘Yun na! Ambooolancia!#ChairmanNgChikahan


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 18, 2024





Kapit na, mga Ka-BULGARians, dahil tila isang teleserye ng buhay ang nagaganap sa buhay ni Atty. Jimmy Bondoc, dating ‘Hugot King’ ng OPM na ngayo’y isang abogado at aspirant senador sa darating na 2025. 


Pero wait, may mas malaking bongga sa buhay niya ngayon — ang kanyang nalalapit na kasal kay Atty. Isabel Torrijos. 


Naka-set na ang ‘I do’ moment sa Pebrero, 2025, na tila selyo ng isang relasyon na sinubok ng pag-ibig, edukasyon at ambisyong maghatid ng pagbabago.


Bongga ang love story nina Atty. Jimmy at Atty. Isabel, nag-ugat sa law school, sa gitna ng nakakapagod na mga libro at batas, ngunit nabuo ang isang matibay na foundation. 


“We were partners in law school, and we remain partners in life,” sabi ni Atty. Isabel, na talagang bet na bet ang tambalan nila sa pag-ibig at abogasya.


Sa kasalukuyan, si Atty. Isabel ay abala sa wedding preparations at isinasabay ang pagtulong sa senatorial campaign ng fiancé. 


“Walang kupas ang suporta ko para kay Jimmy. Hindi lang ito kasal namin, kundi kasal ng aming mga pangarap para sa kinabukasan,” aniya.


Abangan n’yo, mga ateng, dahil hindi lang basta-basta kasalan ang magaganap. Ang principal sponsor? Walang iba kundi si dating Pangulong Rodrigo Duterte! 

Pak, ganern! Asahan ang star-studded entourage ng mga bigating personalidad mula sa showbiz, pulitika at industriya ng batas. 


Mapapa-‘whoa!’ ka na lang talaga sa power na dala ng listahan ng kanilang mga sponsors at guests.


Tila ang kasalang ito ay hindi lang simbolo ng pagmamahalan, kundi pati na rin ng mga plataporma at pangarap na dala ni Jimmy para sa bayan. 


Kung tutuusin, para kang nanonood ng Let Me Lead the Nation habang naghahanda sila para sa kanilang malaking araw. Ito ay pinagsanib-puwersa ng love and politics.

Kasal na may halong adhikaing pampubliko at serbisyo para sa bayan.


Kung iniisip mong puro wedding chika lang ito, mali ka, gurl! Dahil habang busy sila sa pag-aayos ng ‘bouquet at gown’, nakasilip na rin ang political plans ni Jimmy sa darating na eleksiyon. 


Sa kabila ng kanyang past roles sa PAGCOR at pagiging abogado, mukhang sobrang ready na si Atty. Jimmy na dalhin ang kanyang ‘hugot’ sa mas malawak na entablado.


“Music and entertainment are not just forms of expression; they are powerful tools for economic and cultural diplomacy,” ani Jimmy sa isang panayam. 


Wait, sino ba namang makakalimot sa mga hugot hits ni Jimmy gaya ng Let Me Be the One at Hanggang Dito Na Lang


Well, kahit medyo bumaba na ang visibility niya sa music scene, pinatunayan ng kanyang 771,000 monthly Spotify listeners na timeless ang kanyang musika. Pero sa ngayon, tila “Let me be the one” talaga ang peg niya sa paglilingkod sa bansa.


Si Atty. Isabel, bilang kanyang soon-to-be misis, ay nandiyan para sa kanya — mula sa kampanya hanggang sa pagpaplano ng kanilang kinabukasan. Sabi nga ni Isabel, “I’m ready to stand beside Jimmy, not just as his wife, but as his partner in everything.”


Kaya sa Pebrero 2025, huwag nang magtaka kung ang aisle na lalakaran niya patungo sa altar ay tila simula rin ng kanyang daan patungo sa mas mataas na entablado. 

Ready ka na ba, nini? Kasalan na, may laban pa!


Huge congratulations, Attorneys! To Jimmy Bondoc and Isabel Torrijos, mabuhay kayo! 


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Dec. 17, 2024





Mainit na usapan ngayon sa showbiz at social media ang pagsabog ng kontrobersiyal na isyu tungkol sa diumano’y pagkakadawit nina Anthony Jennings at Maris Racal sa high-end na drug suppliers na kumakalat sa mundo ng mga celebrities. 


Ang lahat ng ito’y nagsimula nang maglabas ng screenshots ang girlfriend ni Jennings na si Jam Villanueva, na may mga diumano’y usapan ang aktor sa isang supplier. 


Bagama’t blurred ang ilang detalye sa screenshots tulad ng contact number ng supplier, may mga tanong na nagsisimulang sumiklab sa publiko.


“Smoke Then F**k”– ito ang matapang na statement na tumatak sa screenshots na ibinahagi ni Villanueva. 


Marami ang naniniwalang tumutukoy ito sa paggamit ng bawal na gamot. Dahil dito, kumpirmado nang iniimbestigahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isyu at humihingi ng unedited screenshots mula kay Villanueva para malinawan ang buong kuwento. 


Plano rin nilang imbitahan para sa questioning sina Villanueva, Jennings at Racal.

