top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 30, 2024



Photo: Vilma Santos-Recto - FB


Sa dinami-rami ng mother roles na ginampanan ni Star for All Seasons sa kanyang mga pelikula, ang kanyang karakter pala bilang si Lea sa Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? ang nai-apply niya in real life bilang ina nina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.


Sa movie, may dalawang anak si Lea mula sa magkaibang lalaki, kaya naka-relate si Ate Vi dahil in real life, open book naman ang pagkakaroon niya ng dalawang anak na magkaiba ang tatay.


“Alam naman natin na si Lucky ay anak ni Edu Manzano at si Ryan ay anak ni Ralph Recto. Pero walang kahit isa sa inyo ang puwede akong husgahan, you get me? (Kung) ano'ng klase akong babae o bakit dalawa ‘yung ama ng mga anak ko. Because you don't know me. Hindi mo dinadaanan ang klase ng buhay na meron ako. So don't be judgmental,” ani Ate Vi na pinalakpakan ng mga press people at mga estudyante ng University of Sto. Tomas sa ginanap na talk back na tinawag na Vilma Santos: Woman, Artist, Icon (The Vilma Santos Restropective) last Nov. 27.


Tama nga naman si Ate Vi, sino ba tayo para humusga sa buhay niya na wala pa yata sa kalahati ang alam ng publiko sa totoong buhay niya sa likod ng camera.

At ang talagang ikabibilib mo kay Ate Vi bukod sa kanyang pagiging icon na sa industry ay ang pagiging ina niya dahil sabi nga ng Star for All Seasons, sa lahat ng roles na ginagampanan niya bilang aktres, public servant at kung anu-ano pa, pinaka-una at importante pa rin sa kanya ang pagiging ina.


Maayos na napalaki ni Ate Vi ang dalawa niyang anak, na ngayon nga ay na-inspire na rin sa pagiging public servant niya kaya papasok na rin sa pulitika sina Luis at Ryan Christian bilang vice-governor at congressman respectively ng Batangas.


At payo nga ni Ate Vi kina Luis at Ryan, ‘wag daw papasok sa pulitika kung hindi 100% buo ang kanilang puso sa paglilingkod dahil hindi raw ganu'n kadali at kasarap ang buhay ng isang public servant kahit pa priceless din naman ang respetong ibinibigay sa kanya ngayon ng mga taga-Batangas dahil sa magandang record na naitala niya sa kanilang lalawigan sa loob ng 24 yrs. niyang paglilingkod.


Sa kanyang pagbabalik sa Batangas, gustong alalayan ni Ate Vi ang kanyang mga anak na nakikita niyang tulad niya ay all-out ang magiging paglilingkod dahil bata pa raw ang mga ito, talagang iminulat na niya sa pakikisalamuha sa mga kababayan nila.




Maraming nakapansin na sa ginanap na reunion dance concert ng Streetboys last Nov. 8 sa New Frontier Theater ay parang ‘di tumanda si Danilo Barrios.


Looking fresh pa rin ito at napaka-energetic kumilos na parang hindi napahinga sa pagsasayaw. 


Kaya naman, isa pa rin si Danilo sa mga tinitilian ng fans kahit sabihin pang ang dami nang bagong aktor-dancer ngayon. Ang lakas kasi ng karisma niya na nakakakonek sa mga manonood.


Nag-throwback pa nga ang ilang fans nu'ng kasikatan ng Streetboys nu'ng ‘90s at wala pa ring ipinagbago si Danilo, lalo na ‘yung vibrant energy niya, kaya age is just a number lang talaga.


Ano'ng sikreto ng pagiging young-looking ni Danilo? 


Well, ina-attribute niya ‘yun sa kanyang passion for dance, his commitment to fitness and most importantly, his unwavering enthusiasm for life.


Hindi lang kasi dancers ang Streetboys, entertainers din sila na lalong nagbibigay sa kanila ng energy na ipagpatuloy ang pagpapasaya ng mga tao.


At para makatulong sa kanyang healthy lifestyle, malaking bagay ang pag-take ni Danilo ng Biomax daily kasama ang regular exercise and fitness routines.


Kaya naman hanggang ngayon, always on the go pa rin si Danilo at kayang-kaya pang humataw sa sayaw at sa mga hamon ng buhay.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 28, 2024



Photo: Vilma Santos-Recto - FB


Diretsong sinagot ng well-loved Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos-Recto ang tanong namin sa kanya sa ginanap na Vilma Santos: Woman, Artist, Icon (The Vilma Santos Retrospective) talk back sa University of Sto. Tomas kahapon kung bakit mas pinili niyang tumakbong muli bilang governor ng Batangas kesa mag-senador sa upcoming elections.


