top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Dec. 10, 2024



Photo: Rufa Mae Quinto - Instagram


Uso talaga ang labasan ng screenshot ng private convo ngayon. 


Matapos ang controversial na Maris Racal-Anthony Jennings cheating issue na nabulgar dahil sa inilabas ng ex-girlfriend ng aktor na si Jamela Villanueva, pinagpipiyestahan naman ngayon ang diumano'y inilabas ng mister ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes sa kanyang Instagram Stories na mga screenshots ng private convo nila ng komedyana na nagko-confirm na hiwalay na sila.


Ilang buwan na ring bulung-bulungan sa showbiz na hiwalay na si P-Chi (palayaw ni Rufa Mae) sa kanyang mister na US-based, pero idinenay niya ito sa ilang recent interviews sa kanya.


Pero dahil nga si Trevor na ang mismong naglabas nito sa kanyang IG Stories, hinihintay na lang ngayon ang confirmation at side ni Rufa Mae sa hiwalayan.


Kung pagbabasehan ang kumakalat ngayon sa socmed na screenshots ng private convo nina Rufa Mae at Trevor, tila inaakusahan ng huli ang misis na may iba itong lalaki, base na rin sa inilabas niyang private message ni Rufa Mae at ng naturang guy na ka-chat nito.


Komento ng ilang netizens na nakabasa ng convo ni Rufa Mae at ng ka-chat nito, obyus namang bading ang kausap ng sexy comedienne at baka na-misinterpret lang daw ng mister niya.


Base naman sa nabasang private convo nina P-Chi at Trevor, humihingi ng financial support ang sexy comedienne sa mister para sa kanilang anak at nakikiusap na i-delete nito ang nega post tungkol sa kanya.


Pero, mukhang galit na galit si Trevor kaya ang sagot kay Rufa Mae, "F*ck you b*tch."

Ang sagot naman ni P-Chi sa mister, "If you want me out of your life, it's ok, just don’t be mean to me."

'Yun na! 


Bukas ang aming kolum para sa panig at paglilinaw ni Rufa Mae Quinto sa isyung ito.


'Di pa tumatakbong senador, threat na sa mga kalaban… ATTY. PERSIDA, NAKA-80 AWARDS SA ISANG TAON LANG!



Hindi pa natatapos ang taon, umabot na pala sa 80 awards ang natanggap ni Public Attorney's Office Chief Atty. Persida Rueda-Acosta mula sa iba't ibang award-giving bodies.


In fact, kagabi lang (December 9) ay tumanggap na naman ang most-loved and Darling of the Press ng mga movie reporters na PAO Chief ng Top Diamond Leader award mula sa The Diamond Excellence Awards na ginanap sa Grand Ballroom ng Okada Manila.


Kaya hindi talaga kataka-taka na may mga naiinggit at nakabantay sa mga kilos ni Atty. Persida lalo na nang umingay ang kanyang pangalan na tatakbong senador sa 2025 elections.


At kahit hindi nga nag-file ng Certificate of Candidacy si Atty. Persida at mas piniling manatili bilang PAO Chief, may mga nagpapakalat ng maling impormasyon at tinatawag siyang "talunang senador" dahil ngayon pa lang, mabangung-mabango na ang kanyang pangalan at malaking threat siya sa mga nag-a-aspire na makakuha ng posisyon sa Senado.


Katwiran naman ni Atty. Persida, sa kabila ng maraming clamor na tumakbo siyang senador, hindi niya pa nararamdaman ang tamang panahon para rito. Masaya na raw siya sa paglilingkod sa PAO at sa mga taong natutulungan nila.


Birong totoo pa ni Atty. Persida, mas malamang pa na maging singer siya kesa maging senador dahil love na love niya ang pagkanta at in fact, nag-voice at piano lesson pa nga siya para mag-improve ang kanyang talent.


At gamit na gamit ni Atty. Persida ang talent niyang ito dahil kapag nagpupunta raw sila sa Bilibid, kinakantahan at pinasasaya nila ang mga inmates du'n.


Kaya naman pala looking young pa rin si Atty. Persida Acosta dahil may pantanggal ng stress — ang hilig niya sa pagkanta!

I-concert na 'yan, PAO Chief!!!


CESAR, MARCO AT JASON, WAGI SA CELEBRITY GOLF TOURNAMENT



Nagwagi ang tatlong aktor na sina Cesar Montano, Jason Gainza at Marco Gumabao sa ginanap na 1st MMFF Celebrity Golf Tournament: A Grand Celebration of Legacy and Excellence last Dec. 3 sa Wack-Wack Golf & Country Club.


Si Cesar ay first runner-up sa Senior's Division. First runner-up din si Jason Gainza sa Class C Division. Habang si Marco Gumabao na kasama si Cristine Reyes that day ay 2nd runner-up naman sa Class A. 


Ilan din sa mga dumating at nag-join sina Epi Quizon, Atoy Co, Paolo Paraiso, Daisy Reyes, Christian Bautista, Mitoy Yonting, Vince Hizon, Patricia Bermudez Hizon, LA Tenorio, among others.


