top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 5, 2025



Photo: BINI signing / ABS-CBN


“Fake news!” ang sigaw ng leader ng BINI na si Jhoanna Robles kaugnay ng isyung bubuwagin na ang pinakasikat ngayong girl group sa ‘Pinas.


Kahapon nga ay ginanap na ang signing ng renewal of contract ng BINI sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kung saan present ang mga ABS-CBN executives sa pangunguna ni Chairman Mark L. Lopez, ABS-CBN President and CEO Carlo L. Katigbak, COO of Broadcast Cory V. Vidanes, and ABS-CBN Head of TV Production and Star Magic Head Laurenti Dyogi.


Ang supposed to be super-sayang renewal of contract ay napuno ng iyakan ng mga members ng nation’s girl group at pati nga mga Blooms (BINI’s fans na present sa event) at press people ay nagpahiran din ng luha dahil sa napaka-emosyonal na mensahe ni Ma’m Cory para sa BINI.


Hindi talaga naiwasang mag-iyakan ng mga BINI members lalo na nang isa-isa nilang balikan ang mga hirap na kanilang pinagdaanan, ang tiwalang ibinigay sa kanila ng

Kapamilya Network mula sa pagiging “nobody” nila, at maging ang suporta ng kanilang mga fans na kahit pa ang dami raw nilang mga bashers ay hindi bumitaw sa kanila at patuloy silang sinusuportahan sa bawat project na kanilang ginagawa.


Pare-pareho talagang napaluha sina BINI Jhoanna, Sheena, Mikha, Stacey, Aiah, Colet at Maloi. Tanging si Gwen lang ang hindi napaiyak sa kanilang pasasalamat na nag-renew uli sila ng contract sa Kapamilya Network. 


Hindi raw kasi nila ma-imagine ‘yung mula sa naging buhay nila noon na nag-o-audition pa lang sila sa Dolphy Theater ng ABS-CBN nu’ng year 2019, ngayon ay nagre-renew na sila ng panibagong contract.


Tiniyak naman ni Ma’m Cory na anuman ang mangyari, hinding-hindi nila pababayaan ang BINI dahil mahal na mahal nila ang mga bata na grabe ang hirap na pinagdaanan maabot lang ang kanilang mga pangarap na makilala at mai-represent ang Pilipinas sa ibang bansa.


Yes, going international na nga ang BINI at in-announce mismo ni Ma’m Cory na matutuloy ang world tour ng nation’s girl group dahil may mga bansa nang naka-line-up na pagpe-perform-an ng walong members nito.


Pero bago ang world tour, next week ay ilo-launch muna ang bagong single ng BINI titled Blink Twice.


At sa February 15, tuloy na tuloy ang Biniverse World Tour Phils. concert ng BINI sa Phil. Arena kung saan ngayon pa lang ay super excited na ang mga Blooms sa mga bagong mapapanood sa BINI.


Nakaka-touch nga ‘yung mga mensahe ng Blooms na ipinalabas sa screen kahapon kaya siguro nakadagdag ‘yun para maging emosyonal ang BINI, na sinabayan pa ng mellow music kaya iyak-tawa talaga sina Jhoanna, Sheena, Mikha, Stacey, Gwen, Maloi, Colet at Aiah.



SPEAKING of iyakan, naging emosyonal din ang favorite naming Aegis Band sa ginanap na Day 2 ng kanilang pre-Valentine concert sa New Frontier Theater last Sunday, Feb. 2 titled Halik sa Ulan: A Valentine Special.


As we all know, first major concert ito ng Aegis matapos pumanaw ang isa sa kanilang vocalists na si Mercy Sunot.


Nu’ng mediacon pa nga lang para sa kanilang concert, emosyonal na ang magkapatid na Juliet at Ken Sunot dahil hindi pa rin talaga sila totally nakakapag-move on sa biglaang pagkawala ni Mercy.


Ang ikinagulat ng lahat, nagawan ng paraan ng production na maisama pa rin si Mercy Sunot sa song number nina Juliet at Ken para mabuo ang magkakapatid for one last time sa kabila ng pumanaw na ang una.


