top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 8, 2025



Photo: Ivana Alawi - Bulgar


Samantala, kung naka-zipper pa ang bibig ni Kathryn Bernardo ngayon tungkol sa estado ng kanyang love life, tuwang-tuwa naman ang entertainment press sa pagiging madaldal at open ng isa sa mga top vloggers in the country na si Ivana Alawi.


First time nagbigay ng thanksgiving party ni Ivana sa entertainment press kahapon na ginanap sa Vinta Modern Carinderia, QC.


Sa tagal nang nagso-showbiz ni Ivana at ilang taon na ring namamayagpag ang kanyang vlogs, ikinatuwa ng press na hindi niya nakalimutang magpasalamat at mag-share ng kanyang blessings through the help of her manager na si Perry Lansigan.


Ang bongga ni Ivana dahil bukod sa kanyang pa-Q&A (no holds barred at walang bawal itanong, in fairness!) ay may bonggang pa-raffle rin siya na P50 K ang grand prize!


Pero mas natuwa nga ang press sa pagiging madaldal ni Ivana kahit pa sinasabi niyang super mahiyain niya.

Isa nga sa mga naitanong sa kanya ay usaping-pulitika lalo’t malapit na ang eleksiyon.


Inamin ni Ivana na super-daming lumalapit sa kanya para mag-offer na ikampanya niya. Pero hindi raw basta-basta bumibigay si Ivana sa isang kandidato dahil talagang nagre-research daw muna siya sa background ng mga ito at sa mga advocacy o nagagawa sa bansa at maging ang intensiyon ng mga kandidato ay pinag-aaralan niya.


Ayaw daw kasi niya ‘yung basta na lang mag-eendorso ng kandidato para sa pera. Ang gusto niya ay talagang may magagawa at may ginagawa para sa bansa tulad niya na tumutulong kahit walang kapalit.


Kaya nga nang matanong si Ivana kung may lumapit din ba sa kanya para patakbuhin sa pulitika, diretso ring sagot ng sexy vlogger na marami, pero aminado raw siyang wala siyang alam sa batas kaya hindi niya feel maging kandidato, lalo’t nakakatulong naman daw siya kahit wala siya sa puwesto, at naniniwala raw siyang hindi kailangan ng posisyon para makapagsilbi sa bayan.


May napili na raw siyang suportahang partylist at inaral daw talaga niya ito bago siya ang mismong lumapit para mag-offer ng kanyang voluntary help, at siyempre, wala raw bayad ‘yun.


Sa usapin naman ng kanyang puso, nangangarap din daw siya na darating ang panahon na magkakaroon din siya ng sariling pamilya, pero sa ngayon, marami pa raw kasi siyang gustong gawin kaya hindi pa talaga niya nabibigyan ng panahon ang bagay na ‘yun.


Bigla naming naalala na minsan na rin siyang na-link sa isang pamilyadong pulitiko na si Cong. Albee Benitez, ama ni Victorias City, Negros Occidental Mayor Javi Benitez na ex-BF ni Sue Ramirez na GF naman ngayon ni Dominic Roque na ex-fiance ni Bea Alonzo (eto na naman daw kaming nagkonek-konek, haha!).

Nag-viral kasi noon ang isang photo na nakitang kasama ni Ivana at ng kanyang pamilya sa isang airport paalis ng bansa si Cong. Albee.


Kaya naman hiningi na namin ang reaksiyon ni Ivana sa pagkaka-link niya sa pamilyadong kongresista.


“Wala, dedma!” kibit-balikat na sabi nito.


Hindi ba siya na-hurt, na-bother or paano niya ito na-handle mentally?

“Walang mental, kasi ‘di naman ako na-hurt, so wala. Wala akong sinirang pamilya so dedma. Ako, masaya ako sa buhay ko. So, bahala kayo,” pagtatapos ni Ivana bago humigop ng hawak na kape.


Well, soon ay may bagong project na naman daw si Ivana na sabay-sabay na lang nating abangan dahil maging siya ay excited nang i-announce ito ‘pag ready na raw.


Ex ni Ashley Ortega, Daniel…

BAGONG BF DAW NI KATHRYN, BATANG MAYOR NG LUCENA



Topic nina kapatid na Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang latest Showbiz Update episode sa YouTube Channel ang pagkakaroon na umano ng boyfriend ni Kathryn Bernardo.