Ang very active naman ngayon sa mga events ng MMFF na si Enchong Dee ang nag-host ng awarding ceremony na ginanap nu'ng gabi ng Dec. 3. 


Dumating din du'n ang MOWELFUND Chairwoman na si Ms. Boots Anson-Rodrigo para magpasalamat kay MMDA Chairman Romando "Don" Artes dahil sa P1 milyong donasyon ng MMFF na magagamit para sa pagpapalawak ng mga charity works and services ng Mowelfund na makakatulong sa mga miyembro nitong taga-movie industry.


“The tournament is part of the promotional activities of the MMFF’s 50th edition and at the same time a fund-raising event. Proceeds of the tournament will go to the MowelFund (Movie Workers Welfare Foundation); and a nonprofit and nonstock organization founded by First Lady Liza Araneta Marcos, which aims to showcase and promote the Filipino films in the international scene,” pahayag ni Chairman Artes.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Dec. 8, 2024



Photo: Lito Atienza, Manny Pacquiao at Isko Moreno - FB Lito Atienza


Si Pambansang Kamao-turned Sen. Manny Pacquiao ang sinuportahang pangulo ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza nang kumandidatong pangulo noong 2022 national elections. 


Pero aminado ang former Manila mayor na malapit din siya kay ex-Mayor Isko Moreno. In fact, ipinagmalaki niya sa amin nang makatsikahan namin siya a few days ago na siya mismo ang nag-train sa dating aktor-turned politician.


"Isko is a very good politician. Tanungin mo ako bakit ko alam? Ako rin ang nag-training d'yan, eh," all-smiles na sabi ni Cong. Lito.


Kaya ang tanong namin sa kanya, kung siya pala ang mentor ni Isko, bakit hindi niya ito sinuportahan nang tumakbong pangulo nu'ng 2022, instead, kumandidato siya bilang vice-president ni Pacquiao?


Prangkang sagot ni Cong. Lito, "Eh, tumakbo si Manny Pacquiao, eh. Sinabi ko naman sa kanya (Isko) 'yun. Sabi ko, 'Isko, ikaw ay first term mayor, tatlo ang term mo, tapusin mo 'yan. Gusto kitang tulungan pero 'di kita matutulungan, kasi tatakbo 'yung aking tinutulungan, si Manny Pacquiao.'"


Malaki ang bilib ni Cong. Lito kay Sen. Manny na nakilala niya nu'ng nag-uumpisa pa lang na boksingero ang Pambansang Kamao.


Papuri pa niya kay Pacquiao, "I tell  you and I still say now, if Manny Pacquiao have won, we would be very, very smiling today and we would have found the right leader."


Dagdag pa ng tatay ni Kim Atienza, blessed na raw tayong mga Pinoy sa natural resources, ang kailangan na lang natin ay tamang lider. 


"Kailangan, ispiritwal ang lider. Kailangan, meron ding kunsensiya," aniya.

Bakit hindi nakinig si Isko sa kanya at tumakbo pa ring pangulo nu'ng 2022?


Diretsong sagot ni Cong. Lito, "Mapusok pa siya noon. Kailangang makatikim ng hagupit ng tadhana (laughs)."   


Kung tatakbo uling pangulo si Sen. Manny Pacquiao sa 2028, susuportahan ba uli ni Cong. Lito Atienza?


"Not necessarily. Pag-iisipan nating mabuti kung ano'ng makakabuti para sa ating bansa, 'yan ang gagawin natin. Pero by the time nasa Kongreso kami, we will do our best to do everything we can as lawmakers to improve the quality of life," hirit pa ng kongresista na muling tatakbo bilang first nominee ng Buhay Partylist sa 2025 mid-term elections.


JOSE MARI CHAN, PINAPURIHAN NG FFCCCII



Taos-pusong nagpapasalamat ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa renowned singer-songwriter at respetadong businessman na si Jose Mari L. Chan for his unwavering support sa various socio-civic charitable endeavors ng organisasyon.


Sa ginanap na gathering kamakailan sa pangunguna ni Dr. Cecilio K. Pedro, president of FFCCCII, pinapurihan nito ang malaking contribution ng tinaguriang Father of Christmas Songs sa kanilang mga charity works, highlighting the federation’s extensive network of 170 Filipino Chinese chambers and diverse industry organizations nationwide from Aparri to Tawi-Tawi. 



Malaki ang ginagampanan ng FFCCCII sa economic advocacy, calamity relief, free medical missions, at pagsuporta sa rural public schools, gayundin sa pagbibigay-tulong sa mga Filipino Chinese volunteer fire brigades na sumasaklolo sa mga biktima ng sunog at disasters sa iba't ibang bahagi ng bansa. 


Tulad na lang sa nakaraang anim na bagyong tumama sa 'Pinas, pinangunahan ng FFCCCII ang Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation para mai-deliver ang mga emergency food relief supplies sa mga tinamaan ng bagyo sa Bicol region, pati ang mga flood-affected areas sa Metro Manila at iba pang lalawigan.