Ang galing ng pagkakagawa na pinalabas na buhay si Mercy sa pamamagitan ng pagpapakita ng dating video nito nu’ng buhay pa na kumakanta na sinabayan sa stage ng magkapatid na Juliet at Ken. 


Hindi tuloy maiwasan ng mga tao na maging emosyonal at mapaiyak din, lalo na ang mga true blooded Aegis fans.


Successful ang two-night concert ng Aegis kung saan nu’ng first night, ang mga naging special guests ay sina Moira at Martin Nievera, at nu’ng second night, sina Ogie Alcasid, Jonalyn Viray at Julie Anne San Jose naman ang nakasama ng sikat na sikat pa ring banda sa kabila ng mga bago at mas batang nagsusulputan ngayon.


Kudos to Aegis Band and to Direk Frank Lloyd Mamaril para sa tatatak na namang Halik sa Ulan: A Valentine Special concert.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 1, 2025



Photo: Jamela Villanueva - Instagram


Celebrity na ring maituturing ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings na si Jamella Villanueva dahil endorser na ito ngayon ng Ampong Dental Essentials na may tagline na “Every smile tells a perfect story.”


Swak at perfect talaga ang pagkakapili kay Jamella dahil bukod sa perfect set of teeth nito na lalo niyang ikinagaganda kapag ngumingiti, tamang-tama rin sa kanya ang tagline dahil open book naman sa lahat ang pinagdaanan ni Jamella sa relasyon nila ni Anthony, na naging national issue pa nga ang cheating scandal with Maris Racal.


First endorsement ni Jamella ang Ampong Dental Essentials at grateful daw siya sa pagkakapili sa kanya ni Dra. Camille Ampong-Casas para i-represent ang brand na mula sa successful celebrity clinic na Ampong Dental Clinic na may four branches na ngayon sa Metro Manila — Kamuning, San Juan, Cainta at Makati.


At ang bongga ni Jamella dahil first endorsement pa lang, may billboard agad siya sa EDSA!


Kaya naman natanong siya sa launching niya as endorser kung balak na rin ba niyang mag-artista.


Nagpakatotoo naman si Jamella na hindi niya kaya ang sistema ng showbiz dahil very soft type of person daw siya at hindi kakayanin ng mental health niya ang pumasok sa showbiz industry.


Inamin din niyang nakaapekto ‘yung nangyari sa kanila ni Anthony sa impression niya sa showbiz.


“Maybe po? Yes, kasi nagulat ako, eh. Witness ako du’n, eh,” nangingiting sabi ni Jamella.

Sa ngayon ay nasa moving on stage pa raw siya at hindi pa totally nakakapagpatawad, pero hindi naman daw ibig sabihin nu’n na hindi na rin siya ngingiti. Kaya nga malaking bagay din ang pagiging endorser niya ngayon ng Ampong Dental Essentials para lagi siyang naka-smile.


Anyway, naikuwento ni Jamella sa mediacon ng first endorsement niya na dalawa lang pala silang magkapatid at ulila na. Nu’ng bata pa siya, nagkaroon din daw siya ng health problem kaya feeling left out siya sa mga physical activities sa school.


At ang latest ngang pinakamabigat na dagok sa buhay niya ay nang ma-fall out of love sa kanya si Anthony na karelasyon niya nang 7 yrs. pero iniwan siya nang ma-in love kay Maris Racal.


Kung malalaman lang ng mga netizens ang naging buhay ni Jamella Villanueva, tiyak na lalo silang maaawa rito at lalo namang manggigigil kina Maris at Anthony sa ginawa sa kanya. 


Pero sa kabila ng lahat, nananatili namang metatag si Jamella at sabi nga niya, “new beginning” ang pagdating ng bago niyang endorsement na nagbibigay sa kanya ng panibagong pag-asa para ipagpatuloy ang buhay.


Well, sa nakikita naman namin, pareho lang sila ni Maris na naging biktima ng sobrang pagmamahal sa maling tao. Pero we believe na one day, makaka-move on din silang pare-pareho at magiging “lesson learned” at bahagi na lang ng kanilang kabataan ang nangyari.


