top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 30, 2024



Photo: Bea Alonzo at Jake Cuenca - IG


Sa mahigit dalawang dekada na ni Jake Cuenca sa showbiz industry at naging bahagi ng Kapamilya Network, isa pala si Bea Alonzo sa mga pangarap niyang maging leading lady.


Inamin ito ni Jake nang makatsikahan namin recently para i-announce ang kanyang mga bagong projects na gagawin matapos mag-sign ng three-year renewal of contract sa ABS-CBN, kung saan ang isa nga ay ang murder mystery series na What Lies Beneath na mula sa Prime Video at ang isa pa ay ang original film na The Delivery Guy na ididirek ni Lester Pimentel at mapapanood sa Netflix.


Ani Jake na kinikilala bilang isa sa magagaling na aktor ng kanyang henerasyon, gustung-gusto niyang makatrabaho 'yung talagang pinakamagagaling umarte at maituturing na 'brilliant actors' tulad na nga lang ni Bea at ni Maricel Soriano.


Kung 'di kami nagkakamali, natatandaan naming inamin ni Bea noon na nanligaw sa kanya si Jake pero mas pinili nilang maging magkaibigan na lang.


Ang naging boyfriend ni Bea ay ang isa sa mga best friends ni Jake na si Gerald Anderson.


Biniro nga namin si Jake na hindi kaya damay siya sa 'galit' ni Bea sa ex nitong si Gerald dahil BFF niya ang huli?


Natatawa namang sagot ng guwapo at magaling na aktor, "We're good, okay kami, okay kami. Labas ako ru'n."


Sabi pa ni Jake, sina Paulo Avelino at Gerald nga rin mismo ang nagsabi sa kanya na dapat makatrabaho niya si Bea dahil na-experience na ng dalawang aktor na makasama sa project ang aktres.


Namumudmod na rin ng ayuda…

WILLIE, GINAGAYA NG ANAK KAY LIZ ALMORO


LIKE father, like son.

Sa mga anak ni Willie Revillame, mukhang ang bunso niyang si Juamee sa ex-wife na si Liz Almoro ang susunod sa kanyang yapak.


Nineteen years old na pala ngayon si Juamee at ang chika sa amin ng trusted staff ni Kuya Wil na si Wheyee Lozada, imbes magpa-party, mas pinili na lang ni Juamee na mag-gift-giving sa mga batang maysakit sa National Children's Hospital sa QC bukas,

Huwebes, 9-11 AM.


Malaking impluwensiya si Kuya Wil sa anak dahil mula pagkabata ni Juamee, nakikita na niya ang ama na tumutulong sa mga mahihirap at namimigay ng ayuda mula sa sarili niyang bulsa.


For sure ay ikatutuwa rin ni Kuya Willie na may susunod na sa kanyang yapak, hindi man siguro sa showbiz, baka sa public service. 


Anyway, nag-react daw si Kuya Wil sa naisulat naming suportado siya ng isang big time businessman na may negosyong mining sa kanyang pagtakbong senador.

Kaya naman, binalikan namin ang aming source at ipinalinaw dito ang unang itsinika sa amin.


Inamin naman nitong hindi kami nagkaintindihan dahil congressman pala sa isang probinsiya ang sinasabi niyang tumutulong kay Kuya Wil at 'yung ikinukuwento niyang big time businessman na may negosyong mining ay ibang artista ang sinusuportahan.



NASA Bilyonaryo News Channel (BNC) na pala ang award-winning documentary series na Dayaw ni Senator Loren Legarda.


Nagsimula itong umere nu'ng Sabado, Oktubre 26, kung saan iniimbitahan ng Dayaw ang mga manonood na sumama sa paglalakbay sa mga makukulay na tanawin ng Philippine cultural heritage.


Proyekto ito ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na naging posible dahil sa matatag na suporta ni Legarda mula nang ilunsad ito noong 2015.


Bida sa Dayaw ang mga katutubo ng bansa, kanilang mga kaugalian, ritwal, tradisyon at mahalagang papel sa paghubog ng Filipino cultural fabric.


