top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 22, 2025



Photo: File


Bago kami umuwi nu’ng Monday night, naki-fiesta naman kami nina Joel Peña, Willie Ong (‘di po si Doc Willie, katukayo lang), Mareng Caren Martinez at co-editor naming si Maricris Nicasio sa bahay ng dating TV Patrol showbiz reporter na si Marie Lozano.

Friend ni Joel ang mommy ni Marie na si Mrs. Beth Lozano kaya na-invite kami ru’n. 


Nagulat kami na habang kumakain kami, dumating si Vice-Gov. Mark Leviste kasama ang isang byuti, sexy at bata pang girl na proud niyang ipinakilala sa amin bilang “My girlfriend, Aira Lopez.” 


Naku, siyempre, ‘di na namin pinalagpas ang chance na ma-interview sila kahit nu’ng una ay nahihiya pa itong si Aira, pero habang ini-interview ay naging kampante na rin naman.


We learned from her na Sparkle talent pala siya ng GMA-7, though baguhan pa lang siya. Pero bago nag-artista, vlogger daw siya at triathlete.


And that day na nakausap namin sina VG Mark at Aira, kaa-announce lang pala nila sa social media na 5 months na silang BF-GF!


Kaya ayun, nagpakuwento kami kung paano nag-start ang kanilang love story, na panoorin n’yo na lang sa aming BULGAR Facebook page ang kabuuan ng kuwento para mas kita n’yo ang kilig nila habang nagsasalita.


Basta ang proud na sabi ni Aira, “Age doesn’t matter” kahit pa 20 yrs. pala ang age gap nila ni VG Mark, na in fairness, mukhang bumata at pumayat ngayon, ha?


At todo-smile si VG Mark na ramdam mo ang sobrang happiness at pagka-proud sa kanyang new GF na look-alike ni Pia Wurtzbach, in fairness.


Well, sabi pa ni VG Mark, naka-move on na siya sa breakup nila ni Kris Aquino bago niya naging GF si Aira, kaya ‘di naman ito masasabing “love on the rebound”.


At siguro naman, may karapatan ding magkaroon na ng love life ang aspiring congressman dahil si Kris naman ang unang nag-announce na may boyfriend na siyang doctor, ‘di ba?


Eto lang ang ironic, ha? Alam n’yo bang sabi ni Aira, fan siya ni Kris? At bukod du’n, isa rin siyang Aquino dahil ang full name niya ay Aira Lourdes Aquino Lopez, though ‘di sila blood related ni Kris.


Isa pang trivia, bago niya naging BF si VG Mark Leviste, crush daw niya noon si James Yap na ex-husband naman ni Kris.


Ang bongga ng pagkakakonek-konek, devah?


Oh, well, basta watch n’yo na lang ang interview namin sa kanila para mas makilala n’yo pa ang ipinalit ni VG Mark kay Kris Aquino.


After ng term, ipapakulong lang daw…

CONGW. LANI, TODO-TUTOL TUMAKBONG PANGULO SI BONG



Proud Caviteña si Bacoor Congresswoman Lani Mercado, pero nang dumalo ito sa ginanap na Rigodon night sa Lipa, Batangas nu’ng Linggo nang gabi bago ang kapistahan ni San Sebastian kinabukasan (January 20), ipinagsigawan ng misis ni Sen. Bong Revilla, Jr. na isa rin siyang Lipeña!


Nakasama kami sa inihandang dinner nu’ng Sunday night ng owner ng Big Ben (isang malaking complex sa Lipa) na si Joel Umali Peña (chairman din ng Lipa Tourism) para kay Congw. Lani na inimbitahan para maging guest speaker sa Rigodon, kung saan ipinakilala rin ang bagong Mutya ng Lipa na si Dana Annika Ku Wong.


Ang dami naming nalaman kay Congw. Lani na bihira naming makakuwentuhan nang personal, lalo ‘pag kasama niya si Sen. Bong.


Chika sa amin ni Congw. Lani, nang imbitahan siya na maging guest speaker sa Lipa Rigodon night, yes agad ang sagot niya dahil ang roots pala niya ay sa Lodlod, Lipa, Batangas.


Marami raw lupain du’n ang kanyang pamilya at nag-donate pa nga raw ng mga lupain ang kanyang ina base sa kuwento ng kanyang pinsan na kasama rin namin sa dinner, kaya nagulat si Congw. Lani na wala naman siyang minanang lupain sa Lipa, hahaha!


Masaya raw siyang nakabalik sa Lipa at naki-celebrate sa ginanap na Rigodon. 


