top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 30, 2024


Ibinunyag ng reality star na si Kourtney Kardashian na nakaranas siya ng limang failed In Vitro Fertilization (IVF) cycles bago natural na nagdalantao sa asawang si Travis Barker na drummer ng Blink-182.


Ang IVF ay ang pagsasama ng egg ng babae at sperm ng lalaki sa isang laboratory dish.


Ibinahagi ng reality star ang kanyang kuwento sa Instagram habang sinasagot ang mga tanong mula sa mga taga-suporta. Sinabi rin niyang naniniwala siya sa plano ng Diyos para sa buhay niya.


Sey ni Kourtney, "I stopped after a year of trying [five failed IVF cycles, three retrievals]. My body relaxed, and I believed in God's plan for my life. Lots of prayers for whatever was meant to be for us.”


Kinumpirma niya rin sa IG na nabuo ang anak nila ng Blink-182 drummer nu'ng Valentine's Day taong 2023 matapos nilang tumigil sumubok ng IVF.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 22, 2024


Iniimbestigahan ng Los Angeles Police Department (LAPD) ang ketamine na ikinamatay ng 54-anyos na “Friends” actor na si Matthew Perry, ayon kay LAPD Capt. Scot Williams.


Kasali rin sa pinagsamang imbestigasyon na ginagawa sa kasalukuyan ang US Drug Enforcement Administration at ang US Postal Inspection Service, ayon sa isang post ng LAPD sa social media kamakailan.


Matatandaang natagpuan si Perry nakalutang nang nakadapa sa pool ng kanyang tahanan sa Pacific Palisades nu'ng Oktubre 28, 2023, ay nasawi dahil sa nakamamatay na epekto ng ketamine at pagkalunod base sa ulat ng autopsy ng Los Angeles Medical Examiner’s Office.


Nanguna ang Robbery-Homicide Division ng LAPD sa paunang imbestigasyon dahil kilalang aktor si Perry, at patuloy na inaalam ang pinagmulan ng ketamine matapos ilabas ang ulat ng autopsy nu'ng Disyembre, halos dalawang buwan pagkatapos ng pagkamatay ng aktor.


Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Capt. Williams tungkol sa imbestigasyon, ngunit ipinahiwatig niyang ito'y “criminal in nature.”


Nakilala ang Emmy-nominated na aktor bilang si Chandler Bing sa NBC sitcom na “Friends” mula 1994 hanggang 2004, kasama sina Courteney Cox, Matt LeBlanc, David Schwimmer, Jennifer Aniston, at Lisa Kudrow. Lumabas din siya sa mga pelikulang “Fools Rush In,” “The Whole Nine Yards,” at “17 Again.”el at Palestine ang mga alegasyong idinidikit sa krimen sa digmaan, at kinondena ng mga kinatawan ng magkabilang panig ang desisyon ni Khan.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment | May 22, 2024


Opisyal na inilantad ni Jason Momoa sa Instagram na ang Puerto Rican actress na si Adria Arjona ang kanyang girlfriend.


Ibinahagi ng "Aquaman" star ang isang carousel ng mga larawan mula sa kamakailang Japan trip kasama ang kanyang kasintahan at mga kaibigan.


Sa isa sa mga larawan, makikita ang aktor na yakap si Adria sa isang diner. Tinawag niya rin itong "mi amor" sa caption, na nagpapatunay ng kanilang pag-iibigan.


“Japan, you are a dream come true you blew my mind. [W]e’re so thankful for everyone who opened their homes, making memories with new friends and old friends, sharing another amazing adventure with mi amor. ON THE ROAM motorcycles and mayhem. All my aloha j,” saad ni Jason sa caption.


Ipinost ni Momoa ang paglalantad matapos niyang ihayag na siya'y in-a-relationship sa pagdalo sa Basingstoke Comic Con sa England noong nakaraang buwan.


“I am very much in a relationship. You’ll find out very soon,” pahayag niya sa event.


Bukod sa "Aquaman," kilala rin ang American actor sa kanyang mga pagganap sa "Dune" at "Fast X."


Samantala, kilala si Adria sa kanyang mga papel sa "Andor," "Irma Vep," "Father of the Bride," "Good Omens," at "Morbius." Nakatakda rin siyang umarte sa "Hit Man" ng Netflix kasama si Glen Powell.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page