top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 16, 2023




Makikilala na nang mas malalim ng mga "Swifties" si Taylor Swift dahil maglalabas na ang TidalWave Comics ng isang biographical comic book tungkol sa sikat na singer.


Bahagi si Taylor ng isang Female Force series ng nasabing publisher na nagbibigay ng limelight sa mga maimpluwensyang personalidad.


Itinatampok sa series ang buhay ng singer at ang mga naabot nito sa kanyang career.


Ayon sa author na si Eric M Esquivel, dapat lang na mabigyan si Taylor ng kanyang sariling comic, sa makulay na pananamit pa lang nito at pakikipaglaban sa mga corporate villains na gumagamit ng pera at kapangyarihan para kontrolin ang buhay niya, ay wala nang ibang mas babagay na karakter.


Ilalabas ang nasabing comic sa Disyembre 31.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 29, 2023




Ibinahagi ng singer na si Taylor Swift ang kanyang karanasan kasabay ng pagpapakilala sa re-release ng kanyang 2014 album na '1989' kamakailan.


Kasabay na rito kung paano umano siya madalas maging headline dahil sa kanyang "dating" background.


Pahayag ni Taylor, bago niya sulatin ang album na ito, ay naging sentro na siya ng "slut-shaming" dahil sa paraan niya ng pagsulat ng mga kanta ukol sa kanyang naging relasyon.


Sey pa ng singer, laging napagkakamalan ang kahit sinong kasama niyang lalaki na ka-date o boyfriend niya at ginagamit ito laban sa kanya.


Sinubukan ng singer na baguhin ang tingin ng mga tao sa kanya sa pamamagitan ng mas madalas na pagsama sa kanyang mga kaibigang babae pero may masasabi at masasabi pa rin naman daw ang kanyang mga kritiko.


Sa kanyang pagbabalik-tanaw sa panahong 'yun ng kanyang buhay, alam na umano niyang marami siyang hindi alam at marami nang nabago.


Sa ngayon, kailangan na lang umano niyang i-shake it off ang mga sinasabi tungkol sa kanya.






 
 
  • BULGAR
  • Oct 29, 2023

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 29, 2023




Pumanaw sa edad na 54 ang US actor na si Matthew Perry, na kilala bilang si Chandler Bing sa tanyag na '90s TV sitcom na Friends.


Ayon sa LA Times at TMZ, na unang nag-ulat ng pagpanaw ni Perry, natagpuan ang aktor na walang malay sa hot tub sa kanyang bahay.


Ayon naman sa law enforcement, walang indikasyon ng foul play sa pagkamatay ng aktor.


Umere ang Friends mula 1994 hanggang 2004, na tungkol sa buhay ng anim na magkakaibigan na naninirahan sa New York City.


Napanood ang huling episode nito ng 52.5 milyon sa US, dahilan para maging most watched episode ng TV noong 2000s.


Bukod sa "Friends", lumabas din si Perry sa iba pang pelikula tulad ng "Fools Rush In" at "The Whole Nine Yards".

 
 
RECOMMENDED
bottom of page