top of page
Search

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 12, 2024



Showbiz Photo

Nagtamo ang sikat na Hollywood actor na si Dwayne Johnson ng injury na kanyang ibinunyag kamakailan sa Instagram.


Ayon sa 52-anyos na aktor, nasugatan siya sa filming ng nalalapit na pelikulang ’The Smashing Machine.' "Anytime your film is called The Smashing Machine, you're kind of going to get smashed up," saad ni Johnson.


Inamin ni Johnson na napuruhan siya sa ilang eksena at inaalalang maaaring magkaroon ng pinsala ang mga soft tissues sa braso niya na makukumpirma niya kapag tuluyang nawala na ang pamamaga ng kanyang siko.


Naging positibo pa ang remarks ni Johnson sa kanyang naging injury at naalala pa raw niya ang yumaong ama na si Rocky Johnson. Paalala raw kasi palagi nito na, "‘A day without pain is like a day without sunshine, boy!'"


Kinumpirma ni Johnson na nakaranas na siya ng mga injuries dati, ngunit humirit pa rin siya ng payo galing sa kanyang mga tagasuporta para sa mabilisan niyang paggaling.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 11, 2024



Showbiz Photo

Inanunsiyo ng BigHit music ngayong Martes ang isang nakatutuwang balita para sa mga ARMY. Sa isang pahayag sa Weverse, inihayag ng BigHit na nakatakdang magtapos ng military service si Jin ng BTS sa Hunyo 12.


"Please note that the discharge day is reserved for military personnel only. No special events are planned on the day of Jin’s discharge. To prevent any issues arising from overcrowding, fans are strongly advised to refrain from visiting the site. Please convey your warm regards and encouragement in your hearts," saad sa pahayag ng management company.


"We are always grateful for your unwavering love and support for Jin. Our company will continue to put our utmost effort into supporting our artists. Thank you once again for your continued love and support for BTS," dagdag pa nito. Si Jin ang unang miyembro ng BTS na nakatapos ng military service.


Matatandaang nag-enlist siya noong Disyembre 2022. Bago ang kanyang pagpasok sa military, nagkaroon siya ng opisyal na solo debut sa kantang "The Astronaut" na isinulat kasama ang Coldplay, at agad na nakapasok sa music charts ilang sandali matapos itong ilabas.


Sa ngayon, ang iba pang mga miyembro ng BTS ay aktibo pa ring nagsasagawa ng military service. Nakatakda namang magtipon muli ang grupo sa 2025.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment | June 10, 2024



Showbiz Photo

Iiwanan na nga ba ng mag-asawang Ben Affleck at Jennifer Lopez ang kanilang bahay sa Beverly Hills?


Ang mga isyung ito ay pumutok matapos malaman ng Entertainment Tonight (ET) na tahimik na sinusubukan ng dalawang ibenta ang kanilang estate sa halagang $60.8-milyon na binili nila nu'ng Mayo 2023.


Namataan din ang international singer na si Lopez na tumitingin ng mga bagong ari-arian nu'ng nakaraang linggo.


Umugong ang mga balita ukol sa kanilang pagbebenta ng bahay sa gitna ng mga usap-usapang paghihiwalay ng mag-asawa na ikinasal nu'ng 2022.


Matatandaang isang 'di ipinakilalang source nu'ng Mayo naman ang nagsabing ang dalawa ay kinakailangan ng break mula sa isa't isa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page