top of page
Search

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | October 18, 2021



ree

Aware ang Superstar na si Nora Aunor na didikdikin siya ng mga paninira dahil sa kanyang pagtakbo para maging partylist representative ng NORA A o National Organization for Responsive Advocacies for the Arts ngayong nalalapit na eleksiyon.

Nang mag-file pa nga lang siya ng COC ay kabi-kabila nang batikos ang ipinupukol sa kanya, eh, di lalo na siguro kapag nagsimula na ang kampanya, mas matitinding lait at banat pa ang haharapin niya na kailangan niyang tanggapin.


Gayunman, wala raw siyang pakialam dahil ang layunin niya ay makatulong sa mas nakararaming tao.


Well, nataon naman na ngayong tumatakbo si Nora sa pulitika, saka naman nagpahinga ang kanyang matinding karibal sa showbiz na si Ate Vi, kaya mas natuon ang pansin ng mga detractors kay Guy.


May mga sitsit pa nga kaming naririnig na kesyo si La Aunor ay walang "palabra de honor” dahil noon daw ay sinabi nitong ayaw na niyang makigulo sa pulitika pero ngayon ay napapayag na tumakbong muli.


Well, let’s see kung ano’ng magiging kapalaran ni Mama Guy.


 
 

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | September 24, 2021


ree

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na kapag siya ang nanalong pangulo, bibigyan niya na ng prangkisa ang ABS-CBN na ipinasara ng mga kongresista sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Bagama’t may ilang natuwa sa sinabi ni Yorme Isko, may mga nag-akusa naman sa kanya na ‘user’ at ginagamit lang daw ang ABS-CBN para makahakot ng boto sa mga supporters nito na hanggang ngayon ay umaasang magbubukas uli ang istasyon kapag nagpalit na ng administrasyon.


May mga netizens pa ang nagsabing obyus na masyadong pabida si Yorme Isko at umay na umay na rin daw sila sa TV ads nitong halos gabi-gabi ay ipinalalabas sa primetime slot.


Mukhang desidido naman si Yorme Isko na manalong pangulo dahil sa kabila ng mga paninira sa kanya bago pa man siya nagdeklarang tatakbo sa 2022, hindi siya pinanghihinaan ng loob.


Well, abangan natin kung saan makakarating ang pangarap ng dating basurero na naging artista at ngayon ay mayor ng Maynila.

 
 

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | September 13, 2021



ree

Magka-level daw sa pagiging gamitera at gimikera ang mga laos nang sina Comedy Queen Ai Ai Delas Alas at Split Queen Mystica na kapwa humina na ang career kaya kailangang magpapansin sa media para mapag-usapan.


Matatandaang ginawan dati ni Ai Ai ng isyu ang Superstar na si Nora Aunor nang ipangalandakan nito sa mga interbyu sa kanyang dahil siya'y true blooded supporter ni Star for All Seasons Vilma Santos kaya ayaw daw siyang makasama ni Mama Guy sa pelikula.


Isa itong malaking kalokohan dahil nandiyan ang mga buhay na patunay na sina Rosanna Roces, Jaclyn Jose at Judy Ann Santos na mga self-confessed Vilmanians ay nakatrabaho pa ni Mama Guy at walang negatibong salitang namutawi sa bibig mismo ng Superstar at naging kaibigan pa nga niya sina Osang at Jaclyn.


Paanong nasabi ni Ai Ai na inayawan siyang makasama ni Mama Guy dahil Vilmanian siya? Nakausap ba niya mismo si Nora at may offer ba sa kanila na magsama?


Ang ending, walang pumatol sa strategy ni Ai Ai, at kahit mismong si Mama Guy ay tahimik lang at never nagbigay ng kanyang saloobin.


Hindi rin naman pinatulan ng media ang hirit ni Ai Ai at malinaw na gagamitin lang niya ‘yun para painitin ang madilim na niyang career.


Ngayon naman, ang umeksena sa kanyang video sa internet o social media ay ang laos na ring si Mystica na tila dinidiktahan si Pangulong Rodrigo Duterte o Tatay Digong na kasuhan daw at ipakulong ang magandang aktres na si Angel Locsin dahil sa palpak na community pantry nito nu’ng nakaraang birthday niya na dinagsa ng mga gustong makahingi ng ayuda.


Hay, naku, ang mga walang magawang tulad ni Mystica ay hindi na dapat pinapatulan dahil obyus namang nagpapapansin lang ito.


Shut up na lang!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page