top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | April 23, 2024




Idaraos ng Icelandic-Chinese singer na si Laufey ang kanyang Bewitched: The Goddess Tour sa SM Mall of Asia Arena sa Setyembre 3.


Sa social media platform na X, inihayag ni Laufey ang kanyang excitement sa pagbalik sa Pilipinas. “MY FIRST ARENA HEADLINE IN MANILA. MAHAL KITA!” saad niya.


“I'll also be seeing u at the symphony in May,” dagdag ni Laufey tungkol sa kanyang concert, ang Laufey: A Night at the Symphony kasama ang Manila Philharmonic Orchestra, na gaganapin sa Mayo 28 at 29 sa PICC Plenary Hall sa Pasay City.


Noong 2023, si Laufey ay bumisita sa Manila para sa isang concert sa Filinvest Tent sa Muntinlupa City.


Sa pagkuha ng inspirasyon mula sa jazz, folk, at pop influences, ang musika ni Laufey ay nakilala sa pamamagitan ng emosyonal na pagkukuwento at unique na musical arrangements.


Kilala si Laufey sa mga kantang "From the Start," "Let You Break My Heart Again," at "Valentine." Ang pinakabagong single niya na "Goddess" ay inilabas noong Marso, at ang album na "Bewitched" ay inilabas noong 2023.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | April 21, 2024




Ilang araw matapos ilabas ang pinakabagong album ni Taylor Swift na "The Tortured Poets Department," isinulat ni Post Malone ang isang heartwarming message para sa pop star.


Sa social media platform na X (dating Twitter), nag-post ang sikat na singer ng "Sunflower," ng isang larawan kasama si Taylor.


"It's once in a lifetime that someone like Taylor Swift comes into this world," saad ni Post Malone.


"I am floored by your heart and your mind, and I am beyond honored to have been asked to help you with your journey. I love you so much. Thank you, Tay," dagdag niya.


Nakipag-collab si Post Malone kay Taylor para sa "Fortnight," ang unang kanta sa pinakahihintay niyang album na "The Tortured Poets Department."


Unang ibinunyag ni Taylor ang "The Tortured Poets Department" noong Pebrero nang siya ay nanalo ng kanyang ika-13 na Grammy Award.


Magpapatuloy naman ang pop star sa kanyang "The Eras Tour" para sa European leg sa Mayo.


 
 

ni Angela Fernando - Trainee @Entertainment | April 19, 20244




Good news nga for Filipino fans ng Thai actor na si Win Metawin ang naging panayam nito kay Karen Davila sa YouTube Channel ng huli kasama ang kapareha sa bagong pelikulang “Under Parallel Skies” na si Janella Salvador.


Nausisa kasi ni Karen kung posible bang magdyowa ng foreigner si Win, lalo pa't sikat na sikat at maugong ang pangalan nito sa kasalukuyan sa buong Asya.


Direkta naman itong sinagot ng Thai actor na nagpakilig sa mga netizens dahil posible naman daw para sa kanya at tanggap niya ang ideya na magdyowa ng ibang lahi. May ilan tuloy fans sa comment section ang humirit ng “Pick me, choose me, love me!”


Natuwa naman ang madla sa naging panayam nina Jea at Win dahil naging very fast at honest ang ginawang pagsagot ng dalawa sa mga ibinatong katanungan ni Karen.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page