top of page
Search

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | July 19, 2020




Ang upo.


Isa sa pinakakilalang gulay ang upo at ito rin ang numero-unong paboritong itanim ng mga magsasaka at taga-probinsiya.


Para sa mga magsasaka, naaalis ang pagod nila kapag nakikita nila ang bunga ng kanilang itinanim na upo. Sa kanilang mundo o sa mundo ng mga magsasaka, mayroong unwritten na paligsahan kung saan sila ay nagpapahabaan ng kanilang bunga ng upo.


Kaya para magawa nilang mapaganda ang kanilang tanim na upo, maaga pa o kahit hindi pa panahon ng pagtatanim ng mga gulay, nag-iipon na sila ng pataba. Itinatabi nila ang dumi ng kanilang alagang hayop para magamit sa pagpapalago ng mga tanim na gulay, partikular ang upo.


Hindi pa man pumapatak ang unang ulan sa buwan ng Mayo, gumagawa na sila ng “lungaw” o butas sa lupa na pagtatamnan ng upo. Lalagyan na nila ito ng pataba o natural fertilizers mula dumi ng hayop para ihanda ang lupang pagtatanman.


Nakakatuwa dahil espesyal itong ginagawa ng mga magsasaka para sa upo. Kumbaga, hindi nila gaanong inihahanda ang lupang pagtatamnan ng iba pang gulay dahil tulad ng nasabi na, ito ay dahil may tradisyon sila sa pahabaan ng bunga ng upo.


Ang nakatutuwa rito ay dahil sa dami, hahaba at malaki ng bunga, hindi nila ito ibinebenta dahil ipinamimigay lang nila ang mga bunga ng upo sa mga kapitbahay, kaibigan at kaanak sa nakatira sa kanilang bayan.


Pero nabago na ang takbo ng buhay ng mga Pinoy dahil mas marami nang mga bunga ng upo ang ibinebenta para sa pandagdag na kabuhayan.


Sadyang nakatutuwa ang upo, pero may higit na nakatutuwa rito dahil ang upo rin ay kabilang sa halamang gamot kung saan maraming karamdaman na ang nalulunasan nito tulad ng mga sumusunod:

  1. Pangtangal ng pagod. Isa rin ito sa dahilan kung bakit paborito ito ng mga magsasaka hindi lang sa pahabaan ng bunga kundi dahil kapag ininom ang katas ng upo o tubig na pinaglagaan ay nakakawala ng pagod.

  2. Ito rin ay gamot sa pagdurugo ng ilong o nose bleeding sa panahon ng tag-init. Kaya ring lunasan ng upo ang taghiyawat, pagputok ng balat at heat stoke sa panahon ng tag-init.

  3. Tumutulong ang upo para bumaba ang timbang o para pumayat. Tulad ngayon, halos ang lahat ay tumaba dahil sa tagal ng lockdown, ang pag-inom ng tubig na pinaglagaan ng upo ay mabisang pampapayat.

  4. Bukod pa rito, dahil maraming fibers ang upo, hindi ka mapaparami ng kain kapag inulam ito dahil madarama mong busog ka na. Ang ganitong pakiramdam na busog na ay ang pormula ng mga mamahaling produkto na pagkaing pampapayat.

  5. Isa sa mas kinikilalang kakayahan ng upo bilang herbal medicine ay bilang panlunas sa UTI o urinary tract infection.

  6. Sumasakit ba ang tiyan mo? Feel mo ba, hindi ka natunawan? Uminom ka ng katas ng upo at mahimalang mawawala ang sakit ng tiyan mo.

  7. Ang regular na pag-inom ng katas ng upo o tubig na pinaglagaan nito ay nagpapababa ng blood cholesterol, kaya ito ay good for the heart.

  8. Pagod ang katawan at isipan mo dahil sa dami ng gawain at suliranin? Uminom ka ng katas ng upo at mawawala ang pagod mo, mentally at physically.

Masarap ang upo dahil may kakaiba itong tamis kapag isinasahog sa ulam. Maaaring hindi tanggihan ng mga bata ang upo dahil ito ay masarap ding kainin at mabilis na natutunaw sa dila. Gayundin, ang lasa ng upo ay hindi tulad ng ibang gulay na inaayawan ng mga bata. Subukan mo itong ipatikim sa bata at ito ay kanilang magugustuhan, lalo na kung sa unang pagpapatikim ay isasama mo sa kanilang mga paboritong pagkain.


Inirerekomenda naman na mas magandang ang mismong upo ay ilagay sa juicer at ang katas ang inumin kung gagamitin bilang halamang gamot.