Sa bawat episode, ginagabayan ni Sen. Legarda ang mga manonood sa pamamagitan ng mga kaugalian at gawi na nagbubuklod sa mga katutubong pamayanan, na nagpapakita ng kanilang malalim na paggalang sa kalikasan, katatagan at mga survival method na patuloy na nagpapayaman sa kanilang buhay. 


Saksihan ang mga kuwento, hamon at katatagan ng mga katutubong komunidad at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa ating pamana sa Dayaw sa Bilyonaryo News Channel na available sa BEAM TV 31 (maa-access sa pamamagitan ng digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga), Converge Channel 74 at sa Cignal Channel 24.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 29, 2024



Photo: Michael Leyva, Bimby, Josh at Kris Aquino - Instagram


NAGPADALA ng update sa kanyang health condition ang TV host na si Kris Aquino sa good friend niyang dating Entertainment Editor ng isang tabloid na si Tito Dindo Ballares.


Ipinost naman ni Tito Dindo sa kanyang Facebook account hindi lang ang mga kuwento ni Kris kundi pati ang mga latest photos nito.


Isa nga ru'n ang photo ni Kris na may gamit na walker dahil medyo hirap ito sa paglalakad sanhi ng pagbagsak ng kanyang timbang at pagpayat ng kanyang mga legs.

Mababasa sa photo ni Kris ang text na: "Ganyan kapayat my legs. That's why I need physical therapy. And I'm 87 pounds, Kuya Dindo. — Kris Aquino"


Ang nakakatuwa kay Kris at in fairness ay consistent siya, sa kabila ng kanyang pinagdaraanan ngayon at sabi nga niya kay Tito Dindo nu'ng magkausap sila ay papasok siya sa Makati Medical Center that night for another procedure, pero gusto pa raw nitong sumali sa relief operations.


Kilala naman kasi si Kris na isa talaga sa mga very generous celebs lalo na 'pag panahon ng kalamidad, talagang isa siya sa mga nangunguna sa pagdo-donate ng tulong, whether cash or goods.


At siguro nga, kung walang sakit ngayon si Kris, baka nakita na natin itong namimigay din ng relief goods.


Anyway, sa isa namang FB post ni Tito Dindo, nakaka-touch din ang kuwento ni Kris na gumawa at binigyan ng anak niyang si Bimby ang gay designer friend niyang si Michael Leyva ng birthday card last Oct. 22.


Makikita sa card ang picture ng nakatalikod na matangkad na lalaki hawak ang kamay ng batang kasama niya na nakatalikod din at may nakasulat du'n na: "Happy birthday, Dad!"


Yes, daddy pala ang turing at tawag ni Bimby kay Michael Leyva na isa sa mga talagang kasa-kasama ni Kris sa health journey niya ngayon. 


Nakaka-touch ang kuwento ni Kris na naglalabas pa raw ng sariling pera si Michael Leyva kapag may kailangan siya sa kanyang pagpapagamot.


At kung bakit ganu'n na lang ang malasakit ng fashion designer kay Kris at sa mga anak nito? 


Kuwento ni Kris, nu'ng baguhan pa lang daw kasi si Michael Leyva at wala pang nagtitiwala rito, ang TV host ang nagbukas ng door para sa fashion designer na makilala ang kanyang mga gawa dahil si Michael pala ang gumawa ng gown ni Kris sa last SONA ni P-Noy at 'yung isinuot ni Kris sa red carpet ng Crazy Rich Asians. Kaya ganu'n na lang daw ang pagtanaw ng utang na loob ni Michael Leyva sa kanya. 


Well, naisip lang namin, ano kaya ang reaction ni James Yap kapag narinig niyang may ibang 'daddy' na tinatawag at itinuturing si Bimby?



Naisip din daw magbuntis…

ICE, GUSTONG MAG-AMPON MAGKAANAK LANG 


BENTANG-BENTA sa mga concertgoers ang Videoke Hits concert ni Ice Seguerra kaya 'yung OPM Edition niya ay magkakaroon pa ng repeat on Nov. 8 titled Ice Seguerra Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa! sa Music Museum, 8 PM.