Kung matatandaan, dati pa ay marami nang nag-aalok kay Ate Vi na tumakbong senador at kahit sa pagka-presidente.


Paliwanag ni Ate Vi, panahon pa ni ex-Pres. Gloria Macapagal Arroyo ay apat na beses na siyang inalok na mag-bise-presidente, pero ang katwiran nga niya, ang paglilingkod ay hindi para sa posisyon o titulo kundi pagsasakripisyo para sa kanyang mga pinaglilingkuran.


Dahil last term na ni Ate Vi sa pagka-gov. noon, mas pinili niyang tumakbong re-electionist dahil marami siyang proyektong gustong tapusin para sa kanyang mga kababayan sa Batangas.


Ang ganda rin ng sinabi ni Ate Vi na ibang-iba ang buhay niya bilang artista na pinagsisilbihan, may VIP treatment sa shooting at guesting at inirerespeto-hinahangaan ng mga tao.


Pero pagdating sa pulitika, siya ang nagse-serve sa mga tao at maraming naisasakripisyo kasama na ang malaking kinikita nila.


Natatawa nga si Ate Vi habang sinasabing sa showbiz ay malaki ang kinikita niya pero bilang public servant, sila pa minsan ang naglalabas ng sarili nilang pera sa pagtulong.

Samantala, tuwang-tuwa maging ang mga GenZ habang kausap si Ate Vi dahil ang dami-daming lessons ang natututunan nila sa itinuturing nang icon sa industry lalo na sa mga kuwento ni Ate Vi tungkol sa mga pelikulang ginawa niya tulad ng Bata, Bata, Paano

Ka Ginawa, Tagos sa Dugo, Dekada ‘70 at Ekstra.


‘Pag si Ate Vi na ang nagsalita, ibaaaa! Sabi nga niya, sa liit niyang babae, kahit ang mga brusko sa Batangas ay nakikinig sa kanya.

Well, that's how well-respected Ate Vi is.


Misis, wala raw kinuhang pera….

CHITO, IBINULGAR ANG DAHILAN KAYA INARESTO SI NERI



Binasag na ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda ang katahimikan niya at nagbigay na ng pahayag sa pagkakaaresto ng misis niyang si Neri Naig kaugnay ng ilang negosyong pinasok nito.


Sa mahaba niyang Instagram post kahapon, ito ang mababasang pahayag ni Chito, "Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito, kawawa naman yung asawa ko (praying and heart emoji).


"Never nanloko si Neri, at never s'ya nanlamang sa kapwa. Never s'yang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man, alam ng lahat 'yan. Tulong lang s'ya ng tulong hangga't kaya n'ya. Minsan kahit 'di na nakakabuti sa kanya. Kadalasan nga, naaabuso na s'ya pero hinahayaan n'ya na lang, basta wala s'yang ginawang masama, pinapasa Diyos n'ya na lang. 


"Tulad ngayon, endorser lang s'ya tapos ginamit 'yung face n'ya to get investors. Kinasuhan sya ng mga nabiktima.


"Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa s'ya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and 'di n'ya na-defend 'yung sarili n'ya. Wala s'yang na-receive na letter from the prosecutor, walang subpoena, walang kahit anong notice.


"'Yung mga dati, na-receive namin, n'ya, at nag comply s'ya, (alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso).


"Anyway, dinampot na lang s'ya bigla. (Nadismiss na 'yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we're praying na sana ma-dismiss na rin ito.)


"Wala s'yang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila na kay Chanda, ang may ari ng Dermacare.


"Sobrang bait po ni Neri...as in sobra. Eto 'yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”


Well, abangan na lang din natin kung magsasalita rin si Neri Naig.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 26, 2024



Photo: Gerald Anderson - Janno Gibbs and Stanley Chi are in the Men’s Room


Napasubo si Gerald Anderson nang mag-guest recently sa Long Conversation sa One News PH nang gisahin siya ng mga tanong nina Stanley Chi at Janno Gibbs tungkol sa kanyang makulay at controversial na love life.


Kilala namin si Gerald na mabait na tao, pero pagdating sa kanyang love life, isa siya sa mga celebrities na hangga't maaari ay gustong private na lang ang kanyang personal na buhay.


Kaya natatawa na lang kami na muntik-muntikan nang mag-walkout si Gerald sa mga pasabog na tanong ng dalawang nag-interbyu sa kanya, na in fairness, puwede na silang pumasang "Marites", lalo na si Janno, hahahaha!


Isa nga sa mga naurirat kay Gerald ay kung okay na ba sila ni "Letter B", na of course, isa lang naman ang maiisip ng lahat na taong naugnay sa kanya na may letter "B" na initial at nagkaroon nga ng issue — ang ex-GF niyang si Bea Alonzo.


