top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 28, 2025



Photo: Kathryn Bernardo, Ria at Zanjoe Marudo - Instagram


Bininyagan na pala ang anak nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na si Baby Marcel Sabino Marudo.


Nag-post ang celebrity couple sa kani-kanilang Instagram account kahapon ng mga larawan na kuha sa binyag, kung saan makikitang kasama nila ang mga dumalong ninong at ninang ni Sabino.


Sa mga ninang, si Kathryn Bernardo at ang kapatid ni Ria na si Gela Atayde lang ang nakita naming kasama sa larawan, habang non-showbiz na yata ang iba pa.

Sina Cong. Arjo Atayde at Enchong Dee naman ang mga taga-showbiz na nakita naming kasama sa mga ninong ni Sabino.


Dalaga pa si Ria, alam na naming isa sa mga closest friends niya si Kathryn, kaya no wonder na ninang talaga ang huli ni Sabino.


But we wonder kung kinuha rin kayang ninong si Daniel Padilla pero hindi lang nakadalo sa binyagan? Wala kasi siya sa group picture ng mga ninong. 


Ang alam kasi namin ay close rin si DJ kay Zanjoe Marudo at may pagsasamahan pa nga dapat silang movie, na ewan lang kung matutuloy pa dahil busy pa si Daniel sa Incognito, samantalang tatakbo naman si Zanjoe bilang ASAP Na Partylist representative sa upcoming elections.



Dati namang may public service show sa GMA-7 si AGRI Partylist Representative Wilbert Lee kasama ang mga co-hosts niyang sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak at Sherilyn Reyes-Tan, ang Si Manoy ang Ninong Ko.


Pero kahit maituturing na ring celebrity ang Bikolanong mambabatas na ngayon ay tumatakbong senador sa upcoming elections, todo-diin siyang hindi siya showbiz na tao at hindi raw niya naiisip na isapelikula ang buhay niya tulad ng ibang pulitiko na para makilala ng mga tao at makapagpapogi, nandiyang nagpo-produce pa ng biofilm o kaya’y ipinapalabas sa TV ang kanilang talambuhay.


Mas gustong makilala ni Manoy Wilbert Lee sa kanyang adbokasiya na mabigyan ng equal rights ang lahat ng Pinoy sa mga benepisyong ibinibigay ng PhilHealth.


Sa kanyang meet and greet sa media, ibinahagi ni Manoy Wilbert ang mahigit isang taon niyang pakikipaglaban para madagdagan ang mga benepisyo ng PhilHealth mula nang ibulgar niya ang bilyun-bilyong pondo ng ahensiya noong Setyembre, 2023. 


Kuwento pa niya, umaabot sa 5,000 hanggang 7,000 messages ang natatanggap ng kanilang tanggapan sa Facebook araw-araw para sa medical assistance. 


“Tungkulin nating mapagaan ang pasanin ng ating mga kababayan. Ang gusto nating baguhing kalakaran, hindi na kailangang magmakaawa ng mga Pilipino sa mga pulitiko para lang makabili ng gamot at makapagpagamot,” sabi ni Lee.  


Kung matatandaan, napabalita at naging usap-usapan ang pang-aagaw ni Manoy Lee ng mic sa Kamara habang nasa deliberasyon ng budget ng Department of Health (DOH) noong Setyembre 25, 2024.


Dahil sa nasabing pang-aagaw ng mic at walang tigil na pangangalampag ni Manoy Lee sa DOH at PhilHealth, 95% o mahigit pa ang naitaas na sa coverage ng mahigit 9,000 case rates ng PhilHealth.


Nang pinilit ng press si Rep. Wilbert kung sino ang gusto niyang gumanap bilang siya kung isasapelikula nga ang buhay niya, obyus na walang gaanong kilalang artista ang public servant kaya hirap sumagot. But in the end, at least, nasabi niyang si Coco Martin daw siguro, puwede.


Samantala, dahil tumatakbo ngang senador si Rep. Lee, pahinga muna ang kanyang TV program na Si Manoy Ang Ninong Ko na umere sa Kapuso Network mula Marso hanggang Hulyo 2024.


Baka ma-jinx siya niyan… MATARAY NA MISIS NG DATING AKTOR, BINIGYAN NA NG PAMPAGAMOT NG RICH POLITICIAN, ASAWA PINAGMUMURA PA


BLIND ITEM:


Naloloka ang mga kaibigan ng rich politician (RP) sa misis ng dating sikat na aktor (DSA) na kaibigan pa naman ng una dati, pero ngayon, mukhang friendship over na sila.


Hindi naman daw nanunumbat si RP sa malaking naitulong niya sa pagpapagamot ni DSA, pero sana raw, ayon sa mga kaibigan ni RP, binigyan man lang ng konsiderasyon ng misis ni DSA ang nagawa ni RP sa kanilang pamilya.


Kung may utang na loob daw ang misis ni DSA, sana ay naisip nito ang malaking tulong sa kanyang mister bago pinagmumura ang misis naman ni RP dahil lang sa pera.

