top of page
Search

ni Eli San MIguel @International Entertainment | August 25, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: Rollingstone / IG - Cosmopolitan

Nagkaroon ng legendary collaboration ang dalawang global pop stars ng henerasyong ito sa isang concert.


Sa Instagram, inihayag ni Chappell Roan ang kanyang paghanga kay Olivia Rodrigo dahil sa pag-anyaya sa kanya bilang surprise performer sa Guts Tour nito sa United States.


Sa kanyang post, ibinahagi ng hitmaker ng "Good Luck, Babe!" ang mga larawan mula sa kanilang duet performance ng "Hot To Go" kasama ang Filipino-American singer.


"You make me feel like a Rockstar, Olivia," saad ni Chappell. "Thank you for having me. I love u so much xoxox."


Sa comment section, nagpahayag din ng appreciation si Olivia, "My girl, I love u so much."


Katatapos lang ni Olivia ng kanyang Guts Tour sa U.S. at malapit nang magsimula ang Asian leg ng kanyang tour, na tatagal mula Setyembre hanggang Oktubre.


Magsisimula ito sa Bangkok sa Setyembre 15 at magkakaroon ng mga stop sa Seoul, Hong Kong, Tokyo, Singapore, Melbourne, at Sydney. Nagbigay din siya ng pahiwatig na posibleng magkaroon ng stop sa Manila.


Samantala, si Chappell ay agaw-atensiyon sa kanyang kantang "Good Luck, Babe!" na inilabas noong Abril.

 
 

ni Eli San MIguel @International Entertainment | August 24, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: Justin Bieber / IG

Isinilang na ang panganay nina Justin Bieber at Hailey Bieber.


Sa Instagram nitong Sabado, ibinahagi ni Justin ang larawan ng paa ng kanyang baby.


“WELCOME HOME, JACK BLUES BIEBER, ” saad ni Justin.


Nagsimulang mag-date sina Justin at Hailey noong Hunyo 2018 at nagpakasal noong Setyembre ng parehong taon. Noong 2019, nagpakasal sila sa ikalawang pagkakataon.


Sa ika-30 kaarawan ni Justin noong Marso, sinabi ni Hailey sa kanyang asawa, "Words could never truly describe the beauty of who you are."


Unang inanunsiyo ng mag-asawa ang pagbubuntis ni Hailey noong Mayo.

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | August 22, 2024



Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: File

Nakatakdang pumunta ngayong Huwebes ang BTS member na si Suga, na nahaharap sa reklamong drunk driving, sa isang police station sa Seoul para sa gagawing imbestigasyon.


Naglabas ang Korean media outlet na Seoul Shinmun ng eksklusibong ulat noong Agosto 21 na si Suga (Min Yoongi), 31, ay iniimbestigahan ng pulisya tungkol sa insidenteng naganap noong Agosto 6.


Ayon sa iba't ibang ulat ng Korean media, magpapakita si Suga sa Seoul Yongsan Police Station.


Sa kasalukuyan, nagsasagawa ang mga otoridad ng imbestigasyon sa paggamit ni Suga ng electric scooter habang siya ay lasing noong Agosto 6.


Kasalukuyang nagsasagawa si Suga ng military service bilang isang social service agent.


Nag-enlist siya noong Setyembre 22 ng nakaraang taon at inaasahang madi-discharge sa Hunyo 21, 2025.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page