Napahawak talaga si Gerald sa bibig niya at panay ang himas sa kanyang baba habang nag-iisip kung paano sasagutin ang tanong.


"Oh, my God!" bungad ni Gerald na sinundan ng "'Di ko masagot nang 100%, pero sa side ko, okay naman, kasi ang tagal na noon, eh," matipid na sagot ng aktor na mukhang naka-move on na talaga lalo't si Julia Barretto na ang karelasyon niya ngayon nang ilang taon na rin naman.


Natanong din si Gerald kung may pagkakataon bang siya ang nakipag-break sa girlfriend niya at inamin ng aktor na meron nga, bagama't 'di na ito nag-elaborate at nag-mention ng name kung sino sa mga ex-GFs niya ang hiniwalayan niya at kung bakit.

Katwiran niya, masaya naman nang lahat ang mga nakarelasyon niyang aktres at pati siya.


Nagpakatotoo rin si Gerald sa pag-aming may nag-unfollow sa kanya nang mag-break sila pero siya raw, never nag-unfollow sa Instagram ng mga ex niya at hindi rin siya nagtatanggal ng mga pictures after ng breakup.


Naitanong din kung totoo bang naging sila ni "P" na obviously, si Pia Wurtzbach ang tinutukoy dahil ito lang naman 'yung may initial na "P" na na-link din sa kanya at itinuro pang naging third party din sa kanila ni Bea noon. 

Sagot lang ni Gerald, "Chismis lang 'yun."


Samantala, may paliwanag din si Gerald kung bakit kahit tinawagan siya ni Dennis Padilla ay hindi siya nakipag-usap sa ama ng GF na si Julia Barretto. 


Ani Gerald, "I support both sides kasi pamilya niya, but again, hindi tayo puwedeng makisali d'yan (tampuhan ng mag-amang Dennis at Julia)."


"I just pray and hope na maaayos 'yan behind the scenes, 'yun ang ipinagdadasal natin palagi, pero darating din 'yan," dagdag pa ni Gerald.



Misis ng Jukebox Idol, 'di na feel mag-asawa uli… 

MADELYN: APRIL BOY, MAHIRAP PALITAN 





BILIB kami sa mga young stars na sina John Arcenas at Kate Yalung na gumanap na mag-asawang April Boy Regino at Madelyn Regino sa movie na hango sa life story ng Jukebox singer titled Idol: The April Boy Regino Story.


Talagang kinarir nina John at Kate ang pag-arte dahil nabigyan nila ng justice ang mga galaw nina April at Madelyn, lalo na si Kate na hawig talaga sa wife ni April Boy.


Pareho ring magaling umarte ang dalawa lalo na sa mga drama scenes. Ang dami ngang napaiyak sa bandang huli ng movie na sobrang touching kaya dapat talagang mapanood lalo na ng mga nag-a-idolize noon hanggang ngayon kay April Boy at gustong ma-inspire sa mga pinagdaanan niya bago naging sikat na OPM singer.


Ang daming matututunan sa naging buhay ni April Boy. May eksena nga ru'n na nagalit sa kanya ang nanay niya dahil nakaaway niya ang dalawa niyang kapatid na sina Bingo and Jimmy, pero nang magtagumpay si April Boy at sumikat na nang todo, hindi pa rin niya nakalimutan ang pamilya niya.


Naisip tuloy namin si Carlos Yulo, sana mapanood niya ang Idol: The April Boy Regino Story at baka sakaling lumambot na ang puso niya para makipag-ayos na sa kanyang pamilya.


Nilapitan namin ang biyuda ni April na si Ms. Madelyn after ng ginanap na celebrity screening ng movie sa Great Eastern Hotel sa Kyusi nu'ng Biyernes.

Kinumusta namin ito at tinanong kung bakit 'di na siya nag-asawa uli matapos mamatay si April Boy.


Suntok sa dibdib ang sinabi niyang, "Mahirap palitan si April, nag-iisa lang kasi siya."

Kung bakit niya nasabi 'yun, panoorin n'yo na lang ang Idol: The April Boy Regino Story na palabas na sa mga sinehan simula ngayong Nobyembre 27 mula sa direksiyon ni Efren Reyes, Jr. at Premiere WaterPlus Productions ni Ms. Marynette Gamboa.


Kasama rin sa pelikula sina Dindo Arroyo, Mitoy Yonting, Tanya Gomez, Rey "PJ"

Abellana at marami pang iba. 


May special participation din sa movie si JC Regino, ang anak ni April Boy Regino.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page