top of page
Search

ni Angela Fernando @International Entertainment | June 6, 2024



File photo

Ibinahagi ni Kim Kardashian ang kanyang mga pinagdaraanan bilang isang single mother ng apat na anak sa pinakabagong episode ng 'The Kardashians.'


Naging totoo si Kim pagdating sa kanyang hirap bilang magulang, ipinakita rin nito sa kanilang show kung gaano siya kahirap na pagsabayin ang kanyang birthday, duty bilang jury, mga negosyo, at pagiging istrikto sa mga anak nila ng rapper na si Kanye West na sina North, Chicago, Saint, at Psalm.


Aminado si Kim na palpak siya pagdating sa pagdidisiplina sa mga anak at mas magaling ang nakababatang kapatid na si Khloé pagdating sa pagiging istrikta.


"I want to be more strict like Khloe, but I don't know why I have a hard time just saying, 'No is no.' I think I also don't want to deal with the whining and the tears of not getting their way," saad ni Kim.


Sey ni Kim, handa siyang gawin ang lahat para sa mga anak pero magsisinungaling siya kung hindi niya aamining minsan ay may emotional toll ito sa kanya.

 
 

ni Eli San Miguel @International Entertainment | June 6, 2024



File photo

Ibinunyag ng singer na si Halsey na siya ay kasalukuyang lumalaban sa hindi pinangalanang karamdaman. Ibinahagi niya ang balita sa Instagram sa pamamagitan ng isang serye ng mga video na tila dokumento ng pagtanggap niya ng mga infusions. “Long story short, I’m lucky to be alive.


Short story long, I wrote an album,” aniya sa kanyang post. Bagaman hindi nagbigay ng detalye ang 29-anyos tungkol sa kanyang mga kondisyon, nagbigay naman siya ng mga pahiwatig na siya ay may lupus at leukemia.


Ayon sa isang press release, nagbibigay si Halsey ng donasyon sa parehong The Leukemia & Lymphoma Society at sa Lupus Research Alliance kasabay ng paglabas ng bago niyang kantang "The End" noong Martes.


Halsey - The End

Ang kanyang nasabing upcoming album ay ang kasunod ng huling album na inilabas niya noong 2021, "If I Can’t Have Love, I Want Power," na isang malaking proyekto na ginawa kasama ang tulong nina Trent Reznor at Atticus Ross mula sa Nine Inch Nails.


Kilala si Halsey bilang U.S. singer-songwriter, na ang tunay na pangalan ay Ashley Nicolette Frangipane, na sumikat sa kanyang kanta na "Closer" kasama ang The Chainsmokers at sa kanyang debut album, "Badlands," na naging platinum sa U.S.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 5, 2024



Showbiz News

Nahihirapan at emosyonal ang Oscar-winning actor na si Brad Pitt na tanggapin ang balitang hindi gusto ng kanyang anak na si Shiloh na gamitin ang kanyang apelyido, ayon sa isang source na malapit sa aktor.


Matatandaang naghain nu'ng nakaraang linggo, Mayo 27, sa mismong araw ng kanyang kaarawan, ang anak nina Brad at Angelina Jolie na si Shiloh ng request kung saan gusto niyang alisin ang apelyido ng ama mula sa kanyang pangalan.


“He’s aware and upset that Shiloh dropped his last name. He’s never felt more joy than when she was born. He always wanted a daughter," saad ng source. "The reminders that he’s lost his children, is of course not easy for Brad. He loves his children and misses them. It’s very sad," dagdag pa nito.


May isang source pa ang nagsabing ang dalagita ay humihirit ng bagong legal na pangalan, na "Shiloh Jolie" sa halip na "Shiloh Jolie-Pitt."


Isa si Shiloh sa tatlong biological na anak nina Brad at Angelina, kabilang ang 15-anyos na kambal na sina Vivienne at Knox. Nagkaroon din ang dalawa ng tatlong adopted kids na sina Maddox, Pax, at si Zahara.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page