Good luck!

 
 

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | July 12, 2020




Ang pechay.


Sa panahon ngayon na ang COVID-19 ay patuloy na nasa sa ating paligid, napakaraming ipinapayo na iba’t ibang paraan, gamot, lunas at kung anu-ano pa na sa huli ay

mabilis na kinokontra ng Department of Health (DOH).


Pero ayon sa DOH, ang the best na dapat gawin ng tao ay palakasin ang immune system nang malabanan ang COVID-19. Sa ganitong payo, nagkakaisa ang lahat at walang mas gaganda pa kundi ang magkaroon ng malakas na immune system.


May isang gulay at ang kanyang pangalan ay pechay, na kapag kinain nang madalas, sure na sure na lalakas ang immune system.


Ang maganda rito, kada pamilihan tulad ng palengke o supermarket at kung saan may ibinebentang mga gulay ay tiyak na may pechay. Kumbaga, kahit anong oras mo kailangan, hindi ka mahihirapang bumili nito. Hindi tulad ng ibang gulay o halamang gamot na napakahirap hanapin at bihira makita sa mga tindahan at ang iba pa nga ay maghihintay ka pa ng panahon dahil may mga halamang tinatawag na “seasonal”.


Mayaman ang pechay sa Vitamin A at nakagugulat dahil 72% ng recommended daily intake (RDI) ng bitaminang ito ay makukuha sa pagkain ng pechay.


Ayon sa pag-aaral ng Linus Pauling Micronutrient Information Center at Oregon State University, ang Vitamin A sa pechay ay nagpoprotekta at sumusuporta sa epithelial cells na mahalaga sa immune system defenses.


Dagdag pa nila, ang Vitamin A sa pechay ay mahalaga sa eyesight at kapag kulang sa nasabing bitamina, maaaring magkaroon ng “night blindness” kung saan ang mga mata ay hirap makakita kapag madilim o low light.


Mayaman din ang pechay sa isang pang bitamina na kilalang-kilala na nagpapalakas ng immune system at ito ay ang Vitamin C.


Ayon sa National Center for Complementary and Alternative Medicine, USA ang Vitamin C sa pechay ay mahalaga sa synthesis ng collagen, ang “major building block” ng connective tissue. Gayundin, ang Vitamin C ay mabisang antioxidant na magpoprotekta sa katawan mula sa masasamang epekto ng oxidative stress.


Ang pechay ay nagtataglay din ng folate na isang klase ng Vitamin B complex, ayon sa Office of Dietary Supplements sa National Institutes of Health, USA. Ito ay critical sa development and maintenance ng mga cells. Kada 3 oz. serving ng pechay, may 10% average ng daily value ng folate. Kung walang sapat na folate consumption bago ang conception, maaaring magkaroon ng birth defect ang batang ipinagbubuntis tulad ng problema sa utak at spine. Gayundin, maaaring maging sanhi ng gastrointestinal symptoms, sakit sa ulo, sore tounge, behavioral disturbances at banta ng heart disease ang folate deficiencies.


Ang mga nasa itaas ay lumabas sa scientific na pag-aaral sa pechay. Kumbaga, ang sinasabing kailangan ng pechay bilang halamang gamot ay hindi nakabase sa haka-haka.


Mayroon din ng mga sumusunod na sustansiya ang pechay:

  1. Calcium para sa malakas na mga buto.

  2. Phosphorus para sa bone formation, digestion, excretion at hormonal balance.

  3. Potassium para sa muscle control, blood pressure regulation at hypertension prevention.

  4. Iron na nakatutulong para madala ang oxygen sa dugo.

  5. Magnesium para sa detoxification ng katawan.

  6. Zinc para ma-improve ang immune system laban sa impeksiyon at cancer

  7. Thiamin, Vitamin B-6 at folate para sa mas magandang function ng puso, muscles at nervous system.

Sa kasalukuyan, sinusuri pa itong mabuti. Bagama’t sa mga unang pag-aaral, ang pechay ay kinakitaan ng kakayahang labanan at tuluyang gamutin ang breast at ovarian cancer.

Muli, hindi mahirap makahanap ng pechay kaya bakit hindi mo magagawang kumain nito araw-araw? Mas magandang mas malakas ang immune system natin dahil ito ang tunay na panlaban hindi lang sa COVID-19 kundi sa lahat ng karamdamang puwedeng dumapo sa atin.

Good luck!

 
 

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | July 8, 2020




Ang gumamela.


Nakatala sa ating sa Philippine flower history na gumamela ang pinakasikat sa lahat ng mga bulaklak at mula noon hanggang ngayon, kilala ito ng mga Pinoy.


