top of page
Search

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | October 12, 2020


ree


Ang serpintina.


Ang serpintina ay ang isa sa pinagkakaguluhang halamang gamot sa ating bansa. Sa ngayon, ang serpintina ay “wanted”, as in, napakarami ang gustong magkaroon ng halamang ito.


Ang pangalang serpintina ay hindi naman orihinal na pangalan ng halamang ito dahil ang kanyang tunay na pangalan ay “sinta”. Ang sinta ay Tagalog ng salitang “love”.


Kaya naging serpintina ang sinta ay dahil nadiskubre ng mga tao na ang halamang ito ay nakagagamot ng napakaraming sakit at pati ang mga sakit na inayawan ng mga doktor ay nalulunasan nito. Ang serpintina ay nagmula sa “serpent”, na mismong simbolo ng medicine, kumbaga, the serpent is the medicine symbol.


Sinta o serpintina, wala namang ganu’ng problema dahil ang sinumang gumamit ng halamang ito ay maiinlab at tiyak na magiging faithful lover ng serpintina.


Narito ang medicinal benefits ng serpintina:

● Analgesic - pain killer

● Anti-inflammatory - panlaban sa pamamaga

● Antibacterial - binabawasan ang bakterya mula sa diarrhea at iba pang impeksiyon

● Antimalarial - panlaban sa malaria

● Antihepatotoxic and hepatoprotective - panlinis ng mga liver toxins at pampalakas ng atay at apdo

● Antipyretic - panlaban sa lagnat

● Antithrombotic - laban sa pamumuo ng dugo o blood clot; panlaban din sa atake sa puso

● Antiviral - panlaban sa virus kabilang ang virus na may kaugnayan sa HIV

● Antioxidant - panlaban sa free radicals o lason na nakapasok sa katawan

● Canceolytic- pamatay ng cancer cells

● Cardioprotective - pinalalakas ang muscles ng puso

● Choleretic - pinagaganda ang daloy ng bile

● Depurative - nililinis ang daluyan ng dugo

● Expectorant - pinalalabas ang plema sa respiratory system

● Hypoglycemic - pinababa ang blood sugar at nagbibigay-prokteksiyon laban sa diabetes

● Immune system enhancer - nagpapalakas ng immune system

● Vermicidal - pumapatay ng intestinal worms

Dagdag pa rito, ang serpintina ay panlaban din sa:

● Ubo

● Pananakit ng ulo

● Earache o sakit ng tainga

● Pananakit ng muscle

● Arthritis

● Rayuma

● Fibromyalgia,

● Multiple sclerosis

● Depresyon

● Diarrhea

● Dysentery o pamamaga sa bituka

● Cholera

● Candidiasis o fungal infection

● Lupus

● Diabetes

● Piles

● Fatigue

● Hepatitis

● Herpes

● Leprosy

● Kawalan ng gana kumain

● Swollen lymph nodes at iba pang lymphatic conditions

● Jaundice

● Dyspepsia

● Dermatitis

● Eczema

● Burns

● Pneumonia

● Bronchitis

● Tuberculosis

● Chicken pox

● Mumps

● Sluggish liver, spleen, kidneys at adrenal glands

● Sleeplessness

● Vaginitis

● Breast lumps

● Constipation

Sa dami ng pakinabang sa serpintina, sino nga ba ang hindi maiinlab sa halamang ito? Sa totoo lang, ang serpintina ay tinatawag ding “King of Bitter” o halamang hari ng pait, as in, sobrang pait.

Good luck!

 
 

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | October 9, 2020


ree


Ang insulin plant.


Sa kasalukuyan, pumapalo na sa mahigit 100 milyon ang populasyon ng mga Pilipino, habang ang mga may diabetes ay umaabot na sa mahigit 5 milyon.


Gayundin, diabetes ang mas kinatatakutang sakit ng mga Pinoy at dahil dito, ang tinatawag na insulin plant ay naging in-demand.


Marami ang kumita nang malaki sa pagbebenta ng insulin plant. May mga pumuwesto lang sa bangketa at inilagay ang mga ibinebentang insulin plant kung saan ang nagtinda mismo ay hindi makapaniwalang naubos agad ang kanyang paninda.


Ang iba naman ay yumaman din sa pagbebenta ng insulin plant online. Sa ngayon, ito ang numero-unong halamang gamot na mabenta o ‘ika nga, selling like a hotcake.


Ang totoo, hindi naman talaga insulin plant ang pangalan nito kundi spiral plant dahil ito ay lumalaki na pa-spiral, kaya ito ay tinawag na spiral plant.


Pero nang magsimulang dumami ang may diabetes, ang spiral plant ay naging insulin plant dahil marami ang nagpatotoo na ang halamang ito ay nakagagamot sa diabetes.


Ang insulin ay isang hormone na may kakayahang ibaba ang level ng glucose na isang klase ng asukal o sugar na nasa dugo. Ito mismo ang nagagawa ng insulin plant kung saan kaya nitong ibaba ang level ng asukal sa dugo hanggang sa maging normal na lang.

