top of page
Search

ni Gela Fernando @Entertainment News | June 8, 2024



Showbiz Photo

Hindi naitago ni Kylie Jenner ang excitement sa balitang buntis na ang kanyang malapit na kaibigang si Hailey Bieber sa international singer na si Justin Bieber.


Ibinahagi ni Kylie sa kanyang Instagram story ang ilang mga throwback photos nila ni Hailey at sinabing hindi nila namalayan ang bilis ng panahon.


Caption ni Kylie, "[W]e're moms now @haileybieber." Game na game namang nag-react sa kanyang story si Hailey at sinabing, "Like.....where did the time go???????!"


Matatandaang ginulat ng mag-asawang Bieber ang madla matapos nilang isapubliko ang pagbubuntis ng modelo nu'ng Mayo 9 at mukhang hindi nga nakaligtas maging ang beauty mogul mula sa sorpresang ibinahagi ng kanyang kaibigan.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 8, 2024



Showbiz Photo

Umabot na sa mahigit sa 36 milyong views sa ngayon ang unang TikTok video ni Lisa Manoban ng BLACKPINK.


Ito’y isang araw lamang matapos niyang i-post ang video. Mapapanood sa kanyang entry ang pagsasagawa ng iba’t-ibang pose sa saliw ng masayang tugtog. Ibinida rin niya sa video ang pagiging simple pero stylish ng kanyang OOTD.


Sa kasalukuyan, mayroon na itong mahigit sa pitong milyong reactions. Bukod dito, nagpahiwatig pa si Lisa ng kanyang comeback sa Instagram stories na ngayo’y masayang inaasahan ng mga fans.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 7, 2024



File photo


Itinanggi ng “Bad Romance” hitmaker na si Lady Gaga ang mga tsismis na siya’y buntis.


Sa TikTok, nagbahagi ng isang video ang singer na may text na, “Not pregnant.” Sa comments section, makikita namang ipinagtanggol si Gaga ng American pop star na si Taylor Swift.


“Can we all agree that it's invasive [and] irresponsible to comment on a woman’s body. Gaga doesn’t owe anyone an explanation [and] neither does any woman,” komento ni Taylor.


Nagbigay-pugay naman si Gaga sa kanta ni Taylor na "Down Bad" sa kanyang 10-seconds TikTok post nang gamitin niya ang lyrics na "just down bad cryin’ at the gym" sa caption.


Kilala sina Gaga at Taylor bilang pinakamalalaking pangalan sa industriya ng musika, kaya naman talagang pinag-usapan ang pagpapakita nila ng suporta sa isa't isa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page