top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 27, 2025



Photo: Rhian Ramos - Instagram


“Sexiest Baker” pala ang bagong titulo ng Kapuso actress na si Rhian Ramos, at ang mismong president ng Filipino-Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) na si Mr. Chris Ah ang tumawag nito sa kanya.


Matatandaang nag-viral sa social media few weeks ago ang photos ni Rhian na naka-bikini habang nagbe-bake ng kanyang “Bas Bake Cookies”.


Kaya naman sa ginanap na mediacon kahapon para sa Bakery Fair 2025 na magaganap from March 6 to 8, 2025 sa World Trade Center, proud na ini-announce ng FCBAI president na umoo na sa kanila si Rhian para mag-demo ng “How To Bake Frozen Bas Bake Cookies” nito.


Ang paliwanag ni Mr. Chris Ah, ang pagiging effective social media influencer ni Rhian at lakas ng hatak nito ang ilan sa mga factors kung bakit ito ang napili nilang imbitahan para maging parte ng Bakery Fair 2025.


Nag-blush naman ang FCBAI president sabay tago ng mukha sa suot na jacket nang kantiyawan ng moderator ng mediacon na si Sir Wilson Flores ng Kamuning Bakery nang tanungin namin kung natikman na ba nito ang cookie ni Rhian.


Natatawang sagot na lang ni Mr. Ah, “Sa lahat ng gustong makatikim ng cookie ni Rhian, magpunta kayo sa Bakery Fair para matikman natin ang cookie (with diin, ha? Hahaha!) ni Rhian.”


Next question, magde-demo ba si Rhian ng baking na naka-two-piece bikini at walang hairnet tulad sa viral photos nito?


Sagot ni Mr. Ah, “Bawal po kasi. Ang rule ng World Trade, bawal ang maikling shorts, dapat business attire.”


Anyway, bukod kay Rhian, darating din daw si Marvin Agustin para magbigay-support at maging speaker sa Bakery Fair 2025 kasama ang iba’t iba pang chefs tulad nina Boy Logro, Angelica Hong, Waldo Deroo, Jay Wong, Mito Sweets at marami pang iba na may demo rin ng kani-kanilang expertise para sa mga mahilig mag-bake.


Mister, never daw humirit… 

IZA, IPINAUUBAYA NA LANG KAY LORD KUNG MABUBUNTIS ULI


HINDI lang parehong strong ang personality, pareho ring madaldal, makuwento at mahabang magsalita ang mga bida ng The Caretakers na sina Iza Calzado at Dimples Romana kaya sila nagkasundo.


Kaya nga sabi ni Iza, kahit 7 days lang silang nagsama sa shooting ng Regal Entertainment at Rein Entertainment collaboration movie na showing na sa mga sinehan simula kahapon, Feb. 26, itinuturing na nila ni Dimples na “totoong kaibigan” ang isa’t isa at hindi lang “shooting friends”.



Nakita raw ni Iza ang pagiging genuine ni Dimples lalo na sa pagbibigay ng mga tips sa kanya bilang third-time mommy na ito at mas may karanasan na sa pagiging ina. 

Natuwa naman si Dimples na kahit “superstar” daw si Iza, marunong itong magbigay ng moment sa eksena at hindi nananapaw kaya maganda ang naging chemistry nila sa The Caretakers.


Natanong namin si Iza kung ang pagiging active na ba niyang muli sa showbiz ay sign na wala pa silang balak ng mister na si Ben Wintle na sundan ang kanilang first baby na si Deia.


Pa-sweet pero obyus na paiwas na sagot ni Iza, “I’d rather not answer that. Siyempre, ‘di ba, thy will be done. We would love to be blessed. Just pray for us.”


Supportive naman daw ang kanyang mister sa acting career niya at hindi ito nangungulit na sundan na nila ang kanilang panganay. Basta kung darating daw at ibibigay ni Lord, tatanggapin nila.


Pero sa ngayon, ayaw munang tumanggap ni Iza ng mga teleserye at natatawang sabi nito, “Hindi muna tayo magte-teleserye hangga’t kaya pa ng bank account.”


Samantala, puring-puri ng mga producers na sina Ms. Roselle Monteverde at anak na si Keith Monteverde (ng Regal Entertainment), maging ni Direk Lino Cayetano (ng Rein Entertainment) ang husay na ipinakita nina Iza at Dimples sa The Caretakers.


