top of page
Search

ni Eli San Miguel @K-Buzz News | July 9, 2024



Showbiz news

Inaasahan ng South Korean actor na si Song Joong-ki at ng kanyang asawang si Katy Louise Saunders ang kanilang pangalawang anak, ayon sa kumpirmasyon ng management label ni Song.


Kinumpirma ng ahensiya ni Song na HighZium Studio ang pagbubuntis ni Saunders sa isang maikling pahayag sa Korean media outlet na Sports Chosun nitong Lunes.


Gayunpaman, hindi nagbigay ng karagdagang detalye ang ahensiya kung gaano na katagal ang pagbubuntis ng asawa ng aktor. “Actor Song Joong Ki is becoming a father of two,” pahayag ng HighZium Studio.


Ikinasal ang dalawa noong Enero 2023 at nagkaroon ng panganay limang buwan pagkatapos. Unang ikinasal si Song Joong-ki sa award-winning actress at 'Full House' star na si Song Hye-kyo noong Oktubre 2017.


Naging kontrobersiyal naman ang kanilang divorce noong Hulyo 2019. Kilala ang aktor na si Song sa kanyang lead roles sa mga K-drama tulad ng "Descendants of the Sun," "Vincenzo," "Reborn Rich," at "Arthdal Chronicles."


Samantala, si Saunders ay isang British actress na kilala sa kanyang mga papel sa mga pelikulang "The Lizzie McGuire Movie" at "The Borgia."

 
 

ni Angela Fernando @International | June 26, 2024



News

Ibinida ng Avengers at ‘Hawkeye’ actor na si Jeremy Renner ang kanyang mga peklat na nakuha niya sa snowplow accident nu'ng Enero 2023 para sa cover ng Men's Health magazine.


Ipinakita ng kilalang aktor ang kanyang katawan sa front page ng nasabing magazine para sa July-August release, isang taon mahigit matapos makaligtas sa aksidenteng nagdala sa kanya sa life support at iba pang pinsala.


Matatandaang umabot sa kritikal na kondisyon at kinailangang sumailalim sa maraming operasyon sa kanyang likod, balikat, at tiyan si Renner.


Sa loob ng magazine, makikita rin ang peklat sa kanyang binti habang suot ang workout shorts. Naging positibo pa rin naman si Renner matapos ang nasabing aksidente.


Sey nga nito sa kanyang mensahe sa mag: “All those [scars] are just reminders of the beautiful, beautiful, day that could have been a really bad day."

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 24, 2024



News


Ibinida ni Taylor Swift ang bagong boyfriend na si Travis Kelce sa entablado nu'ng ikatlong gabi ng kanyang London Eras Tour stop.


Matapos ang dalawang gabi ng pagbibigay-saya sa mga tagahanga sa Wembley Stadium, pinatunayang muli ni Swift, 34, ang kanyang pagiging tunay na “mastermind” sa pamamagitan ng pagdala sa kanyang nobyo, ang Kansas City Chiefs player na si Travis Kelce, 34, sa entablado habang ang kantang "I Can Do It With a Broken Heart," ay tumutugtog.


Umabot ng mahigit 80,000 ‘Swifties’ ang nanood ng kanyang concert nu'ng Linggo, kung saan nasaksihan nilang kinarga pa ni Travis si Taylor sa stage habang suot ang isang tuxedo na matched sa iba pang mga backup dancers ng international performer-singer.


Maraming fans ang nagulat sa biglaang pagsama ni Travis sa performance ni Taylor at marami ang nagpakita ng kanilang suporta sa dalawa sa mga social media platforms.


Hirit pa ng isang fan sa ‘X’, "[There] is something extremely poetic about [Travis Kelce] carrying [Taylor Swift] away after her heart was shattered.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page