May source diumano si Ogie na nagsabing “taken” na si Kathryn last November or December, 2024 pa.


At ang sinasabing bagong boyfriend ni Kathryn ay walang iba kundi ang last year pa rin ay nali-link na rito na bata pang mayor ng Lucena, Quezon na si Mayor Mark Alcala na 29 yrs. old lang.


Pamilyar sa amin ang name ng alkalde kaya nag-Google kami sa background niya, at totoo nga, ex-boyfriend pala siya ng Kapuso actress na si Ashley Ortega na ngayon naman ay girlfriend na ni Mavy Legaspi na ex-BF ni Kyline Alcantara, na ang boyfriend naman ngayon ay si Kobe Paras.


Nagkonek-konek na raw, oh?! Hahahaha!


Anyway, going back to Kathryn, kung totoo ngang “taken” na raw ito, malamang ‘yun ang dahilan kaya medyo dumistansiya na sa kanya si Alden Richards after nilang mag-promote ng kanilang box office hit film na Hello, Love, Again at hindi dahil nakabalikan ni Kathryn ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.


Naku, for sure, maraming nag-aabang ng confirmation o denial ni Kathryn sa isyung ito lalo’t mukhang walang balak magsalita si Mayor Alcala, dahil mismo ngang si kapatid na Ogie Diaz na ay dinedma lang daw nito through text or PM at nag-seen lang nang tanungin ng veteran reporter-talent manager tungkol sa kanila ni Kathryn, ha?




 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 7, 2025



Photo: Anne Curtis - IG

 

Usapang pulitika na rin lang, isa si Anne Curtis sa mga celebrities na vocal sa mga opinion nito tungkol sa mga nangyayari sa bansa at maging sa usaping-pulitika tulad ng kanyang co-host sa It’s Showtime na si Vice Ganda.


Kahit sweet ang image ni Anne, hindi ito takot ma-bash ng mga netizens as long as mai-voice out lang niya ang kanyang mga paniniwala at ipinaglalaban.


Kaya nga marami ang nagtataka kung bakit hindi pa pumasok na lang sa pulitika si Anne at mas pinipili lang nitong mag-endorso ng mga pinaniniwalaan niyang kandidato.

Kung matatandaan, last presidential elections ay sinuportahan ni Anne ang kandidatura ni VP Leni Robredo sa pagka-pangulo.


At ngayon naman, kasama ang mga kapwa niya celebrities na sina Edu Manzano, Ogie Diaz, Bea Binene at Alex Calleja, ang nagbabalik-senador na si Bam Aquino ang sinusuportahan at ikinakampanya ni Anne.


Nang ibahagi ni Alex sa X (dating Twitter) ang screenshot ng press release ni Bam sa website ng Senado na tumatalakay sa Free College Law, ini-repost ito ni Anne na may kasamang caption na “Yes!!” na nagpapakita ng pagsang-ayon niyang maibalik sa Senado ang pinsan ni Kris Aquino.


Well, let’s see kung hanggang sa mga kampanya, makikita natin si Anne at kung handa ba nitong ibigay ang kanyang ‘free service’ bilang paniniwala sa kakayanan ni Bam Aquino.


Napag-usapan, ‘di natupad…

NORA, UMATRAS NA PARTYLIST REP, BIGLANG NAGKAMPANYA NG IBA


NAHAHARAP na naman ngayon sa kontrobersiya ang National Artist at Superstar na si Nora Aunor matapos niyang umatras bilang second nominee ng People’s Champ Partylist at pagkatapos ay lumipat sa  Kabayan Partylist na sinusuportahan at ineendorso nito ngayon.


May nabasa kaming ilang comments sa social media na namba-bash kay Ate Guy at nagsasabi na wala itong loyalty sa paglipat ng sinusuportahan, although may mga agree rin naman sa ginawa nito.


Good thing naman na agad nagbigay ng paliwanag si Nora sa kanyang naging desisyon.