At maging ang mga supporting cast na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Althea Ruedas, Erin Rose Espiritu, Erika Clemente, Inka Magnaye at Jake Taylor ay pare-pareho ring may moment sa first horror movie ng Regal and Rein Entertainment for 2025.


Showing na at showing pa rin ang The Caretakers sa mga sinehan mula sa direksiyon ni Shugo Praico at pakiusap nga nina Iza at Dimples, bigyan sila ng chance ng mga moviegoers na panoorin ang movie dahil hindi lang ito basta horror film, may maganda rin itong lesson sa ating lahat lalo na’t tungkol ito sa love for nature at kung ano ang kayang gawin ng isang ina para sa kanyang anak.


Ibang klaseng award ‘yan…

SIKAT AT TISAY NA YOUNG ACTRESS, PADYUG SA BIGTIME POLITICIAN KAYA TODO-DISPLEY SA LUXURY CARS


BLIND ITEM:


PINAGTAASAN lang ng kilay ng ilang showbiz insiders ang press release ng isang sikat at tisay na young actress na galing sa kanyang dugo’t pawis ang ipinambili niya sa mga ipine-flex niyang luxury cars.


Bulung-bulungan na pala kasi sa showbiz na ang sikat at tisay na young actress ay dumaan na rin sa mga kamay ng matinik sa chicks na bigtime politician.


Kilalang mahilig sa bata ang bigtime politician kaya kesehodang parang anak na lang nito ang kanyang partner in bed ay mas lumalakas siya at parang nai-stemcell.


Wala pang nababalitang boyfriend ang sikat at tisay na young actress, pero obyus nga sa katawan nito na nag-iba na ang porma at hindi na pa-“Virgin Island” ang hugis. 


Well, magaling umarte ang young actress at mukhang matalino siya dahil ginamit niya ang kanyang beauty para magkaroon ng kakaibang klase ng ‘award’.


‘Yun na!


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 24, 2025



Photo: Letter to Mark - Circulated


Kumakalat ngayon sa social media ang isang sulat na diumano'y napulot ng waiter ng Dapo Resto sa QC matapos ang ginawang media launch ng single ng The Revival King na si Jojo Mendrez nu'ng Martes.


Palaisipan sa mga netizens kung sino ang "Bebe" na tinutukoy sa sulat kung saan mababasa sa dulo na ang nagsulat ay may pangalang "Jojo".


Mababasa naman sa nilalaman ng sulat ang: "Please 'wag ka ng magsayaw sa gay bar hindi kasi maganda para sa yo. Take care always. Nandito lang ako."


Kapansin-pansin na ang mga katagang “Nandito lang ako” ay title ng latest single ni Jojo Mendrez.


Matatandaan namang naging viral din kamakailan ang picture na magkasama sina Jojo Mendrez at Mark Herras sa isang hotel casino, na nasundan pa ng sorpresang pagdating ng aktor sa media launch ng Nandito Lang Ako single ng The Revival King sa Dapo Resto kung saan binigyan ni Mark si Jojo ng bouquet ng bulaklak.


Ang tanong ng mga netizens, para nga kaya kay Mark Herras — na naging kontrobersiyal din ang pagsasayaw sa gay bar kamakailan — ang naturang sulat?

Well, bukas ang aming kolum sa paglilinaw ng magkabilang kampo.


Ipinalit kay VG Mark na doktor, ‘di tumagal ng 1 year… KRIS, UMAMING SINGLE ULI



SINGLE na naman pala uli si Kris Aquino at ini-announce niya ito sa mahaba niyang Instagram post kahapon kasabay ng pagbibigay ng update sa kanyang kalusugan.


Sa umpisa ng IG post ay may mga hugot si Kris na:


“Yesterday's a closing door

You don't live there anymore 

Say goodbye to where you've been

And tell your heart to beat again

“Let every heartbreak

And every scar

Be a picture that reminds you

Who has carried you this far 

‘Cause love sees farther than you ever could

In this moment heaven's working

Everything for your good”


At sa bandang dulo ng kanyang post, mababasa naman ang “I've always been honest with all of you, for some time now I have been single, no boyfriend so clearly no fiance. I never gave details while we were a couple so it makes no sense to elaborate now.”


