top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 16, 20244




Inilabas na ng management ng Korean singer na si Park Bo Ram na XANADU ang opisyal na resulta ng autopsy ng yumaong singer.


Nilinaw nilang walang homicide o suicide na nangyari o naging dahilan sa pagkamatay ng singer.


Nakiusap din ang management na tigilan na ang mga rumors na pinapakalat patungkol sa pagkamatay ni Bo Ram.


Hindi naman nakalimutan ng XANADU na magpaabot ng kanilang taos-pusong pakikiramay sa pamilya, kaibigan, at mga naulila ng singer dahil sa kanyang biglaang pagpanaw.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | April 12, 2024




Inilabas na ng sikat na K-Pop boy group na Stray Kids (SKZ) ang isang Japanese drama OST para sa unang pagkakataon mula nang sila ay nag-debut.


Ngayong Abril 12, inilabas ang “Why?” bilang official soundtrack ng drama series na “Re: Revenge - Yokubo No Hate Ni” na nagsimulang umere noong Abril 11.


Sa parehong araw ng release date ng kanta, agad naman itong nag-trending sa social media platform na X (dating Twitter).


Damang-dama ang excitement ng mga fans dahil ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng kontribusyon ang SKZ sa paglikha ng isang soundtrack para sa isang Japanese content.


Bukod dito, ang "Why?" ay isinulat ng production trio ng Stray Kids, na kilala bilang 3racha, na binubuo ng mga miyembro na sina Bang Chan, Changbin, at Han.


Ang SKZ ay binubuo ng walong miyembro na sina Bang Chan, Lee Know, Han, Changbin, Hyunjin, Seungmin, Felix, at I.N. Sumikat sila sa ilalim ng JYP Entertainment.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 27, 2024




Hindi mahaharap ang ama ng sikat na singer-songwriter na si Taylor Swift sa kahit anong kaso laban sa umano'y pananakit nito sa mga paparazzi sa Sydney nu'ng buwan ng Pebrero, ayon sa pulisya ng Australia.


Ayon sa tagapagsalita ng New South Wales (NSW) Police Force, nagsagawa sila ng imbestigasyon matapos ang ulat ng nasabing pananakit sa Neutral Bay Wharf, Sydney bandang 2:30 ng umaga nu'ng ika-27 ng Pebrero.


Nilinaw din ng tagapagsalita na wala ng gagawing aksyon ang pulisya tungkol sa kaso na may kinalaman sa 71-anyos na ama ni Taylor na si Scott o mas kilala bilang “Papa Swift”.


Matatandaang nu'ng Pebrero, iginiit ng photographer na si Ben McDonald na sinaktan siya ng ama ng singer matapos ang huling show nito sa Australia para sa Eras tour.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page