top of page
Search
  • BULGAR
  • Jul 29, 2024

ni Ali San Miguel @Entertainment News | July 29, 2024



Sports News
Photo: Lady Gaga at Michael Polansky - IG

Engaged na ang Mother Monster na si Lady Gaga. Sa TikTok, ibinahagi ng Prime Minister ng France na si Gabriel Attal ang isang video kung saan pinasalamatan niya si Lady Gaga para sa pagtatanghal nito sa opening ceremony ng 2024 Olympics sa Paris.


Sa video, maririnig ang global hitmaker na ipinakikilala sa Prime Minister ang kanyang longtime boyfriend na si Michael Polansky bilang kanyang fiancé. Unang ibinunyag ni Lady Gaga ang kanyang relasyon kay Michael noong Pebrero 2020, matapos silang makita na magkasama sa Super Bowl 2020.


Noong Hulyo, nagbigay ng pahiwatig si Lady Gaga ng kanyang pagbabalik sa music scene matapos mag-share ng selfie sa isang recording studio. Matatandaang noong 2020 pa ang huling full-length album ni Lady Gaga na "Chromatica", na naglalaman ng collaborative single kasama si Ariana Grande, ang "Rain on Me."


Sa ngayon, ang pinakahihintay ng mga fans ay pagganap ni Lady Gaga bilang Harley Quinn sa pelikulang "Joker: Folie à Deux", kung saan si Todd Phillips ang direktor.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | July 23, 2024



File Photo
File Photo: Ryan Reynolds at Blake Lively / Taylor Hill / WireImage / today.com

Ramdam ng aktor na si Ryan Reynolds ang pagmamahal mula sa mga tagahangang sumusuporta sa kanyang nalalapit na bagong pelikulang 'Deadpool & Wolverine' — at kabilang na rito ang asawa niyang si Blake Lively.


Ibinida ng 47-anyos na aktor, na nakapanayam ng ET kasama ang kanyang co-star sa pelikula na si Hugh Jackman, ang suportang ibinibigay ng asawang si Lively sa paghahanda para sa paglabas ng inaabangang Marvel project.


"She's amazing. She is so smart, everything I do is in lockstep with her and now she just takes every step with me — sometimes the scary steps, sometimes the ones that are, more often than not, aimed right at danger," saad ni Reynolds.


"I am super grateful to her. She's just so smart and so funny and [she] like really, really helped in like every aspect of this movie," dagdag pa ng aktor. Mararamdaman ang impluwensya ni Lively, 36, sa nasabing pelikula na magtatampok din ng ilang 'Y2K' references para sa mga taong mahilig sa pop culture.


Hindi naman nakalimutang bigyang-credit ni Reynolds ang kanyang asawa para sa pagtutok nito sa ilang mga jokes at mga late 90s bits na kanilang bibitawan sa film.


 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | July 18, 2024



MJ Lastimosa

Inihirit ng mga abogado ni Angelina Jolie na tapusin na ang away at iurong ang demandang isinampa ni Brad Pitt kadikit ng French vineyard.


Matatandaang nasa isang legal na laban pa rin tungkol sa pag-aari ng Château Miraval at mga negosyo sa paggawa ng alak na sinimulan nila nu'ng 2008 at naging 50-50 na kasosyo hanggang 2021 ang mag-asawa. Ang nasabing demanda ay nagsimula nang magpasya si Jolie na ibenta ang kanyang bahagi.


Nagsampa kalaunan ng demanda si Pitt tungkol sa bentahan, na sinasabing ang pagbebenta ay labag sa kanilang naunang kasunduan kung saan dapat ay bibilhin ni Pitt ang parte ng dating asawa.


Nagsampa naman ng mosyon nu'ng Abril ngayong taon ang mga abogado ni Jolie kung saan binigyang-diin nilang tumanggi si Pitt na bilhin ang parte ni Jolie sa winery maliban kung pumayag siyang pumirma ng mas malawak na non-disclosure agreement (NDA).


Sinabi nilang ang NDA ay isang pagtatangka ni Pitt na pagtakpan ang kanyang pang-aabuso kay Jolie at sa kanilang mga anak na itinanggi ng mga abogado ni Pitt.


Naglabas ng pahayag ang abogado ni Jolie na si Paul Murphy sa Entertainment Tonight kamakailan, na nagsasabing sinubukan ni Pitt na kontrolin si Angelina sa pamamagitan ng paghingi ng mas malawak na NDA.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page