Inakala raw kasi ng misis ni DSA na sinulot siya ng misis ni RP sa isang transaksiyon kaya nagtatalak ito at pinagmumura ang nananahimik lang namang huli.


Nakarating kay RP at sa misis nito ang ginawa ng misis ni DSA kaya tinabangan na sila at mukhang friendship over na nga ang dating magkakaibigan.


Tsk, tsk! Sayang, kilalang matulungin pa naman si RP at ang misis nito. Sana ay maayos pa ang kanilang problema at mapatawad pa nila ang misis ni DSA or else, baka ma-jinx ang huli at wala na siyang matakbuhan.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 26, 2025



Photo: Gloria Romero - Circulated, FB


Kauumpisa pa lang ng taong 2025, nagluluksa na naman ang buong movie and showbiz industry dahil sa pagpanaw ng Queen of Philippine Cinema na si Ms. Gloria Romero sa edad na 91 kahapon, Enero 25.


Mismong ang anak ni Tita Gloria na si Maritess Gutierrez ang nag-anunsiyo ng pagpanaw ng ina sa kanyang Facebook account.


Nakasaad sa FB post nito, “TO OUR DEAREST FAMILY, RELATIVES AND FRIENDS: "It is with great sadness to announce the passing of my beloved Mother, Gloria Galla Gutierrez aka Gloria Romero who peacefully joined our Creator earlier today January 25, 2025.


“For those who want to visit the wake of Mama, it will be held in Arlington Memorial Chapel, Hall A, Araneta Avenue, Quezon City.


“In this time of loss, our family deeply appreciates the support, prayers, sympathy, all the lovely messages, and heartfelt condolences that we've received. She will surely be missed dearly.”


Walang ibinigay na dahilan ng pagkawala ng respetado at hinahangaang veteran actress, pero matagal na ring nagpahinga sa showbiz ang Queen of Phil. Cinema mula nang magkasakit ito ilang taon na ang nakararaan.


Marami namang nakatrabaho ni Tita Gloria sa movie and showbiz industry ang nalulungkot sa kanyang pagkawala.


Pero nawala man si Tita Gloria, maiiwan niya sa mundo ng showbiz ang tatak na kanyang naiambag sa napakaraming pelikula at TV shows na kanyang nagawa tulad ng Tanging Yaman, Palibhasa Lalake at ang pinakahuli niyang TV show bago siya nagpahinga ay ang Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA-7.


Taos-puso po kaming nakikiramay sa kanyang pamilyang naulila.


Todo-holding hands at landian in public…

ALEXA AT KD: WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET



“What you see is what you get,” ang parehong sagot ng magka-love team na sina

Alexa Ilacad at KD Estrada nang matanong namin sa ginanap na press presentation ng mga pelikulang kasali sa 2025 Puregold CinePanalo Film Festival nu’ng Biyernes nang tanghali kung handa na ba silang aminin ang kanilang relasyon.


Bida ang KDLex sa Co-Love movie ni Direk Jill Singson Urdaneta na isa sa 8 full-length film entries sa gaganaping 2025 Puregold CinePanalo FilmFest sa Gateway Cineplex 18 from March 14 to 25, 2025, at kasama nila rito sina Kira Balinger at Jameson Blake.


Habang hinihintay na tawagin ang kanilang movie entry, napansin naming super sweet nina Alexa at KD sa kanilang table assignment - - - nagbubulungan, nagpapakitaan ng ginagawa sa kani-kanilang phone, nandiyang umaakbay si Alexa kay KD at maya-maya ay nag-holding hands na. 


2025 Puregold CinePanalo Filmfest filmmakers and lead stars



Ohhh, so sabi namin sa aming self, sila na nga dahil very comfortable na sila sa isa’t isa at parang hindi naman nila itinatago ang kanilang holding hands. 


Kaya after the presscon, tinanong namin separately sina KD at Alexa if handa na nga ba nilang aminin ang relasyon nila in public, pero bigo nga kaming marinig ang “Yes, kami na,” dahil ang parehong katwiran nila, wala naman silang dapat aminin kaninuman at what you see is what you get na nga lang.


Although, aminado naman ang dalawa na mas lumalim pa ang kanilang samahan dahil kahit wala silang project together ay nagkikita at nag-uusap sila.


Ayaw lang nilang pag-usapan ang kanilang personal na buhay ng ibang tao kaya mas pinipili nilang ‘private’ na lang kung anumang meron sila.


Ibinuking naman ni Direk Jill na naghihintayan umuwi sina Alexa at KD sa shooting ng Co-Love. So, kung ano'ng ibig sabihin nu'n, read between the lines na lang.


Samantala, bukod sa Co-Love, pasok din ang Mes de Guzman film na Sepak Takraw starring Enzo Osorio, Nicollo Castillo, Ruby Ruiz, and Acey Aguilar; JP Habac’s Olsen’s Day na bida sina Khalil Ramos, Romnick Sarmenta, and child actor Xander Nuda; at Tara Illenberger's film Tigkiliwi starring Ruby Ruiz in her second Puregold CinePanalo feature, Gabby Padilla, and Julian Paul Larroder. 