Kung matatandaan, June, 2024 lang nang aminin ni Kris na isang doktor niya rito sa ‘Pinas ang bagong nagbibigay ng inspirasyon sa kanya matapos nga ang naging relasyon nila ni Batangas Vice-Gov. Mark Leviste.

So, wala pang 1 year tumagal ang last BF ni Kris?





Ang pagpasok pala sa pulitika at pagtakbo bilang konsehal sa Dasmariñas, Cavite ang dahilan ng pagkawala ng karakter ni Neil Coleta sa serye ni Coco Martin na FPJ’s Batang Quiapo.


Nakatsikahan namin recently si Neil kasama ang mga kagrupo niya na tinawag na F4 o Fantastic Four ng Dasmariñas na sina Tutuy Perez, Arnel del Rosario at Vlad Maliksi, kung saan pare-pareho silang tumatakbo bilang mga independent candidates sa pagka-konsehal.


Si Neil daw ang nakaisip ng itatawag sa kanila at napag-usapan nilang mas magandang magsama-sama sila para mas mapadali ang pagkampanya at pagpapakilala sa mga residente ng Dasma lalo't sikat ang F4 at napag-usapan nga uli dahil sa pagkamatay ni Barbie Hsu na leading lady ng F4 sa Meteor Garden kamakailan.


Maayos naman daw na nagpaalam si Neil kay Coco na kakandidato siya at bigyan muna ng time para sa kampanya at nangako naman daw si Coco na puwede pang makabalik ang karakter niya sa BQ after ng eleksiyon.


Suportado rin siya ni Coco sa kanyang pagtakbo kung saan turismo ang gusto niyang isulong at balak ngang dalhin sa Paru-Paro Festival sa Dasma ang mga kaibigang artista tulad nina Coco Martin, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at marami pang iba basta available raw ang mga ito.


Nagpasabi na rin daw siya kay Daniel kung puwede siyang maikampanya sa Dasma pero naiintindihan niya kung sakaling walang time ang kumpare dahil busy naman ito sa taping ng Incognito.


First time ni Neil na sumabak sa pulitika. Matagal na raw siyang inaalok na tumakbong kagawad at kapitan pero busy siya noon at ayaw naman daw niyang mauupo siya sa puwesto pero ‘di naman niya matututukan.


Ngayon daw ang right timing dahil naramdaman niyang handa na siya at umaasa siyang pagkakatiwalaan ng mga kababayan sa Dasma lalo't marami siyang plano sa turismo sa kanilang lugar.


May kani-kanya ring advocacy at plataporma ang tatlo pang kasama ni Neil sa F4 na sina Tutuy (magpopokus sa sports), Arnel (livelihood) at Vlad (mental health) at ang bongga nila, may billboard lang naman sila sa Dasma!


Samantala, may asawa't dalawang anak na pala ngayon si Neil Coleta. Dating Wowowin dancer ni Willie Revillame ang napangasawa niya at happy family man daw siya.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Feb. 23, 2025



Photo: Erwin Tulfo - FB


Mukhang nagmamadali ang mga senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa ginanap na mediacon nila last Tuesday (Feb. 18) sa Citadines Hotel sa Pasay kaya hindi na namin nakapanayam nang one-on-one ang iba pang kandidato sa upcoming elections maliban kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao.


Kaya naman ang campaign manager na lang ng Alyansa na si Navotas Cong. Toby Tiangco ang tinanong namin kung paano hina-handle ng kanilang team kapag may mga kontrobersiyang ipinupukol sa mga kandidato ng kanilang partido.


Tulad na lang ng senatorial candidate na si Erwin Tulfo na bukod sa political dynasty ay sinisilipan din sa issue ng kanyang US citizenship.


Sagot ni Cong. Toby, “That's not an election issue, that's a legal issue, so why will he even have to answer it, ‘di ba? It's up to his lawyers to answer the legal issue. It's not an election issue so I don't think he should answer.”


Dagdag pa nito, “Ang sa akin, sagutin na lang ng kanilang mga abogado, ‘di ba? Pero ‘yung kandidato should not be bothered or destructed tungkol sa issue.”