Habang nagkukuwentuhan sa kanyang family background, nalaman din namin sa kanya na pamangkin niya si Tirso Cruz III at magkamag-anak din sila ni Yayo Aguila. ‘Di na lang namin masyadong natandaan ang paliwanag ni Congw. Lani kung paano sila related sa isa’t isa.


Napag-usapan din ang ilang taong pananatili ni Sen. Bong sa Camp Crame, kaya nu’ng tinanong namin si Congw. Lani kung pabor pa ba siyang kumandidatong pangulo si Sen. Bong sa mga susunod na halalan, ang bilis-bilis ng sagot nitong, “Naku, tama na! Huwag na!”


Paliwanag niya, mahirap daw maging pulitiko rito sa ‘Pinas, lalo na maging presidente, dahil pagkatapos mong ibigay lahat-lahat sa bayan, idedemanda ka pa. 

Hahaha! Parang ganu’n na nga!


At knows n’yo ba kung bakit kahit 8 na ang apo ni Congw. Lani ay ang sexy pa rin niya at never tumaba?


Well, hindi pala mahilig mag-kanin ang misis ni Sen. Bong, dahil nu’ng magkakasama kami, suman lang ng Batangas, happy na siya. 

Oh, now, alam n’yo na!


Anyway, bukod kay Congw. Lani, dumalo rin sa Rigodon night ang bunso ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na si Ryan Christian. Pero dahil nagmamadaling umuwi si Ryan dahil may float parade pa pala kinabukasan, hindi na namin ito na-interview. 


First time naming nakapanood ng Rigodon sa Lipa na isa pala sa mga tradisyon nila.

Ang pamilya ng tinanghal na Mutya ng Lipa na si Dana Annika Ku Wong na may-ari ng Fiesta World Mall sa Lipa ang naging sponsor sa Rigodon since ang former councilor na si Ms. Gwendolyn K. Wong ang chairman ng Lipa Fiesta Executive Committee 2025.


Napayakap sa mister na si Mikee…

ALEX, NAHILO SA PARADA, MUNTIK BUMAGSAK





Dinagsa naman ng mga taga-Lipa ang Claro M. Recto Street nu’ng Lunes ng umaga para sa Grand Float Parade bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Sebastian.


Ramdam na ramdam ang kapistahan dahil sa makukulay na suot ng mga participants ng parada at naggagandahang floats ng iba’t ibang establishments sa Lipa.


Ang daming nag-abang at tuwang-tuwa ang mga Lipeño na todo-kaway at pa-selfie sa mag-asawang Luis Manzano (running as vice-governor ng Batangas) at Jessy Mendiola, Ryan Christian Recto (tumatakbong congressman sa 6th district ng Batangas), Alex Gonzaga at Mikee Morada (vice-mayoralty aspirant), Ronnie Liang, Queenay, Christian Bables, Mentorque producer Bryan Dy, at senatorial candidate Camille Villar, kasama ang iba pang local candidates para sa coming elections.


Hindi nakasama sa parada ang idol naming si Ate Vi kaya na-miss namin itong makita, pero kung dumating siguro siya, mas nagkagulo ang mga tao.


Si Alex Gonzaga nga, nang umakyat sa stage para bumati ng “Happy Fiesta” sa mga Lipeño, muntik mag-collapse sa init kaya nakita naming napayakap kay Konsehal Mikee at maya-maya ay ibinababa na ng stage dahil putlang-putla na ito at nahihilo. 


Pero nilinaw ng road manager niyang si JC Baguio na hindi pa buntis si Alex kaya nahilo, ha? Kulang lang daw ito sa tulog at mainit nga kasi nu’ng umagang ‘yun.


After ng parade, nagsimba kami sa San Sebastian Cathedral at nakita rin namin du’n sina Luis, Ryan Christian at iba pang pulitiko na nagsimba rin. 

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 18, 2025



Photo: Vic Sotto at Darryl Yap - Circulated, MJ Marfori



First time na nagkaharap kahapon, January 17, sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 sina Vic Sotto at Direk Darryl Yap.


Ito’y matapos sampahan ng 19 counts ng cyberlibel case na may hinihinging P35 M damage ng Eat… Bulaga! host ang controversial director ng The Rapists of Pepsi Paloma movie na si Darryl Yap dahil sa direktang pagdawit sa TV host sa trailer ng movie sa diumano’y pangre-rape sa dating sexy star na si Pepsi Paloma.


Inabangan ng press sina Bossing Vic (kasama ang misis na si Pauleen Luna) at Direk Darryl paglabas ng korte para mahingan ng pahayag sa kanilang unang paghaharap.

