top of page
Search

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 10, 2024





Si Ricky Martin, ang reyna ng Latin pop at idol ng maraming beks sa buong mundo, ay hindi lang talentadong singer—isa rin siyang kering-kering na ama sa apat niyang mga anak. Pero mga teh, bago niya narating ang sarap ng pagiging tatay, dumaan muna siya sa maraming echos at challenges sa kanyang journey.


Sa totoo lang, hindi naging madali para kay Ricky ang makuha ang role na “Dad of the Year.” Bilang isang proud na miyembro ng LGBTQIA+ community, nakipag-sikuhan siya para mapalapit sa pangarap niyang maging isang tatay. Pero, dahil hindi siya nagpapapigil sa mga eklat ng lipunan, natagpuan niya ang sagot sa surrogacy. Ang resulta? Ang pagdating ng kanyang twinnies na sina Matteo at Valentino noong 2008!


Hindi lang basta “dad” si Ricky, mga ka-BULGARians, full-on super mom din siya! Ayaw niyang kumuha ng yaya at siya mismo ang nagpalaki sa kanyang mga bagets. Ibinuhos niya ang oras at pagmamahal sa kanila, at para kay Ricky, “the most beautiful feeling” ang maging ama. Shala, 'di ba? At sino bang ‘di maaantig?


Ngayon, mga binata na ang twins niya, at may kanya-kanyang ganap na sila—si Matteo, winner sa arts, at si Valentino, feeling ang next sikat na YouTuber (YT). Talagang bet na bet ni Ricky ang mga peg ng mga anak niya, parang throwback sa sariling pagsikat niya noon. Buong support siya sa kanilang pangarap, na tipong, “Go mga anak! Push niyo lang yan!”


Pero hindi lang diyan natatapos ang kwento! Nadagdagan pa ng rainbow sparkle ang pamilya ni Ricky sa pagdating nina Lucia at Renn noong 2018 at 2019. Bagets pa, pero iba rin ang aura—perfect na combo para kay Ricky, na laging proud na ipakita ang bonding moments nila sa social media. Parang sinasabi niya, “Mga sis, this is what love looks like!”


Pero wait, mga Marites! Bakit nga ba solo parent ngayon si Ricky? Kahit hiwalay na sila ng kanyang ex-jowa na si Jwan Yosef, ang chika ay hindi nagpapakabog si Ricky sa pagiging hands-on na tatay. Deadma sa drama, ‘Day! Sabi nga niya, mas importante ang happy family vibes kaysa sa mga eklat sa paligid. Tuloy lang ang push ni Ricky sa pagiging supportive at mapagmahal na ama, kahit shet minsan nakakapagod.


Sa kanyang paglalakbay, ipinakita ni Ricky Martin sa ating mga bakla na walang makakaharang sa puso ng isang tunay na diva dad. Para sa kanya, pak na pak talaga ang pamilya sa buhay, at wala nang mas tatamis pa sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang mga anak. Sino ba naman ang 'di maaantig sa ganitong kwento? Panalo!

 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 8, 2024




Mga Ka-BULGARians, ang chika ng bayan ay walang iba kundi si JC De Vera, ang ating hunky at versatile Kapamilya actor na nag-ink ng kanyang “Forever Kapamilya” contract sa ABS-CBN kamakailan. 


Talagang ready na siyang magpasiklab sa bagong teleserye na Nobody na isang action-drama. Bongga, ‘di ba?


Kasama ni Gerald Anderson, aabangan siya sa bagong proyekto ng JRB Creative Productions.


Mukhang super challenging daw ang role ni JC sa bagong teleserye na ito, mga Marites! 

“Dito medyo challenging, medyo mate-test ulit ‘yung pagiging aktor ko. Something na hindi pa nila nakikita at hindi pa nila nae-experience sa ‘kin,” ang litanya ni JC sa isang interbyu. 


Ang ibig sabihin n’yan, makikita natin siya in a totally different light — hindi ‘yung pangkaraniwang JC na kilala natin sa mga nakaraan niyang roles sa Nag-aapoy Na Damdamin at Flower of Evil.


OMG! Mga ateng, kung akala n'yo puro intense drama lang ang plano ni JC, aba, may pasabog pa siya! 


Nasa bucket list din ng aktor ang paggawa ng kontrabida at comedy roles. 

Balak din daw niyang pasukin ang komedya. Yes, gusto niyang tumawa at magpatawa sa mga future roles niya. 


Ang peg niya? Walang iba kundi ang comedy legend na si Adam Sandler! 


“Kung gusto kong maging funny, siguro any film like what Adam Sandler does... masarap maglaro ng acting,” kuwento pa ni JC. 


Siyempre, may dream on-screen partner na rin siya sa comedy world — si Angelica Panganiban! 


