top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | August 21, 2024



Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo

Iniulat ng sikat na American entertainment website na TMZ na nag-file ng divorce si Jennifer Lopez kay Ben Affleck. Ayon sa TMZ, nagpasa si J Lo ng mga legal na dokumento sa L.A. County Superior Court, ngunit walang abogado na nagsumite ng mga ito. — TMZ


"Jennifer filed pro per, meaning by herself and without an attorney," saad ng pahayagan. Iniulat naman ng People entertainment news site na itinakda ni Jennifer ang Abril 26, 2024, bilang petsa ng kanilang paghihiwalay.


Unang nagkakilala sina Jennifer at Ben sa set ng pelikulang Gigli noong 2002. Ipinagpaliban nila ang kanilang planadong kasal noong 2003 at inanunsiyo ang kanilang paghihiwalay noong unang bahagi ng 2004.


Nagsimula muli ang kanilang kuwentong pag-ibig noong 2021 at nagpakasal sila sa Las Vegas noong Hulyo 16, 2022. Ito na ang ika-apat na kasal ni Lopez at pangalawa para kay Ben.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment | August 20, 2024



Showbiz news
Photo: Olivia Rodrigo / Katseye

Nakasama ng HYBE idol group na Katseye si Olivia Rodrigo sa isang backstage moment ng kanyang Guts World Tour. Ginawa naman ni Olivia ang hand pose para sa single ng Katseye na "Touch."


“What a special night @oliviarodrigo. We look up to your craft and kindness immensely. Thank you for being such an incredible role model for all of us! SIS for life,” saad ng Katseye sa Instagram. Sina Sophia mula sa Pilipinas, Daniela, Lara, at Megan mula sa USA, Manon mula sa Switzerland, at Yoonchae mula sa South Korea ay nag-debut bilang Katseye noong huling bahagi ng Hunyo.


Katseye

Si Sophia Laforteza ang tanging Filipino contestant sa reality show at siya ang unang Filipino artist sa ilalim ng HYBE, ang parehong ahensiya na may hawak sa mga global artists tulad ng BTS, Tomorrow X Together, Seventeen, Enhypen, NewJeans, at marami pang iba.


Inilabas ng Katseye ang kanilang debut EP na “SIS (Soft Is Strong)” noong Agosto 16. Samantala, sinabi noon ni Olivia na nais niyang magtanghal sa Pilipinas at nagbigay ng pahiwatig na maaaring magkaroon ng tour stop dito.

 
 

ni Angela Fernando @Entertainment News | August 16, 2024



Showbiz News
File Photo: Matthew Perry - Sa Los Angeles premiere noong 2015 / AP

Naaresto na ang limang taong sangkot sa pagkamatay ng aktor ng "Friends" na si Matthew Perry, ayon sa dalawang mapagkakatiwalaang law enforcement sources na kinumpirma sa CBS News kamakailan.


Hindi pinangalanan ang mga suspek sa pagsu-supply ng ketamine kay Perry. Naganap ang mga pag-aresto halos isang taon matapos matagpuan ang walang buhay na katawan ng 54-anyos na aktor sa kanyang jacuzzi sa bahay niya sa Pacific Palisades, Los Angeles.


Inilabas ang ulat ng toxicology ng Los Angeles County medical examiner, kung saan nakasaad na ang sanhi ng pagkamatay ni Perry ay dahil sa matinding epekto ng ketamine.


Matatandaang bukas si Perry tungkol sa kanyang pakikipaglaban sa addiction, na kanyang tinalakay sa kanyang best-selling na memoir na "Friends, Lovers and the Big Terrible Thing." Ang libro ay inilabas dalawang taon bago siya pumanaw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page