Narito ang mensaheng ipinadala sa amin ng kilalang Noranian at malapit kay Ate Guy na si Rodel Fernando, “Mga minamahal kong kababayan. Nais kong iparating sa inyong lahat na ako ay nag-withdraw na bilang pangalawang nominado sa People's Champ Partylist sa mga sumusunod na kadahilanan:


“Unang-una, tinanggap ko ang nominasyon bilang pangalawang nominee dahil sa aking paniniwala na kaisa ko sila ng adhikain at layunin, ngunit habang dumaraan ang mga araw ay napagtanto ko na magkaiba pala; 


“Pinaalalahanan din ako ng aking mga doktor na umiwas sa stressful situation kagaya ng pangangampanya;


“Nawala na rin ang aking tiwala sa tao na nagkumbinse sa akin na sumali bilang pangalawang nominado.


“Wala ring malinaw na pag-uusap tungkol sa papel na aking gagampanan sa pamamahala ng partylist. At dahil dito, ako ay nagpasya nang mag-withdraw sa aking kandidatura.


“Kahit umatras ako bilang kandidato, ako ay mananatiling committed at ipagpapatuloy ko ang aking adhikain na tumulong sa mga mahihirap lalung-lalo na sa mga kasamahan ko sa industriyang aking ginagalawan.


“Maraming salamat po at nawa ay patuloy tayong patnubayan ng Poong Maykapal.”




TIYAK na marami ang naka-relate sa nakaraang episode ng CIA with BA hosted by Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Pia Cayetano (pero dahil tumatakbo ito bilang re-electionist, hindi muna ito mapapanood sa show) at Boy Abunda.


May isang residente kasi ang lumapit sa kanila at humingi ng payo sa segment na Tanong ng Pilipino tungkol sa kanyang kapitbahay na madalas magpa-party hanggang alas-tres nang madaling-araw. Kahit naireklamo na ito sa barangay, tila walang naging aksiyon.


Natatawang sagot ni Kuya Alan, "Napakaraming nakakaranas ng ganyan. Ang [mga] Pinoy po, ‘pag nagkakatuwaan, gusto talaga mag-karaoke at hindi sapat na sila lang [ang] nakakarinig, ang gusto nila, buong barangay."


Kasunod nito, ipinaliwanag niya ang legal na basehan ng mga reklamo tungkol sa ingay. Binanggit niya ang isang desisyon ng Korte Suprema na nagsasaad na hindi lang ito tungkol sa lakas ng tunog kundi sa epekto nito sa kalusugan ng mga nakatira sa paligid.


"Meron pong sinabi ang Supreme Court na hindi po ‘yung lakas o intensity ng tunog kundi ‘yung health ng kapitbahay. For example, kahit na ito’y hindi kalakasan pero nakakairita, or hindi kayo makapag-concentrate or ‘yung mga anak mo, hindi makapag-aral — ang tawag diyan ay nuisance o perhuwisyo," paliwanag niya.


Aniya pa, ang pinakamainam pa rin ay maayos na pakikipag-usap sa halip na agad dalhin sa mas mataas na awtoridad. Pero ‘pag ayaw tumigil, puwede nang ipa-barangay o i-report sa pulis.


Oh, ‘di ba, nabigyan tayo ng tip ng CIA with BA kung ano’ng puwedeng gawin sa mga pasaway.


Anyway, napapanood ang CIA with BA tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA-7 at may replays sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Mar. 5, 2025



Photo: Chloe Anjeleigh San Jose - IG

 

Buong-ningning na nakisawsaw ang controversial girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose sa nabuhay na namang gulo sa pagitan ng mag-inang Raquel Pempengco at Jake Zyrus (dating Charice Pempengco).


Sa isang Facebook post kasi ng vlogger-social media influencer na si Senyora kung saan ini-repost nito ang statement ni Mrs. Pempengco bilang sagot sa ibinulgar ni Jake sa libro nitong I Am Jake na inabuso siya ng ina at uncle nu’ng bata pa siya, nag-comment ang GF ni Caloy.


Sa FB post ni Senyora na may caption na: “May ganyan palang nanay,” mababasa ang sinabi ni Mrs. Raquel na (as is), “Kwento mo yan malamang masama ako jan, sanay na ako tawaging masama… pero anjan ka sa kinalalagyan mo ngayon dahil sa “masamang ina” na ‘to.


Ang daming netizens na nag-comment sa post, pero agaw-eksena nga ang comment ni Chloe na, “Meron pa akong kakilala, ganyang-ganyan din Senyora.”