Ang dapat daw na sinasagot ng mga kandidato ay ang kanilang mga nagawa na at balak pa lang gawin kung bakit sila tumatakbo.

So, ayun, klaro?!


‘Di maganda ‘yan, late sa show time…

DANCER-TV HOST, ‘DI PA SUPER-SIKAT, FEELING VIP NA, FIESTA, 3 ½ ORAS NA-DELAY DAHIL SA PAGPAPA-MAKEUP NIYA


BLIND ITEM:

BAD trip, imbiyerna at “never again” ang hirit ng mga organizers ng town fiesta sa isang probinsiya sa North sa ‘di pa naman sobrang sikat na female dancer-TV host pero nag-a-attitude na.


Nai-chika ng aming source na sa isang show sa town fiesta just recently, naimbitahan ang dancer-TV host para mag-perform. 


Eight o'clock ng gabi ang start ng show at 6 PM ang call time sa dancer-TV host na galing pa ng Manila. Dumating naman ito ng exactly 6 PM, pero ang siste, hindi pa nakapagpa-makeup, ayos ng buhok at kahit nagbihis man lang.


Heto na, bago mag-8 PM, kinatok na siya ng staff at pinatatawag na para makapag-start na ang show. Ang sagot ng dancer-TV host, “Wait lang!


Maya-maya, kinatok uli siya pero “Wait lang” pa rin ang drama niya hanggang hellooo…9:30 PM na nakapag-start ang show sa kahihintay sa kanya.


At nang lumabas ang dancer-TV host, simpleng makeup, kulot ng buhok at blouse and shorts lang naman ang outfit nito sa kanyang song number.


Naloka ang mga organizers lalo't inabot nang madaling-araw ang show sa kahihintay sa kanya.


Jusko!!! ‘Di maganda ‘yan, late siya sa show time, ‘no?


Game sa serye ni Coco, pero…

JANICE, TODO-IWAS PA RIN KAY JOHN


MARAMI raw mami-miss si Janice de Belen kina Sharon Cuneta at Julia Montes na nakasama niya sa Saving Grace, na bagama't tapos na silang mag-taping, mapapanood ang extended version ng drama series with never-before-seen scenes sa Saving Grace: The Untold Story simula sa March 3, 9:30 PM on Kapamilya Channel, A2Z at TV5.


Kuwento ni Janice nang maka-one-on-one interview namin after their grand mediacon last Tuesday sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, mami-miss niya ang mga “nakaw na chikahan” nila ni Shawie sa taping dahil bitin daw ang oras ng kuwentuhan nila. Kung ‘di raw kasi siya ang nakasalang sa eksena ay si Mega naman kaya wala talaga silang mahabang kuwentuhan.


Kaya nga wish nilang pareho, magkakuwentuhan sila nang mahabang oras na ‘di sila nagwo-work.


Marami raw silang similarities ni Sharon like hilig sa pagluluto, sa pagkain, sa dogs at K-drama.


After Saving Grace, wala pa raw kasunod na serye si Janice at waiting pa siya.

Kaya tanong namin, “Pa'no kung alukin ka sa Batang Quiapo?” 

Sagot niyang napangiti, “Let's see.”


Biniro namin siyang parang may laman ‘yung kanyang “Let's see”. As we all know, nasa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin ang kanyang ex-husband na si John Estrada.

Natawang sagot nito, “Ikaw lang nagbigay ng laman du'n, ate, ha?”


At nu'ng tanungin nga namin siya kung ready na siyang makasama sa serye si John, honest na sagot nito, “There are so many ways, ‘di naman namin kailangang magkita.”


At ‘pag si Coco na raw ang nag-imbita sa kanya, medyo mahirap daw tanggihan ang aktor, bukod sa inamin ni Janice na nanonood din siya ng Batang Quiapo at love raw niya ang seryeng ito bukod siyempre sa Saving Grace na pinagbibidahan nila nina Julia Montes, Sharon Cuneta at Sam Milby.


Kasama rin dito sina Jennica Garcia, Christian Bables, Elise Joson, Eric Fructuoso at Zia Grace.


Tutukan ang extended version ng Saving Grace: The Untold Story simula sa Lunes, March 3, sa direksiyon nina FM Reyes at Dolly Dulu.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page