top of page
Search
  • BULGAR
  • Sep 18, 2024

ni Eli San Miguel @Entertainment | September 18, 2024




Ikinasal na ang American singer-songwriter na si Charlie Puth, kay Brooke Sansone na isang digital marketing at PR coordinator.


Ibinahagi ng singer ang mga larawan ng kanilang garden wedding sa Instagram, kung saan naka-black suit si Charlie na may white lace details mula sa BODE, habang si Brooke ay nakasuot ng strapless gown na may floral designs mula kay Danielle Frankel.


Sa kanyang caption, inihayag ni Charlie ang romantikong mensahe para sa kanyang asawa.


“I love you Brooke…I always have, with you I am my very best. I promise I’ll love you everyday in this life, and even more when we move on to our next,” panimula niya.


“Brooke Ashley Sansone, and now you’ll be Brooke Ashley Puth. Thank you for making me the happiest man alive. It has always been you,” dagdag pa niya.


Naging Instagram official sina Charlie at Brooke noong Disyembre 2022. Inanunsiyo naman niya ang kanilang engagement noong Setyembre 2023.


Sumikat si Charlie sa kantang “See You Again” kasama si Wiz Khalifa para sa “Fast & Furious” film franchise. Nagkaroon din siya ng collaboration song kasama ang BTS member na si Jungkook para sa single na “Left and Right.”

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment | September 17, 2024



SSS

Naaresto sa New York ang American rapper na si Sean "Diddy" Combs, na naharap sa sunud-sunod na kaso ng sexual assault at inimbestigahan sa federal na kasong human trafficking nu'ng nakaraang taon, ayon sa kanyang abogadong si Marc Agnifilo.


Nangyari ang pag-aresto kamakailan sa Park Hyatt Hotel sa 57th Street sa Manhattan kung saan dinala si Diddy sa kustodiya ng Homeland Security Investigations, ayon sa isang hindi pinangalanang source na pamilyar sa mga naganap na negosasyon.


Wala pang linaw ang mga paratang at detalye ng kaso laban kay Combs sa kasalukuyan. Ayon kay Agnifilo, nakikipagtulungan ang kanyang kliyente sa imbestigasyon na humantong sa indictment kaya kusang lumipat ito sa NY nu'ng nakaraang linggo upang harapin ang mga paratang dito. Nanindigan naman ang team nitong inosente ang at sinabi nilang wala itong itinatago.


 
 

ni Angela Fernando @International News | September 15, 2024



SSS

Umamin ang international singer na si Justin Timberlake sa kanyang kasalanan at sa mas magaang na kaso ng drunk driving bilang bahagi ng isang kasunduan sa mga prosecutors ng Suffolk County, New York (NY) kamakailan.


Magugunitang ito ay kadikit ng insidenteng kinasangkutan ng singer nu'ng Hunyo, 2024 sa Sag Harbor, New York.


Hinatulan ni Sag Harbor Village Justice Carl Irace si Timberlake ng 25-oras na community service at iniutos na gumawa siya ng public safety announcement.


Magbabayad din ang pop star ng multa na $500 at sinuspinde ang kanyang lisensya sa pagmamaneho sa NY State sa loob ng 90-araw.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page