top of page
Search

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 7, 2024




Sa Instagram story ng isang member ng Blackpink group na si Lisa, ipinakita niya ang isang black-and-white photo para sa kanyang upcoming project.


Ani Lisa, “Coming soon” bilang caption sa kanyang photo na nagpa-excite sa mga fans ng Blackpink.


Hindi nagbigay ng kahit anong clue ang singer dahil nu'ng nakaraang buwan lamang ay nag-hit ang performance nito na "Money” sa France para sa Paris Fashion Week, at nagkaroon ito ng chance para maka-bond si Rihanna na kilala sa mga kantang pang-Pop and R&B ang datingan.


Well, hopeful pa rin ang mga fans sa pagbabalik ng Blackpink sa kabila ng hindi na sila nag-renew ng kanilang mga contracts sa YG Entertainment.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 2, 2024




Inilabas na ng Netflix ang teaser at paunang sulyap sa "Squid Game" Season 2, ang matagal nang inaabangan na Korean series.


Ipinalabas noong 2021 ang unang season nito at naging biggest show sa Netflix na may 2.2 bilyong oras na napanood sa unang 91 na araw nito sa platform.


Sa teaser ng "Squid Game" Season 2, ipinakita si Gi-hun (na ginampanan ni Lee Jung-jae) na itinigil ang kanyang plano na pumunta sa US.


“I will find you. No matter what it takes,” deklara ni Gi-hun sa isang phone call sa airport.

Umiikot ang kwento ng "Squid Game" sa isang malaking grupo ng mga kalahok na naglalaro ng mapanganib na mga larong pambata upang manalo ng premyong 45.6 billion won.


Si Hwang Dong-hyuk, ang unang Asian director na nagwagi ng Emmy para sa Outstanding Directing, ay bumabalik bilang director, writer, at producer para sa "Squid Game" Season 2.


Kasama pa rin sa "Squid Game" Season 2 ang returning stars na sina Lee Jung-jae, Lee Byung-hun, Wi Ha-jun, at Gong Yoo. Ang new cast members naman ay kinabibilangan nina Yim Si-wan, Kang Ha-neul, Park Gyu-young, Lee Jin-uk, Park Sung-hoon, Yang Dong-geun, Kang Ae-sim, Lee David, Choi Seung-hyun, Roh Jae-won, Jo Yuri, at Won Ji-an.


Hinihintay pa rin ang anunsiyo ng Netflix tungkol sa release date ng "Squid Game" Season 2 ngayong taon.

 
 

FPni Angela Fernando - Trainee @News | November 21, 2023




Makikitang muli ng madla si Hope o mas kilala bilang Liza Soberano sa susunod na season ng Korean show na "Hwaiting."


Ibinahagi ng Dive Studios ngayong Martes na kasali si Hope sa ika-apat na season ng nasabing palabas online.


Saad ng Dive, pinakakapana-panabik ang magiging season ngayon ng nagbabalik na palabas at dapat abangan ng mga tagasuporta nito.


Hindi naman naitago ng aktres ang saya nito sa kanyang post sa Instagram at sinabing excited siya na mapanood ng lahat ang TV show.


Makakasama ni Hope sa palabas ang ilan sa mga naglalakihang bituin ng K-pop, tulad nina Eric Nam, Kevin and Jacob ng The Boyz, Jinjin ng ASTRO, at former Momoland member na si Nancy.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page