top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 22, 2024




Pasok ang digital single ni Kim Taehyung o mas kilala bilang V ng K-pop group na BTS sa Official Singles Chart sa unang pagkakataon dahil sa kanyang kantang "FRI(END)S".


Ang kanyang nasabing single ang highest-ranking na kanta ngayon sa chart na tumalo sa opisyal na debut single niyang "Slow Dancing".


Samantala, nag-No. 1 din sa Official Singles Downloads Chart at No. 2 naman sa Official Singles Sales chart ngayong linggo ang kanyang new single.


Inulan naman ng suporta ng 'ARMY' ang tagumpay ng singer at nagpaabot sila ng kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng mga uplifting and sweet comments.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 19, 2024




Ni-reject ni Jennie Kim ng K-pop girl group na BLACKPINK ang offer na bumida sa bagong Korean variety show na "My Name is Gabriel."


Ayon sa Korean TV network na JTBC, iniulat ng Soompi nitong Martes na hindi lalahok ang K-pop idol sa darating na proyekto dahil wala siyang plano na lumabas sa mga variety show sa ngayon.


Tampok sa "My Name is Gabriel" ang mga cast na sinusubukang alamin ang karanasan ng pamumuhay sa ibang bansa.


Noon pa, inihayag ng JTBC na ang sikat na mga aktor na sina Ji Chang Wook, Park Bo Gum, at Yeom Hye Ran, kasama ang mga entertainer na sina Park Myung Soo at Hong Jin Kyung, ay magiging bahagi ng proyekto.


Nakatakda namang ipalabas ang variety show sa Hunyo.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 16, 2024




Kinumpirma na ng South Korean actress na si Han So-hee ang kanyang relasyon sa “Reply 1988” star na si Ryu Jun-yeol sa kanyang Naver blog.


Isang araw matapos itanggi ng management agency ng aktres ang mga tsismis tungkol sa kanilang pagde-date, inilabas ni Han ang kanyang personal na kumpirmasyon.


Gayunpaman, hiniling niya sa mga fans na huwag gumawa ng mga espekulasyon tungkol sa pagiging “rebound” niya.


Sa kanyang blog, nilinaw ng aktres na nagkamabutihan sila ni Ryu noong simula ng 2024, at natapos ang relasyon ni Ryu sa kanyang “Reply 1988”co-star at ex-girlfriend na si Hyeri noon pang umpisa ng 2023.


“We were into each other at the beginning of 2024. I was told [Ryu] became single in early 2023 and the breakup article was published in November. Based on this fact, I continued to keep my feelings and the relationship,” anang aktres.


Sinabi rin ni Han na hihingi siya ng tawad kay Hyeri matapos umano niyang magparinig sa Instagram Story kamakailan.


“I will apologize to this person (Hyeri) regarding this, and I sincerely apologize to you all for not reacting wisely. I acted based on my emotions rather than rational thinking, I acknowledge that this is completely my fault,” aniya.


Samantala, hanggang sa ngayon, hindi pa naglalabas ng pahayag ang management agency ni Ryu.


Matatandaang sumikat si Han bilang kontrabida sa 'The World of the Married' noong 2020, ang drama series na nakapagtala ng pinakamataas na viewer ratings sa South Korea.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page