Tayo pa namang mga Pinoy, walang kahilig-hilig mag-videoke at pasikatan pa, aminin!!!


Kaya 'yung concept ng concert ni Ice kung saan bigla niyang inaabutan ng mic ang audience at pinakakanta, bentang-benta!


Basta ang sabi lang ni Ice, ayaw niya ng papilit o 'yung tipong hiya-hiya pa at bisi-bisihan 'pag inabutan ng mic. Kailangan, game lagi na makipag-jamming sa kanya.


Anyway, tinanong namin si Ice kung ano ang favorite niyang kanta sa line-up ng songs niya sa Ice Seguerra Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa!.


Sagot niya, 'yung Anak ni Freddie Aguilar dahil ang lakas daw ng impact sa kanya at may kakaibang dating, although hindi naman siya suwail na anak tulad ng tinutukoy sa kanta.


At dahil nasa 'anak' na nga ang topic namin, na-curious kaming itanong kay Ice kung binalak ba niyang magkaanak noon nu'ng wala pa sa buhay niya ang misis na si dating FDCP Chair Liza Diño.


Pag-amin ni Ice, dahil cute na cute siya sa mga babies at mahilig siya sa bata, naisip din daw niyang mag-adopt na lang noon o kaya, dahil wala pa siyang idea about IVF that time, naisip din daw niyang what if magpabuntis siya?


Kaso nga, hindi niya keri ang ganu'n dahil hello, knows naman natin ang gusto niya, kaya hindi na rin natuloy. 


Hanggang sa dumating na nga sa buhay niya ang kanyang wifey na aminado siyang napakalaki talaga ang naging parte sa buhay niya.


Sa ngayon, hindi na raw nila priority ni Liza ang pagkakaroon ng sariling anak lalo't ang itinuturing nilang baby at inaalagaan nang husto ay ang itinayo nilang Fire & Ice Productions na nagpo-produce ng mga concerts, stage plays at nagma-manage na rin ng mga baguhang singers-performers.


Malaki rin ang naging puhunan nila rito kaya talagang tinututukan daw nilang mag-asawa, lalo't iniisip nila ang kanilang mga staff na nabibigyan ng trabaho dahil sa kanilang itinayong negosyo.


Anyway, bago pa kayo maubusan ng tickets sa Ice Seguerra Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa!, make sure na makabili na kayo dahil sa Nov. 8 na 'yan.


Isa sa mga guests niya si Ebe Dancel at marami pang surprise guests.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 28, 2024



Photo: Jake Cuenca IG


Sa edad na 36, malinaw kay Jake Cuenca na career pa rin ang top priority niya, kahit masaya naman ang love life ng Kapamilya actor having Chie Filomeno as his girlfriend. 


Isa si Jake sa mga very passionate actors natin sa showbiz industry to the point na hindi lang basta trabaho para sa kanya ang pag-arte kundi kina-career talaga niya ito. 

Tulad na lang sa bago niyang serye na gagawin sa Prime Video at mapapanood sa Kapamilya Channel, na unang proyekto niya matapos mag-renew ng kontrata kamakailan sa kanyang home network.


Dahil gaganap na bilanggo sa What Lies Beneath na ididirek ni Dado Lumibao, kusa raw na nag-volunteer si Jake na magbuhay-inmate sa loob ng Mandaluyong City Jail upang maranasan ang mga ginagawa ng mga preso at kung paano sila tinatrato. 


Two months na pabalik-balik si Jake sa loob ng kulungan para mag-sink-in sa kanya ang bagong karakter na gagampanan. At sinabi raw talaga niyang ‘wag siyang itratong artista o VIP kaya kung ano ang kinakain ng mga inmates ay kinain din niya.

Excited si Jake sa bago niyang role matapos ding tumatak sa manonood ang kanyang karakter (as Cyrus) sa huling serye na kanyang ginawa, ang What's Wrong with Secretary Kim?. 


