top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | Oct. 6, 2024



News Photo

Buong sigla at saya na nagtanghal ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo para sa kanyang mga Pinoy fans sa "Guts" world tour concert niya sa Pilipinas nitong Sabado ng gabi. Sa social media, ibinahagi ng "Drivers License" singer ang isang sweet Tagalog message sa kanyang sold-out concert sa Philippine Arena sa Bulacan.


Buong pagmamalaki niyang isinigaw kung gaano siyang ka-proud na maging Pinoy. "I wanna say proud Pinoy ako, my Tagalog isn't so good, but I'm working on it," aniya bago nagpatuloy sa pagtatanghal ng panibagong kanta. Puno naman ng suporta ang comment section, kung saan inihayag ng mga fans ang kanilang pagmamalaki kay Olivia sa patuloy na pagpapakita ng kanyang Filipino roots.


Sa concert, itinanghal ni Olivia ang mga hit songs na "Traitor," "Vampire," at "Drivers License." Upang ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang lahi, nagsuot siya ng puting shirt na may nakasulat na "Pinoy Pride" habang kinakanta ang huling awitin niyang "Good 4 U."


Bago ang kanyang concert, naglibot muna si Olivia Rodrigo sa Intramuros kasama ang kanyang boyfriend, ang British actor na si Louis Partridge, kung saan ilang masuwerteng fans ang nakakuha ng mga litrato kasama ang magkasintahan.


 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment | Oct. 2, 2024



News Photo

Nahaharap ngayon sa kasong sexual misconduct ang global artist na si Sean “Diddy” Combs, isa sa pinakasikat na music executives, producers, at hip-hop performers, matapos sampahan ng 120 katao na diumano'y biktima niya.


Inihayag ng abogadong si Tony Buzbee ngayong Martes na siya ay kumakatawan sa 120 katao na nag-aakusa ng sexual misconduct laban kay Combs. Inaasahan ni Buzbee na ihahain ang mga demanda sa loob ng susunod na buwan.


Iniulat ni Buzbee na binubuo ang mga biktima ng 60 lalaki at 60 babae, kung saan 25 ang mga menor de edad nang maganap ang naturang misconduct. Isang biktima ang nagbunyag na siya ay inabuso sa edad na 9.


Ang mga paratang ay sumasaklaw mula 1991 hanggang sa kasalukuyan. “This type of sexual assault, sexual abuse, sexual exploitation should never happen in the United States or anywhere else. This should have never been allowed to go on for so long. This conduct has created a mass of individuals who are injured, scared and scarred,” ani Buzbee sa isang news conference.


Matapos ilabas ang mga akusasyon sa Texas, sinabi ng abogado ni Sean “Diddy” Combs na si Erica Wolff na, "[Combs] cannot address every meritless allegation in what has become a reckless media circus.


“That said, Mr. Combs emphatically and categorically denies as false and defamatory any claim that he sexually abused anyone, including minors,” pahayag ni Wolff. “He looks forward to proving his innocence and vindicating himself in court, where the truth will be established based on evidence, not speculation,” dagdag pa niya.


Sinabi ni Buzbee na higit sa 3,280 indibidwal ang nakipag-ugnayan sa kanyang firm na nagsasabing naging biktima sila ni Sean “Diddy” Combs. Matapos suriin ang mga alegasyon, pinili ng kanyang firm na kumatawan sa 120 tao, habang ang ibang mga kaso ay patuloy pang sinusuri.


Ayon pa kay Buzbee, naganap ang karamihan sa nasabing pang-aabuso sa mga party sa New York, California at Florida, kung saan ang mga indibidwal ay binigyan ng mga inuming may halong droga.


Si Sean “Diddy” Combs, 54, ay nasa kustodiya ng Metropolitan Detention Center sa Brooklyn mula nang mag-plead ng 'not guilty' noong Setyembre 17 sa mga paratang ng paggamit ng kanyang kapangyarihan at kasikatan upang hikayatin ang mga babaeng biktima na makilahok sa mga 'drugged sexual performance' kasama ang mga lalaking sex workers sa mga kaganapang tinawag na “Freak Offs.”


 
 

ni Angela Fernando @K-Buzz | Oct. 1, 2024



News Photo

Inilabas na ng BLACKPINK member na si Jennie Kim ang 16 seconds teaser para sa kanyang bagong awiting "Mantra" na ilalabas ngayong Oktubre. Kinumpirma rin niya sa Instagram post na ilalabas niya ang bagong single sa darating na Oktubre 11.


Matatandaang nauna nang ipinost ng Korean idol ang isang video teaser kung saan tampok ang anim na mantras para sa magagandang kababaihan.


Naiulat na rin kamakailan na maglalabas si Jennie ng bagong awitin sa ilalim ng bagong partnership sa Columbia Records. Ang "Mantra" ay kasunod ng special single ni Jennie na "You & Me," na inilabas niya nu'ng Oktubre, 2023.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page