Sa ganito sumikat nang husto ang insulin plant na mabisang herbal medicine laban sa diabetes. Gayunman, narito ang iba pang kakayahan ng insulin plant:

  • Ito ay mabisang gamot para sa mga may altapresyon o high blood pressure at sa mga sakit sa kidney.

  • Kaya ring lunasan ng insulin plant ang sakit na may kinalaman sa digestion dahil ito rin ay isang natural prebiotic na nagpaparami ng good bacteria sa tiyan.

  • Kaya rin ng insulin plant na talunin ang mga free radical na nakapasok sa katawan at mabigyan ng proteksiyon ang ating katawan.

  • Napakaganda rin ng insulin plant para sa sodium at water retention sa katawan.

  • Mayroon itong diuretic properties.

  • Kayang-kaya tunawin ng insulin plant ang fat deposits at toxins sa atay.

  • Ito rin ay pinaniniwalaang anti-cancer.

  • Kaya rin ng insulin plant na pababain ang bilang bad cholesterol sa dugo.

Sa ngayon, patuloy ang pag-aaral sa insulin plant at ang nakagugulat ay patuloy din ang pagdami ng mga natutuklasang sakit o karamdamang kaya nitong lunasan.

Magandang may insulin plant sa bakuran kaya humanap ka nito at iyong alagaan dahil aalagaan ka rin nito laban sa mga panganib sa kalusugan.

Good luck!

 
 

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | October 4, 2020


ree


Ang bougainvillea.


Lahat ay nakakakilala sa halamang bougainvillea. Kung halamang pandekorasyon ang pag-uusapan, wala nang tatalo sa bougainvillea dahil ito ay makikita sa halos lahat ng lugar. Karaniwan itong nasa labas ng bahay dahil noon pa man, ito ay kinikilala na ng mga Tsino na pampasuwerte dahil na rin sa ang kanyang petals na sinisimbolo ng scale o balat ng lucky dragon.


Bihirang makita ang bougainvillea sa loob ng bahay dahil sa paniniwalang ang anumang halaman na may tinik ay may negatibong puwersang dala-dala sa bahay.


Alam n’yo ba, mga ka-BULGAR, na noong unang panahon sa mga tribo o kalipunan ng mga sinaunang tao, ang bougainvillea ay ginagamit kapag sumosobra na ang populasyon? Kumbaga, dahil ang pagkain ay limitado lang sa kanilang naaabot na lugar, hindi na nila kayang pakainin nang maayos ang maraming miyembro ng tribo kaya dapat ay hindi na madagdagan ang kanilang bilang.


Sa ganitong kondisyon, ang mga lalaki at babae sa tribo ay paiinumin ng katas ng bougainvillea para mapigilan ang overpopulation dahil ito ay antifertility.


Ang nakatutuwa rito ay ngayong moderno na ang panahon, base sa ginawang pag-aaral sa bougainvillea, natuklasang tama ang tradisyunal na paggamit ng mga tribo sa bougainvillea dahil ito ay totoong antifertility.


Ang bougainvillea ay kinikilala rin sa maraming bansa bilang powerful herbal para sa panggamot:


● Ang tradisyonal na manggagamot sa Mandsaur ang gumagamit ng mga dahon ng bougainvillea para sa diarrhea, gayundin upang mabawasan stomach acidity.

● Sa silangang kalupaan, ito ay gamot sa sipon, ubo at nangangating lalamunan.

● Kinikilala rin ito sa mga isla sa Pasipiko na gamot sa pagpapaganda ng daloy ng dugo.

● Sa Timog America, ipinanggamot ito sa hepatitis.

● Sa Panama, gamot ito sa mataas na blood pressure.

● Sa Nigeria, panlaban ito sa diabetes.

● Sa China, ang bougainvillea tea ay kinikilalang gamot sa insomnia.

Sa ginawang pag-aaral, ang mga paunang resulta ay nagsasabing ang bougainvillea ay may anticancer, antidiabetes, anti-hepatotoxic, anti-inflammatory, antihyperlipidemic, antimicrobial, antioxidant at antiulcer properties.


Taglay ng bougainvillea ang mga phytoconstituents na alkaloids, essential oils, flavonoids, glycosides, oxalates, phenolic, phlobatannins, quinones, saponins, tannins, at terpenoids, na dahilan kaya ang bougainvillea ay isang super herbal medicine.

Ang iba pang chemicals na nagpapalakas sa bougainvillea sa larangan ng herbal medicine ay ang mga bougainvinones, pinitol, quercetagetin, quercetin at terpinolene.

DAGDAG-KAALAMAN: Ang dagta ng bougainvillea ay mildly toxic kapag marami ang pumasok sa katawan. Ang mga dahon ng bougainvillea ay hindi toxic, pero ang tinik nito ay nakapagdudulot ng allergic reaction. Samantala, ang mga bulaklak ay edible o makakain at puwedeng ipansahog sa mga sinabawang ulam. Gayundin, isinisama ito sa salad at ito mismo ang ginagamit sa bougainvillea tea.

Good luck!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page