Sa panayam namin kay Jake nu'ng Sabado, naikuwento niyang minsan na rin siyang muntik ma-disorient at masira ang kanyang career lalo na nu'ng magsabay-sabay ang problema niya nang mahiwalay siya sa kanyang girlfriend at may kumalat pang iskandalo sa kanya, gayundin ang bad publicity tungkol sa kanyang mga bisyo.


At kesa mag-resort sa bisyo at malugmok, du'n daw na-realize ni Jake na mas pahalagahan ang kanyang career at mas ayusin ang takbo ng kanyang buhay kaya nag-quit na siya sa smoking at pag-inom ng alak.


Kahit anong tukso at pagyayaya nga raw ngayon ng kanyang mga kaibigan at bosses sa ABS-CBN kapag may okasyon, todo-tanggi na si Jake na tumikim ng alak para ‘di na mabalikan ang mga dating bisyo.


Marami pang pangarap na gustong maabot si Jake bukod sa pinag-aaral pa raw niya sa kolehiyo ang kanyang younger sister, kaya wala pa rin sa isip niya ang magpakasal at magka-pamilya.


Thankful naman siya sa GF na si Chie na hindi ito demanding sa time at laging nakasuporta sa kanyang mga ginagawa.


Smooth-sailing daw ang relasyon nila at tanggap na tanggap si Chie ng kanyang pamilya. 


Sa ngayon, pareho raw malinaw sa kanilang dalawa na unahin muna ang trabaho at pag-iipon bago lumagay sa tahimik.


Kaya nga nang biniro namin si Jake kung sino kaya sa kanilang magkakaibigan (Jake, Gerald Anderson at Paulo Avelino) ang mauunang magpakasal, aniya ay baka si Gerald dahil nakikita niya ngang papunta na rito ang relasyon ng BFF sa aktres na si Julia Barretto.



Hmmm… Ang sure, isa si Jake sa mga bestmen ni Gerald sa kasal nito sa tagal na rin ng friendship nila.


‘Di aatras… WILLIE, MAY BIGTIME SPONSOR SA PAGTAKBONG SENADOR



BUKOD pala sa P3 milyong idinoneyt ni Kuya Willie Revillame sa Angat-Buhay Foundation ni former VP Leni Robredo para sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa Bicol, namigay din ng tulong-pinansiyal ang Wil To Win host sa mga pamilyang namatayan sa Batangas.


Nakausap namin kahapon ang friend naming si Wheyee Lozada na isa sa mga trusted staff ni Kuya Wil at nasabi nga niyang nasa Bgy. Sampaloc, Talisay, Batangas sila dahil pinuntahan ni Kuya Wil ang mga pamilya ng mga nalibing nang buhay na umabot na pala sa 20 ang nahukay.


Napaiyak daw si Kuya Wil nang makakuwentuhan ang mga kamag-anak ng mga biktima, na ‘yung isa nga raw tatay na nakausap ng TV host, buong pamilya niya ang nawala at siya lang ang natira.


Nag-abot daw ng cash ayuda ang TV host at nakiramay sa bawat pamilyang kanyang pinuntahan.


Samantala, isang reliable source rin ang nagtsika sa amin na hindi aatras si Kuya Wil sa pagtakbong senador dahil may isang big time businessman pala na mining ang negosyo ang nangakong mag-i-sponsor sa pagtakbo ni Kuya Wil.


Kaya pala kahit independent candidate, go, go, go lang si Willie Revillame sa pagtakbong senador sa 2025 midterm elections.



INILUNSAD ng Bilyonaryo News Channel (BNC) ang isang bagong daily program, ang On Point sa pangunguna ni Pinky Webb na isang pinagkakatiwalaang boses sa national television at kilala sa kanyang malalim na coverage sa mga isyu at magaling na pagkukuwento.


Mag-aalok ang On Point ng eksklusibo at napapanahong kuwento at kaganapan sa bansa sa araw-araw.


Mapapanood ang On Point tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 7:30 PM.

Masusubaybayan ang Bilyonaryo News Channel sa free-to-watch television channel BEAM TV 31 (sa pamamagitan ng digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga at Naga) at cable TV provider na Cignal Channel 24.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page