Jose Mari Chan and Dr. Cecilio Pedro reiterated the  longstanding commitment of the Filipino Chinese business community to assist fellow Filipinos affected by disasters and to uplift underprivileged communities across the nation.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Dec. 7, 2024



Photo: Vice Ganda sa 'And The Breadwinner Is' mediacon - YT


May pa-big reveal si Meme Vice Ganda sa ginanap na mediacon ng And The Breadwinner Is… na isa sa mga official entries sa 50th Metro Manila Filmfest.


Nagsisimula pa lang ang presscon, naikuwento na ni Vice na nag-seek siya ng professional help at nagte-therapy hanggang ngayon para sa kanyang mental health dahil medyo matagal-tagal na rin daw itong “pinagdaraanan” niya na hindi naman niya binanggit kung ano, basta tungkol daw sa personal niyang buhay.


But definitely, wala raw kinalaman du'n ang kanyang pamilya na laging all-out support at napakabuti sa kanya at hindi siya inoobligang maging breadwinner kahit pa aminado si Vice na siya naman talaga ang may pinakamalaking kita sa kanilang magkakapatid.


Napag-usapan ito dahil sa latest MMFF entry ng Star Cinema at IdeaFirst Productions na tumatalakay sa isa sa mga totoong sitwasyon sa ating bansa kung saan handang gawin ng isang breadwinner ang lahat kesehodang buhay niya ang nakataya mabuhay lang ang kanyang pamilya.


Thankful lang si Vice dahil nakakaangat-angat siya sa totoong buhay kaya hindi niya kailangang pagdaanan ang pinagdaanan ng kanyang role sa movie na sa kanilang pamilya ay siya ang nagsakripisyo para lang kumita ng pera.


At sabi nga ni Vice, ayaw niyang isiping “utang na loob” na dapat tanawin sa kanya ng pamilya ang mga ginagawa niya dahil kusang-loob niyang ginagawa ang pagtulong at masaya siya ru'n.


Samantala, parang isang malaking pamilya naman sina Vice at mga co-stars niya sa And The Breadwinner Is… dahil pare-parehong malalapit sa kanya sina Eugene Domingo, Gladys Reyes, Jhong Hilario, Maris Racal and Anthony Jennings, ang batang si Argus, Via Antonio, Kokoy de Santos, MC and Lassy at maging si Malou de Guzman.

Showing na ang movie on Dec. 25 mula sa direksiyon ni Jun Lana.


GF at ka-love team, pinagsabay…

ANTHONY: SORRY KINA MARIS AT JAM



Speaking of Anthony Jennings, matapos magsalita ni Maris Racal tungkol sa trending scandal nila ngayon sa social media dahil sa nabulgar na “something” nila na sinimulan ng ex-GF umano ng aktor na si Jamela Villanueva, naglabas na rin ng public apology ang controversial actor kahapon, Biyernes, December 6. 


Sey niya, "Sa lahat ho ng mga nangyari noong nakaraang araw, sa lahat ho ng mga taong nasaktan ko, especially po si Maris at saka si Jam, humihingi ho ako ng tawad sa dalawang babae, and sa mga lahat po ng mga nadamay ko rin po.


"Iyon lamang po. Sorry po ulit."  


Pero sa kabila ng pagso-sorry ni Anthony, maraming fans pa rin ni Maris ang gigil na gigil dito dahil kung hindi pa pala nabulgar ang kalokohan niya, wala siyang balak mag-sorry maging sa dalawang babaeng nasaktan at pareho niyang niloko?


Ano naman kaya ang sagot ni Maris sa simpleng “sorry” ni Anthony at sa paninira sa pagkatao niya ng ex-GF “daw” nito?



Ayaw pang umamin ng mga bida ng My Future You na sina Francine Diaz at Seth Fedelin na magdyowa na sila, mag-BFF lang daw, pero pareho naman silang “hoping” na ang isa't isa na nga ang maging “future” nila.


Sabi ni Seth sa nakaraang grand mediacon ng My Future You na entry ng Regal Entertainment sa 50th MMFF, hindi pa niya natatagpuan ang kanyang “future” na gusto niyang makasama habambuhay, pero aminado siyang ang mga qualities ni Francine tulad ng pagiging family-oriented, maalalahanin at conservative sa pananaw sa buhay, bukod sa magagandang values nito, ang mga hinahanap niya sa isang babae.


Mahalaga para kay Seth ang family values dahil ganito rin daw siya pinalaki ng kanyang family at du'n nga sila nagkakasundo ni Francine.


Aminado rin naman si Francine na kay Seth din niya nakikita ang mga gusto at hanap niya sa isang lalaki, pero sa ngayon, pareho raw kasing career ang priority nila lalo na't mga bata pa sila at ngayon nga lang nabigyan ng malaking break para magbida sa My Future You na malalaking movies ang babanggain sa 50th MMFF.


Well, kung sila na talaga o hindi pa, ang mas mahalaga naman ay ang kilig na hatid nila sa mga fans sa kanilang MFY movie na inaasahang malakas ang hatak lalo na sa mga bagets na naghahanap ng kanilang ‘future’.


May mga lessons din sa movie kaya ‘wag palagpasin ang movie na mula sa direksiyon ni Cristiano Aquino.


Showing na rin ang MFY on Dec. 25 mula sa Regal Entertainment.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page