top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 17, 2024


Ipinagdiriwang ng K-pop group na 2NE1 ngayong May 17 ang kanilang ika-15 anibersaryo mula nang sila ay nag-debut.


Inamin nila sa kanilang mga tagasuportang ‘Blackjacks’ na kamakailan ay nakumpleto silang muli para sa photoshoot upang gunitain ang anibersaryo at ibinida ito sa Instagram.


Ibinahagi rin ni CL, dating leader ng grupo, ang pasasalamat para sa kanyang Korean at American fans.


“2NE1 has always been my house that made me feel the freedom to love, to play, to express, to create, to shine, to mix, to connect and share with people. Hope today 2NE1 reminds you to feel your light. Thank you always. NOLZA,” saad ni CL.


Maraming Blackjacks naman ang nagbunyi dahil sa muling pagsasama-sama ng apat na tagumpay na nawakasan ang mga tsismis patungkol sa gusot sa pagitan ng bawat miyembro ng grupo.

 
 
  • BULGAR
  • May 15, 2024

ni Angela Fernando @News | May 15, 2024


Inanunsiyo ng Indonesian singer-songwriter na si NIKI ang dalawang gabing concert niya sa 'Pinas na gaganapin sa Pebrero 11 at 12, sa taong 2025, bilang bahagi ng kanyang Buzz World Tour.


Magkakaroon din siya ng mga concerts sa North America, Europe, at iba pang mga bansa sa Asya.


Ibinahagi ni NIKI ang kanyang excitement para sa tour sa isang Facebook post.


“I LOVE [YOU.] I CAN’T TELL [YOU] HOW EXCITED I AM TO PLAY THIS NEW MUSIC FOR YOU. SEE YOU ALL AGAIN SOOOON,” saad niya sa post.


Wala pa namang karagdagang detalye tungkol sa venue at ticketing para sa nasabing concert.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment | May 11, 2024




Nangunguna sa iTunes worldwide ang pre-released song ni RM ng BTS na "Come back to me."


Ang kanta ni RM, na kasalukuyang nasa military, ay inilabas noong Mayo 10 bago ang paglabas ng kanyang pangalawang solo album na "Right Place, Wrong Person" sa Mayo 24.


Ayon sa management agency ng BTS na Big Hit Music, nanguna ang "Comeback to me" sa iTunes' Top Songs charts sa 82 na bansa at rehiyon, kabilang ang Germany, France, Philippines, Japan, at Brazil, sa ganap na alas-9 ng umaga (KST) nitong Mayo 11.


Kasama ng kanta, isang music video ang inilabas noong Mayo 10. Nagtamo ito ng 5.17 milyong views at nangunguna sa ika-pitong puwesto sa Trending on Music sa YouTube.


Matatandaang pumasok sa military si RM noong Disyembre 11 ng nakaraang taon at inaasahang lalabas siya sa Hunyo 10, 2025. Sa ngayon, lahat ng miyembro ng BTS ay kasalukuyang nagsasagawa ng military service.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page