Bagama’t walang direktang tinukoy si Chloe kung sino ang “kakilala” niyang tulad ni Mrs. Pempengco na may image nga ngayong “masamang ina” dahil sa ibinulgar ni Jake Zyrus, hindi naman syunga ang mga netizens para hindi maisip na ang nanay ng BF niyang si Carlos Yulo ang pinatututsadahan niya sa kanyang intriguing comment.


Kaya ayun, kuhang-kuha na naman ni Chloe ang gigil ng mga netizens at umabot sa libu-libong reactions at daan-daang comments ang naging komento niya at pakikisawsaw sa gulo ng mag-inang Raquel at Jake.


Oo nga naman kasi, bakit nakikisawsaw pa sa gulo ng iba, samantalang ‘yung sarili nilang issue ni Caloy ay ‘di pa nga nila maayos, ‘no?


At hmmm… ‘wag magpapakasiguro si Chloe na kapag naging ina na siya at may sarili na ring mga anak ay 100% na perfect ang kanyang magiging family life.

Aba, ibang magbiro ang tadhana, ‘no?!


Wa’ raw paki sa iniisip ng iba tungkol sa kanila…

MARK, UMAMING NAG-E-ENJOY KAY JOJO



FINALLY ay nagsalita na rin si Mark Herras sa pagkaka-link niya lately sa businessman-turned singer at binansagang “The Revival King” na si Jojo Mendrez.


Sa Facebook account ng kaibigan at showbiz colleague na si Rodel Fernando, napanood namin ang one-on-one interview niya kay Mark kahapon.


Diretsong tinanong ni Rodel kung may “something” ba sina Mark at Jojo Mendrez?


Ang pahulaang sagot ni Mark, “‘Pag sinabi ko na meron, ang daming magre-react, ‘di ba? Maraming sasabihin na kung anu-ano. ‘Pag sinabi ko namang hindi, magtatanong pa rin sila. So, bahala sila. Bahala po kayong mag-isip. Basta wala kaming ginagawang masama.”


Tungkol naman sa nag-viral na sulat ni Jojo na napulot diumano ng isang waiter sa Dapo Resto, QC para sa tinawag nitong “Babe” na may kasama pang pakiusap na ‘wag nang magsayaw sa gay bar, ang bitin uling sagot ni Mark, “No comment. ‘Pag malinaw na ‘yan, saka n’yo malalaman. Pero sa ngayon, ‘di muna.”


Sa diretso uling tanong ni Rodel kung ano’ng meron sila ni Jojo Mendrez, sabi ni Mark na obyus na mas payat ngayon, “We have this very, very good relationship as friends at colleagues. So ‘yung mga nangyayari ngayon, bahala na kayong mag-isip. Basta wala kaming ginagawang masama.”


So, saan nga ba papunta ang collab nila ni Jojo lalo’t nag-duet pa pala sila sa bagong version ng Somewhere in My Past?


“Hanggang saan? Secret! Hindi ko pa masabi. Puwedeng hanggang dito lang o hanggang du’n lang. So, let’s see. Let’s see kung saan pa dadalhin ‘yung… kung saan kami dadalhin nitong nangyayari sa aming buhay,” safe uling sagot ng aktor.


Wala bang special something sa kanila?


“Special something? Wala pa naman. Bahala kayo, kayo mag-isip. Basta kami, we’re doing this and we’re just having fun,” mukhang happy namang sabi ni Mark Herras na thankful daw dahil napag-uusapan siya ngayon at controversial siya.


Samantala, dedma lang naman si Jojo Mendrez at ang tanda namin, “no comment” din ang sagot nito nang matanong sa issue. Bahala na rin daw ang mga taong mag-isip kung ano’ng meron sila ni Mark.


Basta happy daw siya lalo’t na-surpass na ng kanyang revival hit na Somewhere in My Past ang 50 million collective views.


Bonus pa raw na nagustuhan din ng media ang kanyang original song na Nandito Lang Ako composed by Jonathan Manalo nang i-launch ito recently at ngayon nga ay pinatutugtog na rin sa mga radio stations.


Si Jojo ay mina-manage ng Aqueous Entertainment nina David Cabawatan at Vince Apostol.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page