Magkahiwalay na lumabas ang dalawa kasama ang kani-kanilang mga abogado.


Nang si Bossing Vic ang makumusta ng press, ang tanging isinagot nito ay “Hindi ako puwedeng magsalita, eh,” dahil na rin sa gag order ng korte na hiniling ng kampo ni Yap.

Pero nu’ng si Darryl ang kinumusta ng media, ang sagot nito, “I’m okay. I’m still finishing the movie.” 


So, hindi pa pala tapos ang shooting ng controversial film at sabi pa nga ni Direk Darryl nu’ng matanong ng press kung itutuloy pa ba ang paggawa nito, “Dapat, dapat!”  

Ngunit hindi na sinagot ng controversial director ang tanong kung nagkausap ba sila ni Bossing Vic sa kanilang paghaharap sa korte.


Samantala, may ilang napansin ang mga netizens kay Darryl Yap sa kumalat na video clip nito paglabas ng Muntinlupa RTC.


Ilan sa mga comments na nabasa namin sa isang entertainment site, “Akala ko pa naman maangas itong si Yuck paglabas ng kotse at ng court.” 


“Feeling sikat si DY. May bodyguard pa!”


“Mukhang nagpatahi pa ng OOTD si DY haha!”


“Hindi ka naman pinipigilan YAK na gawin ‘yan. Pero bakit parang nawala ang angas mo? ‘Di ba arogante ka?”


Oh, well, nag-uumpisa pa lang ang kaso at mukhang mahaba-haba pa ang tatakbuhin kaya chill lang tayo tulad ni Bossing Vic. 


Just curious lang kung maipapalabas kaya sa mga sinehan ang movie knowing na ang chairperson ng MTRCB na si Lala Sotto ay pamangkin ni Bossing Vic at anak ni Sen. Tito Sotto.


Love na love pa rin daw, para sa anak… 

RUFA MAE, TODO-ASA PA SA BALIKAN NILA NG MISTER



Inamin na ni Rufa Mae Quinto sa interview sa kanya ni Tito Boy Abunda kahapon (January 17) sa Fast Talk with Boy Abunda na may pinagdaraanan ang relasyon nila ng mister na si Trevor Magallanes, pero itinanggi niyang nag-file na ng divorce ang asawa.


Ayon kay Rufa Mae, "Bilang asawa, siyempre, inaantay ko lang na maklaro kami, mag-usap pa rin kung totoo ba talagang 'yan ang nararamdaman n'ya. Kasi lagi nga rin akong wala, eh, so baka naman puwedeng lambingan na muna, makiusap, pasensiya na.


"Kasi siyempre, pagod ako, lagi akong wala, in short. Siyempre, there's always two sides of the story, pero naiintindihan ko rin na hindi naman siyempre, puro lang ako ang tama.

Siyempre, siya rin naman, may reason din. Pero we're going through something,” lahad ni Rufa Mae na hindi na nagdetalye sa problema nila ng mister.


Nilinaw niyang wala pa sa kanilang dalawa ni Trevor ang nagpa-file ng divorce. 

"Kasi kung ayaw na rin naman n'ya, bakit ko hindi rerespetuhin 'yun? Pero 'yung legalities sa mga file-file, walang nag-file ng divorce. So, hindi ako magpa-file kasi ang dami nang nag-file, nag-file na rin ako, so ang daming file.


"Ayoko munang mag-file sa mga divorce-divorce. Dito rin naman kasi kami ikinasal sa [Pilipinas], so hindi ko alam kung ano’ng gagawin, masyadong masakit pa."


Nang tanungin ni Tito Boy kung mahal pa ba niya si Trevor, diretsahang sagot ni Rufa Mae, "Oo naman, mahal ko siya, siyempre, at saka gusto ko, siyempre, makumpleto ang pamilya namin."


At kung gusto pa ba niyang magkabalikan sila?


Sagot ng komedyana, "Ako kasi, kung ayaw na, rerespetuhin ko 'yun kahit na masakit sa akin. Siyempre, 'di ba, bakit ko pipilitin ang isang tao kung 'yun 'yung nararamdaman n'ya?"


Aniya pa, "Hangga't nga walang nagpa-file, waiting lang. Kumbaga, hindi mo tinatapos kasi para rin sa anak namin 'yun. Saka wala naman kaming matinding pinag-awayan. Ako, gusto ko pa siya, 'di ba?"