Hindi lang ang bulaklak ng gumamela ang sumikat dahil ang mismong halaman nito ay natagpuang ginagamit na pambakod sa mga bakuran. Noong nagdatingan ang mga Amerikano na may mga dalang materyal na pambakod sa kanilang barracks at tirahan, humanga sila sa mga Pinoy dahil ang bakod natin ay gumamela plants.


Pero ang talagang nagdala sa gumamela sa tugatog ng kasikatan ay ang nakaugaliang maglagay ng mga dalaga ng bulaklak ng gumamela sa kanilang tainga. Dahil sa bulaklak nito, nalalantad ang kanilang kagandahan at lumalakas din ang kanilang pang-akit sa kalalakihan.


Gayunman, hindi lang sa ganyang paraan nakilala ang gumamela dahil ang lahat ng Pinoy ay kilala ito bilang halamang gamot. Ito ang numero-unong inilalagay sa pigsa.


Dito rin sa katangiang ito, nagulat ang mga doktor na Amerikano dahil sila na bihasa sa langaran ng medisina ay hinahayaan lang na mahinog ang pigsa bago operahan. Samantala, ikinagulat nila na ang mga Pinoy ay nagtatapal ng gumamela sa pigsa para mapabilis ang paglabas ng mga nana o mikrobyo mula rito.


Hanggang ngayon, nakasulat sa mga tala ng foreigners ang kakaibang galing at husay ng mga Pinoy sa tradisyunal na paraan, kaya hindi nakapagtatakang napakaraming dayuhan na pumupunta rito sa ‘Pinas para lang subukan ang ating tradisyunal na paraan ng panggagamot.


Pigsa lang ba ang nagagamot ng gumamela? Wait, there’s more! Ginagamit din ang gumamela bilang herbal medicine na:

  • Expectorant

  • Diuretic

  • Emollient

  • Anti-infectious

  • Anti-inflammatory

  • Antipyretic

  • Anodyne

  • Refrigerant

Ito rin ay ginagamit bilang gamot sa mga sumusunod na karamdaman:

  • Bronchitis

  • Ubo, sore throat

  • Lagnat

  • Treats dysentery

  • Urinary tract infection (UTI) at bladder infections

  • High blood pressure

  • Prevention of constipation

  • Sakit ng ulo

  • Boils, swelling & abscesses, mumps

Narito naman ang mga paraan ng paggamit:

  • Decoction o pagpapakulo ng tubig na may gumamela bilang gamot sa bronchitis, lagnat, ubo, UTI, high blood pressure, constipation at dysentery.

  • Poultice, pagdurog o pagdikdik sa gumamela saka ipapahid sa apektadong parte ng katawan. Halimbawa, kapag masakit ang ulo, maaari itong ipahid sa noo, puwede rin sa boils, swelling, abscesses and mumps.

  • Para sa mumps at UTI, pakuluan ang 15 hanggang 30 grams ng pinatuyong gumamela saka inumin.

  • Para abscesses, carbuncles at boils, durugin ang mga dahon ng gumamela at itapal sa apektadong bahagi ng katawan. Puwede ring durugin ang flower buds at gawing paste saka ipahid sa namamagang parte ng katawan, gayundin, ginagamit ito sa cancerous swellings and mumps.

  • Ang katas ng ugat, bark, dahon at bulaklak ay puwedeng maging moisturizer.

  • Ang katas naman ng ugat ng pula at puting gumamela ay ginagamit bilang antidote sa lason.

  • Ang bark ng gumamela ay emmenagogue o ginagamit para maging normal ang regla ng babae.

  • Para sa stimulant at cramps, mabisa naman ang buto nito.

  • Ang mga dahon nito ay mabisang panunaw.

  • Mucilage sa pagle-labor.

  • Ang mga pulang bulaklak ay panunaw at kapag ininom kasama ang papaya seeds, maaari itong maging abortive.

  • Ang pagbabad ng gumamela sa tubig, alcohol o langis ay expetorant sa bronchitis.

  • Ginagamit din ito bilang stimulant kung saan ang langis ay inihahalo sa katas ng petals.

Pinag-iingat ang kababaihan na madalas uminom ng katas ng gumamela dahil ito ay may epekto bilang malakas na abortifacient.


Sa modernong panahon, sumisikat na sa maraming bansa lalo na sa Asia, Middle East at ilang bansa sa Europe at North America ang gumamela tea dahil mas mahusay ito kaysa sa ibang tsaa na nagpaparelaks ng isipan at katawan.

Good luck!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page