Sabi nga ni Jamella, ang importante naman, kahit paulit-ulit pa tayong madapa, dapat marunong tayong tumayo at lumaban sa buhay.

That’s the spirit, ghorl!


Dapat daw, ‘pag patay na siya… JESSICA, SI SHARON ANG GUSTONG GUMANAP SA LIFE STORY NIYA




Engrande ang ginanap na Chinese New Year celebration ng The Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) led by President Dr. Cecilio K. Pedro last January 29 sa Golden Bay Seafood Resto sa Pasay City.


Present siyempre ang mga kapatid nilang Chinese businessmen at maging ang iba’t ibang pulitiko mula sa iba’t ibang panig ng ‘Pinas para makiisa sa celebration.

Pero highlight ng gabi ang pagbibigay ng pagkilala at parangal sa ilang personalidad na nakagawa ng malaking impact at kontribusyon sa ating Philippine culture, diplomacy, and civic engagement.


Kabilang dito sina dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos, National Artist Ricky Lee, topnotch journalist Jessica Soho at ang sikat na designer from Cebu na si Kenneth Cobonpue.


Dumating din si Sen. Imee Marcos on behalf of her mom para tanggapin ang award nito.

Sandali naming nainterbyu ang well-respected na si Ms. Jessica Soho ng GMA-7 matapos siyang bigyan ng parangal ng FFCCCII at sa totoo lang, sa kabila ng stature niya sa industriya, nakakabilib ang pagiging humble at accommodating ng broadcast journalist-host ng Kapuso Mo, Jessica Soho.


Tinanong namin ito na dahil may bago na naman siyang award, willing ba siya kung ang life story naman niya ang gagawan ng pelikula?


Nu’ng una ay medyo nag-isip pa ito, pero sumagot din na kung gagawan man ng pelikula ang buhay niya, dapat daw ay kapag wala na siya sa mundo at gusto niyang mailahad sa movie ang pagiging journalist niya na nakasaksi sa mga naging buhay ng ilang pangulo na ng bansa.


At kung sino ang choice niyang gumanap bilang Jessica Soho sa pelikula?

“Si Sharon!!!” ang diretsong sagot ni Ms. Jessica Soho.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Jan. 29, 2025



Photo: Carlos at Eldrew Yulo - Philippine Sportswriters Association



Marami ang natuwa nang makitang reunited na ang magkapatid na Carlos at Eldrew Yulo sa ginanap na Philippine Sportswriters Association’s (PSA) Annual Awards Night nu’ng Lunes, January 27, sa Manila Hotel.


Tinanghal ang two-time gold medalist ng Paris Olympics na si Carlos Yulo bilang Athlete of the Year, samantalang ang kanyang younger brother na si Eldrew ay binigyan naman ng Tony Siddayao Award.


Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Carlos ang Panginoon para makamit ang kanyang tagumpay na tinatamasa ngayon.


“Gusto ko lang pong magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng blessings at challenges na ibinigay Niya sa buhay ko,” panimula ni Carlos.


Kasunod nito, nagbigay-pugay din siya sa mga taong nakatulong at naging inspirasyon niya tulad kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion, sa kanyang coach na si Aldrin Castañeda at sa kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.


“Nakamit ko ang tagumpay kasama ang mga mahal ko sa buhay. Sa team ko, at sa napaka-ganda kong partner na si Chloe, salamat sa pag-aalaga,” pahayag ni Yulo.


“Kay Ma’am Cynthia, maraming-maraming salamat sa pagtitiwala. Sa mga athletes at Olympians, sobra n’yo akong minotivate. Kay Coach Aldrin, I love you po, maraming salamat.


“Sa mga nagdasal, nagpuyat, lahat po ng ‘yun ay worth it. Ako po si Carlos Yulo, at ang panalong ‘to ay panalo nating lahat,” dagdag pa ng tinanghal na Athlete of the Year.


Pero may mga nakapuna na wala pa rin ang pamilya ni Carlos sa kanyang binanggit kaya nabuhay na naman ang mga bashers ng two-time gold medalist.


