top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment | May 10, 2024


LOS ANGELES, California - Inihayag nitong Huwebes ng famous Canadian singer na si Justin Bieber at ng kanyang modelong asawa na si Hailey Bieber, na sila'y magiging mga magulang na.


Ipinost ng mag-asawa ang mga larawan ng 27-anyos na fashionista at businesswoman na hinahaplos ang kanyang baby bump habang suot ang isang lace dress.


Ipinapakita naman sa iba pang mga larawan ang 30-anyos na si Justin na kinukuhanan ng mga larawan ang kanyang buntis na asawa.


Inilabas ang mga post sa Instagram ilang linggo matapos makitang magkasama ang mag-asawa sa Hawaii, kung saan si Hailey ay nakasuot ng isang maluwag na damit, na nagtulak ng mga espekulasyon online na buntis siya.


Iniulat ng entertainment outlet na TMZ na nasa anim na buwan na ang pagbubuntis ni Hailey. Nakuha umano nila ang impormasyon sa "sources with direct knowledge."


Nagsimulang sumikat si Justin sa buong mundo bilang isang teen pop sensation noong 2009. Simula noon ay naglabas siya ng mga pumatok na kanta tulad ng "Baby" at "Somebody to Love."


Kilala naman si Hailey na naging modelo ng malalaking brand companies tulad ng Ralph Lauren at Tommy Hilfiger.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 6, 2024


Pumanaw na ang Bristish actor na si Bernard Hill sa edad na 79, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang pamilya.


Nakilala si Hill sa kanyang ginampanang role bilang si Captain Edward Smith sa Oscar-winning 1997 movie na Titanic.


Magugunitang lumabas ang aktor bilang supporting role sa palabas na “The Lord of the Rings” Trilogy, “The Two Towers,” “The Return of the King,” at iba pang mga matunog na pelikula.


Bumida rin si Hill nu'ng taong 1982 sa pelikulang “Boys from the Blackstuff,” na isang commentary sa buhay ng isang lalaki sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng Britain.


Hindi naman binigyang-linaw ang rason sa naging pagkamatay ng aktor.ntrol lang naman ang ginawa para hindi masira ang pangalan ni Francine dahil pumutok na sa mga social media platforms ang mga tsikang may attitude raw ito.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 28, 2024



File photo

Hindi nakasali si Sakura ng K-pop group na LE SSERAFIM sa pinakahuling schedule ng kanynag grupo dahil sa ilang health concerns.


Inanunsyo ng LE SSERAFIM sa kanilang opisyal na Japanese website na si Sakura ay hindi makakasali sa video call event nu'ng Abril 27.


“Due to a worsening of her physical health, Sakura will not be participating in today’s scheduled ‘EASY’ serial number online special event,” saad ng grupo sa pahayag.


Ayon sa mga organizers ng grupo, ang video call event ni Sakura ay ire-reschedule kapag okay na ang pakiramdam nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page