Actually, hindi lang PDEA ang nakatutok sa isyu, sumali na rin sa eksena ang Senado. Sina Senator Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Jr., Risa Hontiveros at Ronald “Bato” dela Rosa ay nagkakaisa sa panawagang linisin ang entertainment industry mula sa masamang impluwensiya ng illegal drugs.


Ani Estrada, “We need to ensure that our artists and workers in the entertainment industry are protected from these dangerous influences.”


Nagbigay din ng pahayag si Dela Rosa na Chairman ng Senate Committee on Illegal Drugs, “This investigation aims to reveal the identities of those enabling these illegal activities. We will not allow this issue to grow further.” 


Dahil dito, inaasahang ipapatawag sina Racal, Jennings at Villanueva sa Senate hearing upang mailahad ang kanilang mga salaysay.


Habang kabi-kabila ang reaksiyon ng madlang pipol, marami ang nagtatanong — bakit nga ba biglang naglabas ng screenshots si Jam Villanueva? Para ba ito sa hustisya o para sa clout? 


Ang iba, naniniwalang eksena lang ito. Pero ang iba’y sinasabing isa itong matapang na hakbang para mabuksan ang mata ng showbiz sa tumitinding problema ng droga.


Ayon sa mga kritiko, hindi na bago ang ganitong isyu sa industriya. Marami nang artista ang nasangkot sa illegal drugs noong mga nakaraang administrasyon. Ngunit tila mas sophisticated na ngayon ang galawan ng mga sindikato, na umano’y target ang mga high-profile personalities.


Abangan ang Senate hearing na inaasahang magiging juicy at pasabog! Magdadala kaya ito ng hustisya o lalo lang nitong paiinitin ang isyu? 


Isa lang ang sigurado, hindi pa ito ang ending, besh! 

‘Yun na! Ambooolancia!  #ChairmanNgChikahan #MaritesInChief #Talbog



PASILIP, mga ateng! Sa paggunita ng ika-50 anibersaryo ng Metro Manila Film Festival, isang malupit na entry ang pumasok at siguradong magiging usap-usapan — ang Isang

Himala (IH), ang reimagined na musical adaptation ng iconic 1982 film na Himala


Yes, ang kuwento ni Elsa na bumago sa pananaw ng madlang pipol tungkol sa pananampalataya, himala at hysteria ay muling magbabalik sa pinilakang tabing ngayong Pasko!


Bida sa pelikula si Aicelle Santos bilang Elsa, ang faith healer na nagkaroon ng 'vision' mula sa Birheng Maria, na nakabit sa iba’t ibang kontrobersiya sa kanilang maliit na baryo. 


Ang pelikula ay mula sa direksiyon ni Pepe Diokno — oo, siya rin ang nanalong Best Director para sa Gomburza noong nakaraang taon. 


Isa raw sa mga na-hook sa pagtatanghal ay si Pepe Diokno mismo, kaya nang nagkaroon siya ng chance, siya na mismo ang nagdala ng musical sa big screen. Tarush, ‘di ba?


“First and foremost, it is a musical. A tried and tested one at that, that has won numerous awards and accolades from critics and peers,” sabi ni Bituin Escalante, na gumaganap bilang Aling Saling, ang ina-inahan ni Elsa. Peksman, she nailed this role sa stage version ng 2018, at ngayon, dala-dala niya ang husay sa pelikula.


Sey ni Bituin, “I play Nanay Saling, the woman who takes in the abandoned/orphaned Elsa. I was fortunate enough to be offered the role. There was not much difference in my portrayal. There were some added scenes but not much was changed.”


Hayan mga ‘teh, wala raw masyadong nagbago sa kanyang pagganap, pero dahil pelikula ito, asahan natin ang mas cinematic na feels! 


‘Ika nga niya, “With a role like this, it’s about finding the right voice for her. Character informs how she speaks, and everything follows from there.” 


Pagdating naman kay Diokno, dagdag ni Bituin, “He is a truly collaborative director. He had tremendous respect for Ricky Lee’s story and Vincent de Jesus’ music, and also for the way we had interpreted it. I cannot wait to see his touch and how it will become his, as much as we have all made Himala our own.”


Ang kasaysayan at ang pamana ng Himala ay never naglaho o nawala.

Nandiyan ang tatak ni Ricky Lee, ang National Artist for Film and Broadcast Arts na siyang sumulat ng screenplay ng orihinal na pelikula ni Ishmael Bernal noong 1982, at siya ring nag-adapt nito sa musical. 


Samahan mo pa ng musika ni Vincent de Jesus, at tumataginting na cast kabilang sina David Ezra, Kakki Teodoro, Vic Robinson, Neomi Gonzales, Floyd Tena, at ang shining star at super love ko na si Bituin Escalante.


Sa totoo lang, kailangan bang maniwala sa mga himala para mahalin ang kuwento ni Elsa? O sapat na bang ma-realize natin kung paano nito hinuhubog ang psyche ng Pinoy?


“I only hope that it resonates with the moviegoing public,” dagdag ni Escalante. 

At sa usapin kung handa na ba tayong harapin ang mga tanong sa ating paniniwala? 


Well, ang sagot ay sa sinehan matatagpuan. Ano pa’ng hinihintay n’yo, mga Ka-BULGARians? Kitakits sa December 25, ha! Let's G na sa IH

‘Yun na! Ambooolancia! #ChairmanNgChikahan #Talbog


 
 
RECOMMENDED
bottom of page