top of page
Search

ni Angela Fernando @Entertainment News | August 14, 2024



File Photo: F-15E / James A. Finley / AP
Photo: Miley Cyrus sa Disney Award sa pagganap bilang Hannah Montana - Miley Cyrus

Naging emosyonal si Miley Cyrus habang inaalala ang kanyang panahon bilang si 'Hannah Montana' nang tanggapin niya ang kanyang Disney Legends honor sa D23.


Makasaysayan ang naging pagtanggap ni Miley ng award dahil itinanghal siya bilang pinakabatang "Disney Legend" sa D23 2024: The Ultimate Disney Fan Event sa Anaheim, California, dahil sa naging pagganap niya sa karakter ni Hannah.


Miley Cyrus as Hannah Montana

Kasama si Cyrus sa hanay ng mga naggagalingang stars tulad nina Jamie Lee Curtis at Angela Bassett bilang isa sa mga taong may malaking impluwensiya sa Disney.


"A little bit of everything has changed... but at the same time, nothing has changed at all. I stand here still proud to have been Hannah Montana," proud na saad ni Cyrus. Naging nostalgic naman para sa mga fans ng actress-singer ang naging pagtanggap ng award at inulan nila ito ng papuri at suporta.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | July 31, 2024



Sports News
Photo: Selena Gomez at Benny Blanco / Allen Berezovsky - Getty / Glamour

Ibinahagi ng actress-singer na si Selena Gomez sa social media ang kanyang pagbabalik-tanaw sa love life niya noon at ngayon pati na rin ang emotional growth niya bilang isang indibidwal.


Nag-post pa kamakailan sa Tiktok ang singer bilang tugon sa isang fan na nagbahagi ng video ni Gomez nu'ng siya'y bata pa, at nilagyan ito ng caption na, "I know, and so do you that at the time (Younger Selena) she would never have gotten engaged to Benny, she was in her IT GIRL era."


"Kinda makes me laugh because I was so depressed back then lol," komento ni Selena sa nasabing video. Matatandaang nagsimula sina Gomez at Blanco bilang mga collaborators at magkaibigan. Kinumpirma nila ang kanilang relasyon nu'ng Disyembre 2023, at naging bukas sa publiko patungkol dito.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | July 29, 2024



Sports News
Photo: Selena Gomez / Axelle / Bauer Griffin / Glamour

Pinabulaanan ni Selena Gomez ang mga kumakalat na tsikang siya'y sumailalim sa cosmetic surgery. Sinagot ni Selena sa social media platform na Tiktok ang mga tanong ng netizens sa content creator na si Marissa Barrionuevo, isang physician assistant (PA) sa isang plastic surgery office na nagbabahagi ng mga larawan ng artista before and after nilang magparetoke.


Ito ay matapos ulanin ang kinilalang content creator kung ano ang mga pagpaparetokeng ginawa ng actress-singer. "Honestly I hate this. I was on stripes because of flare up. I have Botox. That's it. Leave me alone," komento ni Selena sa video ng influencer.


Nag-reply naman si Barrionuevo sa komento ni Gomez gamit ang isang video at humingi ng paumanhin sa singer. "I adore you. I really do mean the best, so I apologize if this rubbed you the wrong way in any way whatsoever," sagot ng PA.


"Although I always try to lead with grace and mindfulness, I am sorry this upset you (and I understand why it did). I decided to stop making videos like this last year because of the negative impact it can cause. It was never my intention," caption pa ni Barrionuevo sa nasabing video.


"I love you. Not about you. I just get sad sometimes," reply ni Selena sa video. Binigyang-linaw naman ni Selena na wala siyang problema sa PA at okay sila nito. Maraming netizens naman ang nagpakita ng suporta sa singer lalo na't na-diagnose itong may lupus.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page