top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | April 5, 2022



Doble dapat ang matanggap na suweldo ng mga empleyadong papasok sa araw ng regular holiday, paalala ng labor department nitong Lunes.


Sa isang advisory, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga manggagawang papasok sa April 9 o Araw ng Kagitingan, April 14 o Huwebes Santo at April 15 o Biyernes Santo, ay dapat na makatanggap ng 200% ng kanilang regular salary para sa unang walong oras.



Kailangan din silang bayaran ng karagdagang 30% ng kanilang hourly rate para sa overtime work, at karagdagang 30% sa kanilang basic pay ng 200% kung matatapat sa kanilang rest day ang holiday.


Para sa overtime work sa regular holiday, ang mga empleyado ay kailangang bayaran ng additional 30% ng kanilang hourly rate sa naturang araw.


Para sa April 16 o Black Saturday, ang “no work, no pay” principle ay maia-apply maliban na lamang kung mayroong polisiya ang kumpanya sa pagpapasuweldo sa special day.


Ang mga magtatrabaho tuwing special day ay kailangang bayaran ng karagdagang 30% sa unang walong oras ng trabaho, at karagdagang 30% ng kanilang hourly overtime work rate.


Ang mga manggagawang magre-report sa special day sakaling matapat sa kanilang rest day ay dapat bayaran ng karagdagang 50% ng kanilang basic pay sa unang walong oras, at karagdagang 30% sa overtime.


Nauna nang inanunsiyo ng Malacañang ang April 9, 14, at April 15 bilang regular holidays, at April 16 bilang special non-working holiday.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 5, 2022



Umabot sa 150,597 o nasa average na 4,858 kada araw ang tourist arrivals sa Boracay Island noong nakaraang buwan, ang pinakamataas makalipas ang dalawang taon mula nang ideklara ang COVID-19 pandemic noong March 2020.


Ngunit sa kabila nito, nanatiling mababa ang bilang ng foreign visutory, mahigit isang buwan matapos payagang makapasok sa bansa ang fully vaccinated tourists mula sa visa-free countries.


Karamihan sa mga bumibisita sa isla ng Boracay — na nasa 146,440 — ay mga domestic tourists habang ang mga Pinoy na nakabase sa ibang bansa ay nasa 1,624 ang bumisita.


Ang mga foreign tourists naman ay nasa 2,533 o 1.68 percent.


Bahagyang mababa ang bilang ng tourist arrivals noong nakaraang buwan kumpara sa pre-pandemic figures — 160,070 noong January 2020 at 103, 834 noong sumunod na buwan, base sa datos mula sa tourism office ng Malay, Aklan.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 5, 2022



Nakatakdang isara ang Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) sa loob ng limang araw sa Semana Santa, ayon sa Facebook post ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Lunes.


Ang train system ay isasara mula April 13 hanggang April 17 — Holy Wednesday hanggang Easter Sunday.


Sa Martes, April 12, mas maiksi ang operating hours nito, kung saan ang last trip ay hanggang 8 p.m. lamang.


“Plan your Holy Week commute in advance,” ayon sa LRTA.


Ang LRT 2 ay ang linyang tumatakbo mula east-west axis ng Metro Manila. Ang huling istasyon sa western end ay ang Recto Station at Antipolo Station naman sa eastern end.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page