Nakadagdag pa rito ang kumalat na short video clip kung saan mapapanood na habang ini-interview si Eldrew Yulo ay nagsabi ito sa kanyang Kuya Caloy na sasabay siyang umuwi, pero imbes sumagot si Carlos, nagtanong ito kay Chloe ng “Isasama ba natin ‘to?” na sinagot naman ng GF na “Ihahatid natin.”


Bagama’t hindi malinaw ang buong kuwento sa naturang video clip, hindi nagustuhan ng mga netizens ang kawalan ng sariling desisyon ni Carlos at bakit kailangan pa raw ipaalam sa GF na isasabay ang kapatid pauwi?


Umani rin uli ng negatibong komento ang controversial couple dahil naman du’n sa video na papasok sila sa PSA event na si Carlos ang may bitbit sa napakaliit lang namang bag ni Chloe.


Again, pinintasan na naman ng mga netizens si Carlos na “Andres de-saya” raw talaga ito kay Chloe. 


Habang ang hirit naman ng ibang netizens, hindi man lang binigyan ng respeto at kahihiyan ni Chloe ang BF na pararangalan pa nga namang Athlete of the Year nu’ng gabing ‘yun, pero tagabitbit lang pala ng bag niya.


Oh, well, may kasabihang “Love is blind” kaya dedma lang si Carlos Yulo kahit pa ano’ng sabihin ng buong mundo — hindi lang ng kanyang pamilya — sa kanyang nag-iisang mahal na si Chloe San Jose.


‘Wag lang mabasa ang makeup… 

HEART, GINAWANG PAYONG ANG P4 M PLUS NA HERMES MINI KELLY BAG 



MAY napanood naman kaming video footage sa Instagram kung saan makikitang sa isang event ay inabot ng ulan si Heart Evangelista. 


At dahil tanging ang napakaliit niyang handbag ang kanyang dala-dala, ito ang ginawa niyang payong panangga sa ulan para hindi mabasa ang kanyang mukha at mabura ang kanyang makeup.


Ayon sa description sa video footage, isang Hermes Croc Mini Kelly ang black handbag na gamit ni Heart na napakadelikadong mabasa dahil sa klase ng material nito na gawa sa alligator at crocodile leather.


Sa caption ng Randolphgoods na nag-post ng video, nakasaad na, “Both alligator and crocodile leathers are highly sensitive to water; exposure can lead to staining, dulling, or lifting of scales, especially on glossy finishes. To maintain their beauty, it’s crucial to avoid contact with rain and humidity. If exposure occurs, gently pat the area with a soft, dry cloth—avoid rubbing, as this can exacerbate damage. Proper care ensures these exquisite leathers retain their elegance and value over time.”


Tsinek namin ang halaga ng Hermes Mini Kelly bag ni Heart at hellooo, nasa P4 million plus lang naman ito.


OMG!!! Hindi sana nasira ang bag!!! 


Aruuuuu! Kayang-kaya si papa… 

EX-BEAUTY QUEEN, MAUTAK, PA-BAHAY AT PA-KOTSE NA, PAG-AARAL NG MGA ANAK ABROAD, SAGOT DIN NG BF NA EX-POLITICIAN 


BLIND ITEM:


USAP-USAPAN na among showbiz insiders ang pagiging spoiled ng former beauty queen sa bago niyang dyowang ex-politician.


Hiwalay sa asawa ang beauty queen na may mga anak na. Bagama’t may mga shows pa rin naman itong tinatanggap ngayon, hindi naman ganu’n kalakihan ang kanyang kinikita para makabili siya ng bahay, kotse at mapag-aral ang mga anak abroad.


Kaya naman, ang duda at chismisan ng mga BFF ng former beauty queen na nakarating nga sa mga showbiz insiders, ang papa niyang ex-politician ang sagot sa lahat ng pangangailangan ni girl.


Mautak daw ang girl dahil tiniyak nito na may makukuha siya sa ex-politician kahit hindi naman siya pinakakasalan.


Kaya naman pati ang pamilya ng girl, botong-boto raw sa ex-politician dahil spoiled nga ang former beauty queen.


Aruuuu! Maraming datung si papa!!!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page