Well, sana nga ay magkaayos pa sina Rufa Mae at Trevor kahit para na lang sa kanilang unica hija na si Athena.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 17, 2025



Photo: Vic Sotto at Vilma Santos Recto - IG


Tiyak na marami ang mapapa-“Sana all” sa inamin ng latest ambassador ng Sante Barley na si Bossing Vic Sotto sa ginanap na launching niya nu’ng Martes na at his age now, 70, ay wala pa siyang maintenance medicines.


Ang sikreto ni Bossing bukod sa araw-araw niyang pag-inom ng Sante Barley sa umaga para sa kanyang good health and healthy lifestyle?


“Isa sa mga regimen ko lalo na pagdating sa pagkain, I only eat when it’s time to eat. Hindi ako kumakain in between breakfast and lunch, lunch and dinner. Hindi ako ma-junkfood. Hindi ako mahilig sa sweets. ‘Pag meron, tikim-tikim lang. I take everything in moderation.

Kahit na, alcohol o softdrinks, lahat ‘yan in moderation,” ani Bossing, na take note, bagama’t nagso-softdrinks pa rin, pero baka hindi na ‘yung brand na may letter “P” na paborito ng isang director. 


Char! Hahaha!


Nabanggit pa nga nito na hindi siya tulad nina Joey de Leon at Allan K. na mga diabetic na raw.


Tinanong namin si Bossing kung nasasabayan pa ba niya ang pagwo-workout ng misis na si Pauleen Luna tulad ng biking, pero natatawang pag-amin niya, hindi na niya keri dahil sa kanyang mga tuhod, although golf at walking daw ang kanyang exercise.


Samantala, inamin ni Bossing Vic na malaki ang naitutulong ng kanyang pag-inom ng Sante Barley products lalo na nu’ng time na ginagawa nila ang The Kingdom kung saan may mga physical scenes sila ni Piolo Pascual.


At aminado rin si Bossing na kahit first time niyang nag-drama sa pelikula, natuwa siya sa feedback ng mga tao sa role niya bilang Lakam kaya kung may offer uli na magandang istorya ay willing siyang mag-drama uli.


When asked kung sino ang dream niyang makasama pa sa drama project, aniya, ang konsepto muna ang tinitingnan niya bago siya pumipili ng makakasama.


Pero nang banggitin namin ang name ni Star for All Seasons Vilma Santos at kung posible ba silang magsama next time sa isang drama movie, “Why not?” ang game na sagot ni Bossing Vic.


Hmmm… mga Vilmanians at mga fans ni Bossing Vic, gusto n’yo ‘yan? 



SPEAKING of Ate Vi, first time naming napasok ang San Sebastian Cathedral sa Lipa, Batangas last Saturday kung saan ikinasal ang Star for All Seasons at si Finance Sec. Ralph Recto nu’ng December 11, 1992.


Naimbitahan kami ng good friend ni Mareng Karen Martinez na si Joel Pena, ang owner ng sikat na mall sa Lipa na Big Ben at producer ng musical stage play na San Sebastian: Isang Musikal para masaksihan ang year 2 ng special tribute nila kay San Sebastian bago

pa ang kapistahan nito sa Lunes, January 20.


Kung dati, sikat lang ang San Sebastian Cathedral dahil dito ikinasal si Ate Vi, ngayon ay dinadayo na rin ang naturang simbahan lalo’t ito pala ang patron saint ng mga sundalo dahil si San Sebastian ay isang sundalo sa Roma bago ito ipinroklamang santo.


Ang San Sebastian: Isang Musikal ay binuo ng Lipa Fiesta Executive Committee sa pangunguna ni Joel Pena at tampok dito ang mahuhusay na theater actors ng Lipa Actors Company.


Napabilib kami sa mga gumanap dito dahil kahit hindi sila A-list actors, ang huhusay nilang mag-perform at ang gaganda ng boses, lalo na ‘yung gumanap na bidang si Vince Conrad, at maging ‘yung gumanap na hari na assistant director din pala ng musical play kaya ang galing-galing ding umarte.


Ayon kay Joel, layunin nilang mas maipakilala pa ang background ni San Sebastian kaya ginawa nila ang San Sebastian: Isang Musikal na pinalakpakan ng mga nanood na residente ng Lipa at mga dumating na special guests.


Sayang nga lang at nasa bakasyon si Ate Vi sa Baguio that Saturday dahil birthday ni Sec. Ralph kaya ‘di siya nakapanood ng musical play, pero for sure, kapag napanood niya ito ay magiging proud din siya sa galing ng mga kababayan niya at masasabing puwede nang iikot sa Pilipinas ang play para mas marami pang makapanood.


Hopefully, pagbalik namin sa fiesta sa Lunes ay available na si Ate Vi para more chikahan pa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page