top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 10, 2024




Hollywood debut ni Liza Soberano, huge success talaga!


Kamakailan ay naging maingay ang pangalan ng Pinay actress na si Liza Soberano dahil marami ang napabilib ditong American critics sa kanyang performance sa "Liza Frankenstein," na lumabas sa mga sinehan nu'ng Miyerkules.


Kasabay ng mga papuring nakukuha ng pelikulang pinagbibidahan nina Kathryn Newton at Cole Sprouse, a breath of fresh air nga raw kung maituturing ang pagganap ni Liza sa karakter ni Taffy.


Sey pa ng American filmmaker na si Joe Russo, scene-stealer and superstar daw talaga si Liza.


May isa pang komento ang nagsabing sana ay umikot na lang ang kwento kay Taffy dahil may edge sa karakter nito na "very humane," at ginampanan daw ito nang maayos ng aktres.


Talagang maganda ang simula ng career ni Liza sa Hollywood kaya looking forward ang madla sa mga susunod na projects nito.

 
 

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 9, 2024




Nakakuha ng atensiyon ang isang Instagram post ni CL kasama ang iba pang members ng 2NE1 na sina Dara, Park Bom, and MInzi sa isang elevator na nakatingin sila sa ceiling nito.


Nitong February 7, nakita ang South Korean girl group na 2ne1 na nag-reunite after two years ng kanilang hiatus.


Ayon sa mga Blackjacks na tawag sa mga fans ng 2ne1 ay parang nagbibigay ng pahiwatig ang girl group para sa muling pagbabalik nila sa K-pop world.


Sa isang post ni Sandara Park o mas kilalang Dara ay meron silang mirror selfie kapareho sa post ni CL na nagpaingay sa mga fans.


Ngunit sa post ni Dara, ang caption niya lang ay mga heart emojis na nag-represent ng kanilang individual colors.


Samantala, ang mga fans ay hindi mapigilang mag-comment ng ganito “2ne1 will have comeback album and performing this year under 88rising Futures in Coachella 2024.

Let our delulu ass claim this.”


“Our Blackjack hearts. The fact you all are still best friends. We love you. One more reunion please," komento ng isang fan.


“Miss you so much,” dagdag pa ng isang netizen.


Nag-debut ang 2NE1 nu’ng 2009, at last Coachella 2022 sa set ni CL nagkaroon sila ng reunion kung saan kinanta nila ang sikat nilang mga songs like “Fire”, “I Don’t Care” and “I Am The Best”.


Sa ngayon, patuloy na nakakakuha ng maraming likes ang post nina Dara at CL sa Instagram at mga comments ng fans, ang sigaw pa rin ay “Comeback please!”

 
 

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 8, 2024




Muling magbabalik-teatro ang bida ng Spider-Man na si Tom Holland para sa palabas na “Romeo and Juliet”.


Maging ang stage director na si Jamie Lloyd ay excited sa mangyayaring plot twist ng “Romeo and Juliet” na isinulat ni William Shakespeare nu'ng taong 1597.


Ang version ng “Romeo and Juliet” na may mga iconic scenes ay hindi mawawala ayon sa director, pero meron siyang bagong vision para sa istorya nina Romeo and Juliet.


According kay Direk Jamie, magsisimula silang mag-film nito sa London for 12 weeks simula May 11.


Magiging kauna-unahan uli itong stage perfomance ni Holland matapos ang kanyang debut bilang bida sa “Billie Elliot the Musical” na ginanap sa West End nang matagal na panahon.


Ani Lloyd “Tom Holland is one of the greatest, and most exciting young actors in the world.


“It’s an honor to welcome him back again to the Wes End,” dagdag ng direktor.

Bagama’t ngayon ay poster pa lang ang ipinapakita ni Holland sa kanyang Instagram, umani na ito ng milyun-milyong likes.


Lahat ng Marvel fans ay excited sa magiging partner ni Holland sa naturang palabas.

Magiging available na sa online ang ticket at magsisimula ito sa February 13, bago ang Valentine’s Day.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page