Ang sabi niya, “I think si Angelica ‘yung isang dream actress sa comedy na gusto kong makatrabaho...” 


Aba, mga Mars, kung matutuloy ‘yan, siguradong riot at laughter-fest ang mangyayari!

Heto pa! Ayon sa ating besh JC, na-enjoy na niya ang pagiging kontrabida, kaya naman hindi na tayo magugulat kung makikita natin siya sa mas marami pang “kalaban” roles sa future. 


“Sa tingin ko, na-enjoy ko s’ya masyado... sa mga darating na mga projects, makakakita sila ng kontrabida roles,” aniya. 


Excited na ba kayong makita si JC sa ganitong vibe? Kasi kami, super na!


At hindi lang iyon, mga katropang may popcorn! May bagong pelikula rin si JC kasama sina Rhian Ramos at Tom Rodriguez directed by the legendary Direk Joel Lamangan.

Kasama sa cast ang mga batikang artista tulad nina Rita Avila, Pinky Amador, Emilio Garcia at marami pang iba! 


Kakaiba ang naging journey ni JC sa pagiging Kapamilya, kaya naman lalong nahahasa ang kanyang talent at versatility bilang aktor. 


“Ever since na naging Kapamilya ako, palagi akong itine-test na gumawa ng mga roles always out of my box, out of my comfort zone,” kuwento pa niya. 


At kung akala n'yo, tapos na siyang magpakitang-gilas, well, think again, kasi marami pang pasabog na parating!


So, mga Ka-BULGARians, stay tuned lang tayo sa mga susunod na kabanata ng career ni JC de Vera. Kung drama man, action, kontrabida o comedy — sigurado, laging may sorpresa ang ating forever Kapamilya hottie! 


 
 

ni Jemuel C. Salterio @Talbog | Nov. 5, 2024




Nagpakabongga si dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson nang personal niyang sinorpresa ang pamilya Yulo sa pagbisita at pagtupad ng kanyang pangako na P1M sa kanila ngayong nalalapit na Pasko. 


Noong ika-3 ng Nobyembre, 2024, pinuntahan ni Chavit ang Yulo family para sa isang pribadong meeting at ibinigay ang promised na ayuda.

Present sa meet-up sina Mark Andrew, Angelica, Joriel, Eldrew at Eliza Yulo, na sobrang natutuwa sa generosity ni Chavit. 


According kay Singson, ramdam niya ang bigat ng sakripisyo ng pamilya Yulo sa pagdala ng dangal sa bansa ni Carlos sa larangan ng gymnastics, kaya naman gusto niya silang tulungan at i-appreciate.


Pero teka, hindi pa riyan nagtatapos ang paandar ni Chavit. May tsika pang nananatiling bukas ang P5M offer niya sa kanilang pambatong gymnast, ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. 


Pero ayon kay Chavit, ang P5M offer ay hindi lang basta para sa ginto ni Carlos kundi para magsilbing bridge para sa ‘pagsasama-sama ng pamilya’.


“Para lang magsama-sama silang mag-pamilya, magbibigay ako ng P5M. Hindi [dahil] sa panalo n’yang gold sa [Olympics], more on sa pamilya,” ani Chavit. 


“Kasi nararamdaman ko ‘yung… Masakit sa ama na aawayin ka ng anak mo at ‘di man lang sila inimbita,” dagdag pa niya.


However, mukhang dedma pa rin si Carlos sa paandar ni Chavit. Siguro, dahil daan-daang milyon na rin naman ang nakuhang salapi ni Carlos mula sa mga pabuya sa kanya ng kung sinu-sinong personalidad at kumpanya. 


Hindi nga ito nagbibigay ng sagot sa alok ng dating gobernador. Dito na pumasok ang mga opinyon ng mga netizens – na ayon sa ilan, wala raw effect sa atleta ang P5M offer ni Singson dahil “kakarampot” ito compared sa mahigit P100M na naiuwi na ni Carlos mula sa iba’t ibang rewards mula sa mga individuals at companies.


Sa kabila ng lahat, umaasa pa rin si Chavit na balang-araw ay magkausap si Carlos at ang kanyang pamilya. 


Nag-iwan ng intrigue ang statement na ito, lalo na’t marami ang nakabantay sa susunod na galaw ni Carlos.


Abangers ang madlang pipol kung bibigay nga ba ang national gymnast sa matinding offer ni Chavit. 


Matunaw na kaya ang puso ng sikat na atleta o dedma pa rin siya kahit ilang milyon ang nakataya? 


Gawin mo kayang P10M, Governor Chavit, baka sakaling may effect na kay Caloy. Charennnggg! (laughing emoji). #MilyonaryaAngLolaMo


 
 
RECOMMENDED
bottom of page