Nandiyan din ang entry ng dynamic duo na sina Christian Paolo Lat & Dominic Lat na Journeyman starring JC Santos and Jasmine Curtis-Smith. 

TM Malones will be working on Salum with stars Allen Dizon and Christine Mary Dimaisip.


Baby Ruth Villarama’s Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea will mark the first-ever documentary to join the Puregold CinePanalo line up.


Another historic first sees noted producer Catsi Catalan making her directorial debut with the film Fleeting starring Janella Salvador and RK Bagatsing.

Also in attendance at the press event were twenty-four student filmmakers from universities across the country.


With such a diverse lineup of filmmakers, the 2025 Puregold CinePanalo is primed to be another can’t-miss event for Philippine cinema. The completed films will be screened at Gateway Cineplex 18 from March 14 to 25, 2025.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 23, 2025



Photo: Ashley Ortega at Mavy Legaspi - FB, IG


Maraming fans ni Mavy Legaspi ang natuwa nang mag-viral ang mga photos nila ni Ashley Ortega sa Sinulog Festival sa Cebu kamakailan na sweet, at may holding hands video pa.


Wala na raw kailangang aminin ang dalawa dahil obvious naman sa kanilang mga galawan na may ‘something’ na sila at naka-move on na ang isa sa kambal nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi mula sa breakup nito kay Kyline Alcantara.


Happy din ang mga fans dahil it’s a tie na raw sina Mavy at Kyline, kahit pa unang naging item ang pagkakaroon na rin ng relasyon nina Kyline at Kobe Paras.


Deserve naman daw ni Mavy na makatagpo na rin ng babaeng mamahalin lalo’t napakaguwapo nito at sayang kung magiging single lang. 


Napansin lang ng mga netizens na mahilig daw pala si Mavy sa mga babaeng malakas ang personality at pang-kontrabida ang beauty.


Oh, ‘di ba, si Kyline ay una ring nagkontrabida bago naging bida sa mga serye ng GMA-7?

And si Ashley Ortega, mas nakilala rin sa kontrabida role sa Legal Wives at Wish I May.

Pero kung maraming natuwa sa bagong showbiz couple, may mga kumokontra na rin agad, dahil sa nag-viral na video na makikitang nagbe-vape si Ashley habang kasama si Mavy.


May mga komento ang ilang Marites na kapag napanood daw ni Carmina ang naturang video ng pagbe-vape ni Ashley, tiyak na aayawan nito ang young actress para kay Mavy, dahil magiging bad influence ito at baka mahawa pa ang guwapong aktor na magkaroon na rin ng bisyo.


Hirit pa ng ilang netizens, kahit pa hindi naman goody-goody ang image ni Ashley, hindi pa rin magandang makita ito in public na nagbe-vape dahil maaaring gayahin siya ng mga kabataan.


Marami tuloy curious ngayon sa reaksiyon nina Carmina at Zoren sa ipinalit ni Mavy sa ex-GF na si Kyline. 


Na-meet na kaya nila ang bagong dyowa raw ng anak at gusto kaya nila ito para kay Mavy?


Well… abangan natin ang pagbuka ng bibig ni Carmina na inaakusahan ngang stagemother at ginagawa raw mama’s boy si Mavy.


‘Yun na!


Bongga ang energy! SIKAT NA PULITIKO, NAKIPAG-THREESOME SA 2 SEXY STARS HABANG NAGKO-COCAINE 



BLIND ITEM:


MAHIRAP palang malasing ang dating sexy star na may-edad na ngayon pero maganda pa rin at in fairness ay hindi naman naging lumba-lumba tulad ng ilang kasabayan niya.


May source na nakapagtsika sa amin na minsang nalasing ang sexy star (na ewan kung beer, gin o ano’ng klase ng alak ang nainom), dumulas ang dila nito at naispluk ang lihim na itinatago nila sa baul ng former beauty queen na rich na ngayon at ng sikat na pulitiko na galing sa mayaman at powerful na pamilya.


Sa sobrang kalasingan, nawala na sa huwisyo ang sexy star at buong-ningning na ikinuwento kung paano sila nag-threesome ng former beauty queen at ng sikat na pulitiko habang sila’y high na high sa cocaine. 


Pero ito naman ay nangyari nu’ng bagets days pa nila na pare-pareho pa silang nag-e-explore sa buhay at happy-happy lang.


Baka binata pa rin that time ang sikat na pulitiko kaya wala namang issue kesehodang nakipag-threesome pa siya kina sexy star at former beauty queen.


At dahil bata pa nga, bongga pa ang energy niya that time kaya kering-keri pa niya kahit dalawang girlash ang pinagsabay niyang nagpaligaya sa kanya.


Naku, ‘wag na kayong humirit ng clue dahil pare-pareho nang tahimik ang buhay nila at ‘yan ay part na lang ng kanilang makulay na nakaraan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page