top of page
Search

ni Angela Fernando @K-Buzz | Oct. 1, 2024



News Photo

Inilabas na ng BLACKPINK member na si Jennie Kim ang 16 seconds teaser para sa kanyang bagong awiting "Mantra" na ilalabas ngayong Oktubre. Kinumpirma rin niya sa Instagram post na ilalabas niya ang bagong single sa darating na Oktubre 11.


Matatandaang nauna nang ipinost ng Korean idol ang isang video teaser kung saan tampok ang anim na mantras para sa magagandang kababaihan.


Naiulat na rin kamakailan na maglalabas si Jennie ng bagong awitin sa ilalim ng bagong partnership sa Columbia Records. Ang "Mantra" ay kasunod ng special single ni Jennie na "You & Me," na inilabas niya nu'ng Oktubre, 2023.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | Sep. 29, 2024



News Photo

Iniulat ng mga United States media na ikinasal na ang kilalang "Pitch Perfect" star na si Rebel Wilson sa kanyang partner na si Ramona Agruma sa Sardinia, Italy.


Ayon sa People.com, binanggit ng kanilang source na nagpakasal sina Rebel at Ramona sa nasabing lugar dahil dito sila nagbakasyon nu'ng una nilang isinapubliko ang kanilang relasyon.


Nilinaw din ng source ng US magazine na ang kasal ay maliit at pribadong seremonya lang kung saan tanging pamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa ang dumalo. Matatandaang kinumpirma nina Rebel at Ramona ang kanilang relasyon nu'ng Hunyo 2022.



 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Sep. 28, 2024




Isa na ngayong artist sa ilalim ng Atlantic Records si Rosé ng K-pop group na BLACKPINK. Inanunsiyo ng singer ang balita sa kanyang mga “number ones” sa isang Instagram post, kung saan ipinakita niya ang mga larawan ng isang rose bouquet, at kasama rin ang kanyang team.


“I know you’ve all waited sooo long for this moment, but I hope you’re READY for what’s in store for the next few months!!” ani Rosé sa caption.


“I CANNOTTT wait for you all to hear everything. So hang on tight!! Miss you all dearly," dagdag pa niya. Gumawa rin si Rosé ng bagong Instagram account na may handle na @vampirehollie, para makakuha ang mga fans ng quick update at mga cute moments mula sa team.


Ang Atlantic Records ay isang American record label na nagma-manage sa mga artists tulad nina Bruno Mars, Coldplay, Lizzo, Sia, at marami pang iba. Noong Hunyo, pumirma si Rosé sa The Black Label, na nasa ilalim ng YG Entertainment, para sa kanyang solo project. Si Rosé ang nag-iisang miyembro ng Blackpink na hindi naglunsad ng sariling record label.






 
 
RECOMMENDED
bottom of page